Chapter 27

17.1K 391 31
                                    

Votes and comments for more updates.



Peter Point Of View

Tahimik akong nakaupo sa may office table ko nang maangas na umupo sa may upuan sa harapan ko si Calix. It's been a long time since we've talked. Halos hindi na nga ata kami nagkakausap nito depende nalang kung importante ang paguusapan namin. Unlike before we were so close like brothers but now... it changed a lot.

"What's up?" Tanong ko rito at napatigil sa pagbabasa ng libro na hawak ko.

"Good..." sagot naman nito. Sa tingin ko may importante itong sasabihin dahil hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan.

"What bothers you, pwede mo nang sabihin." Anya ko rito. Matapos kong sabihin iyun ay umupo na siya nang maayos at confident na tumingin sa akin.

"I'm going to move." Move? Ibig niya bang sabihin lilipat? "And Venice is coming with me." Dagdag pa nito.

"You're forgetting our mission." Natatawa kong sambit sakanya. Hindi kami pumunta rito para mag-away sa iisang babae pero mukha talagang mapaglaro ang tadhana at kusang tumibok nalamang ang puso ko...

"I don't care. Isasama ko si Venice wether you want it or not. Kahit si Dad pa ang pumigil." Speaking of his Dad. I know what his dad can do, nabalitaan ko na ngang ipinadukot ni Uncle Drelix si Venice to terminate. At para mapalaya niya si Venice without any wound to be seen napagalamanan kong nagdadalang tao daw ang dalagita. I don't know if its true pero kung si Calix din magiging ama, I am sure that this is not a good idea. Kilala ko ang isang Calix Royale, alam ko kung gaano siya kadahas. Wala siyang kinatatakutan. Wala siyang sinasamba...

"Calix. Venice is not pregnant. If she is, may mga sign 'yan. Don't fool yourself." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyan, ang gusto ko lang naman ay mailayo si Venice kay Calix.

Bigla nalamang niya akong hinawakan sa aking kwelyo gamit ang dalawa nitong kamay na may pagkagalit at muhi.

"Relax. I'm just telling the truth." Aniya ko rito at itinaas ang dalawa kong kamay na kunwari ay talo na ko.

"It's not funny. I am serious Peter especially if its Venice. So don't make stupid jokes if you want to live." Sambit nito sa akin at marahas na umupo muli sa kanyang upuan.

"Okay, okay. So, bakit ka pala naparito?" Tanong ko rito. Pero hindi ako nito pinansin at binato lamang ako ng mga salitang nagpagulat sa aking diwa.

"I like her as much... as you like her." Doon bigla nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit.

"You know what I can do." Pagbabanta nito sa akin.

"Cal, I am your cousin. Don't think that wa--"

"Fuck-off. The way you look at her, the way you talk and smile. I very know you well." Totoong gusto ko si Venice and I hid it for a long time.

"I know you're the one who sabotaged my house. Ganyan ba ang tunay na kadugo? Interfering someone's life? Back-stabbing?" He knows.

Parang kusang napaatras ang aking dila sa kanyang sinabi. So, alam na pala niya na ako ang may pakana ng nangyari sa mansion niya? I want to be honest. Yes, it is me. But I never intended to harm Nanay Beng, I just want to give Calix a sample. Gusto kong imulat ang mata niya na lahat ng taong lalapit sa kanya ay masasaktan lamang. Gusto kong ilayo si Venice sa kanya dahil alam kong hindi biro ang susunod naming mission pero makulit talaga itong si Calix.

PAYBACK: The Obsession of Calix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon