"Pagaling ka ha" malambing kong sinabi sa kanya. Naramdaman ko naman na tumango siya.

Ilang minuto pa kaming ganun lang, just like last time noong unang beses na nagalit si Audrey sa kanya. Whenever I hug Key I always make sure that she's the one to let go first. Hindi ko alam kung gaano niyang kailangan yun.

"Salamat Hero" sabi niya as she released the hug.

Pagkatapos noon ay hawak-kamay kaming bumalik sa beach. Alam ko kasi may beach party ngayon. Pagdating namin ay nakita nga namin na may mga torches lang na nagbibigay ilaw sa beach at maraming mga estudyante dito. Parang luau lang ang dating.

"Nga pala Key, sasabihin mo rin ba kay Chace?" tanong ko sa kanya. Nakita ko kasi si Chace na may kausap na mga babae sa isang gilid. Kasama rin niya si Chen, nangchi-chicks siguro.

"Oo naman, baka mamaya after nitong party" sabi naman niya.

Tumingin tingin ako sa paligid at saktong nakita ko na nakatingin sila Audrey kay Key. Mukhang pinag-uusapan na naman nila si Key, nung napatingin sila sa akin ay sinamaan ko kaagad yung tingin ko. Kung alam niyo lang ang sitwasyon ni Key, baka mapaluhod na lang kayo bigla ng dahil sa paghingi ng awa.

Niyaya naman ako ni Key na sumama kami sa mga nagsasayawan sa gitna. Nakisama na lang ako sa kanya, after all masaya nga naman. Pero syempre binabantayan ko rin siya, dahil baka mapagod siya bigla o kaya baka may mangyari sa kanya.

Ngayon alam ko na yung dahilan kung bakit nangyari yung sa bahay nila. Yung time na nakita ko na lang siya sa kusina na para bang latang-lata. Chest pain siguro yun, at based na rin sa inakto ng parents niya, madalas ngang mangyari yun. Kaya dapat bantayan ko rin si Key.

"Hero sama ka naman sa amin, ang dalang mong makisama sa amin eh" sabi ng ilan kong mga lalaking kaklase. Di naman kasi ako talaga gaanong palasama sa mga tao eh. Si Chace at Key nga lang ang mga ka-close ko talaga.

"Sorry guys, may kasama ako eh" sagot ko sa kanila habang tiningnan ko si Key na nasa tabi ko.

Nginitian lang ako ni Key, "Sige na Hero, sumama ka naman sa kanila para maiba. Sasamahan ko na muna si Chace" sabi niya sa akin. Oo nga pala, may sasabihin pa siya kay Chace.

Tumango na lang ako. "Sige na nga, basta Key... ingatan mo sarili mo" paalala ko sa kanya.

Piningot lang niya yung ilong ko saka siya tumawa. "Ano ka ba naman, para kang tatay ko. Chill Hero, I'll be fine. Kasama ko si Chace" sabi niya bago siya nagpaalam.

Chace's POV

Seryoso ba ito? Bakit papunta sa akin si Key? Di ba dapat sinusulit nila ni Hero ang time na eto? Nasa beach kami, walang teachers dahil puro sila nag-iinuman tapos wala rin ang parents ni Key. Chance na nila eto di ba—teka parang hinuhukayan ko lang ang sarili ko ng libingan sa ginagawa ko ah.

Haha sige Chace! Pakabaliw ka pa! Mabuti pa siguro at magpaanod ka na lang sa dagat, baka sakaling madala ka sa South Korea, baka ma-discover ka doon.

"Hi Chace" bati niya sa akin.

"Bakit ka nandito?" tanong ka sa kanya. Amp! Medyo rude Chace, nice going. Mukha naman siyang nagtaka.

"Bakit? Hindi na ba kita pwedeng lapitan dito dahil nangchi-chicks ka?" nagulat naman ako sa sinabi niya. Ako mangchi-chicks?

"Ha? Bakit mo naman naisip na ginagawa ko yun?" tanong ko sa kanya. Tinaasan lang niya ako ng kilay saka niya tinuro yung mga babaeng nasa likuran ko na puro nakatingin sa akin na para bang iniintay ako.

Fools in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon