Chapter 18

18.3K 401 11
                                    




Nagising ako dahil sa maingay na pagputok ng kung ano sa may labas. Nakatulog na pala ako sa sobrang dami ng iniisip ko. Paano ba naman may hidden room sa may opisina ni Calix? Hays.

Halos mapatalon na ako sa sobrang ingay ng makarinig ulit ako ng tunog ng baril sa may labas. Kaya naman automatic na napadapa ako sa may sahig para hindi ako matamaan ng kung ano sa may bintana.

"Calix!" Sigaw ko ng malakas ng barilin ang bintana ng aking kwarto. Napasigaw muli ako sa walang tigil na pagbaril sa may bintana ng aking kwarto dahilan para mapunta sa akin ang mga nabasag na salamin. Napatakip na rin ako ng tainga dahil mabibingi na talaga ako.

Mga ilang minuto ito bago tumigil, kaya naman laking pasasalamat kong hindi ako natamaan. Jusko! Wala naman akong nagawang kasalanan pero bakit nasa bingit na ako ng kamatayan?

"Venice. Don't move." Mahinang anya ni Calix na nasa pintuan. Nakadapa pa rin ako hanggang ngayon sa may sahig habang siya naman ay dahan-dahan na nagtungo sa may bintana upang masilip.

"Fuck! They're gone. Are you alright?" Tanong nito sa akin.

"Calix... b-bakit ako ang target nila? Ma-may nagawa ba kong masama?" Naiiyak kong tanong sa kanya. Lumapit si Calix sa akin upang ako ay kanyang mayakap ng mapansin niyang konti nalang at maiiyak na ko.

"A-akala ko mamatay na ko..." at tuluyan na ngang bumagsak ang aking mga luha.

"I'll never let that happen." Pagtatahan nito sa akin. Hindi ko alam ang pakiramdam na ito pero I feel safe nung sabihin niya iyun...

Bago niya iyun sabihin ay ang mabilis na pagbitaw ng pagyakap nito sa akin.

"Stay here. 'Wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi." Anya nito sa akin.

"Wait...-" hindi na niya narinig ang aking sinabi dahil mabilis na umalis ito. "'Wag mo kong iwan..." naiiyak na dagdag ko. Natatakot na talaga ako sa pu-pwedeng mangyari. Never pa ako naka-experience ng ganito kaya natatakot talaga ako.

Nanlumo ang aking mga binti at napaupo mula sa pagkakatayo ko kanina, hanggang sa mapayakap nalang ako sa aking mga binti. Sana okay lang si Calix. Baka kung ano na ang mangyari sa kanya.

30 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin bumabalik si Calix. Kinakabahan na talaga ako. Kaya kahit na utos niyang 'wag akong umalis sa kwartong ito ay kusang naglakad ang aking mga paa patungo sa ibaba. Maraming nabasag na mga kagamitan na babasagin sa may sala at sobrang gulo rin dito. Ano bang nangyari?

"Calix..?" Mahinang tawag ko sa pangalan niya pero ni-isa ay walang sagot.

Doon ko napagtanto na wala siya sa may sala kaya nagtungo ako sa kusina.

Halos mapatakip ako ng aking bibig ng makita kong nakahalundusay si Nay Beng sa may kusina.

"N-nay Beng!" Mabilis na lumapit ako sa kanya, doon ko napansin ang tama ng bala sa kanyang taligiran.

"Hija..."

"Sandali lang Nay. Tatawag p-po ako ng tulong." Hinawakan ko ang kanyang taligiran upang tumigil ang pagdaloy ng dugo. "CALIX!" Malakas na pagsigaw ko.

"Hija... i-ikaw na ang bahala kay Calcal. 'Wag mo siyang papabayaan." Anya ni Nay Beng na nahihirapan sa paghinga at napapaubo na rin ng dugo. Mas lalo akong napaiyak.

"Nay naman eh. 'Wag na wag po kayong pipikit. Hihingi ako ng tulong."

"Calix!" Malakas na pagsigaw ko muli. Dumating naman si Calix sa pangalawa kong pagtawag sa kanya at nagmamadaling tumungo kay Nay Beng.

"Fuck!" He cursed. Binuhat siya si Nay Beng ng makalapit siya sa amin at mabilis na pumunta sa kanyang kotse sa may garahe. Kahit wala akong suot na sapatos at naka-paa lang ako ay sumama rin ako.

"Nay Beng malapit na po tayo sa hospital. Wag po kayong susuko." Hinawakan ko ang kanyang kamay ng pagkahigpit upang malaman niyang nagaalala na talaga ako.

Nang tuluyan na kaming nakapunta sa may hospital ay mabilis na dinala sa ICU si Nay Beng upang maoperahan. Kitang-kita ko sa dalawang mata ni Calix ang pagaalala.

"Calix... gagaling si Nay Beng." Anya ko rito at hinawakan ang kanyang balikat.

"Ill kill whoever did this." Nang-gigil na sabi naman nito at sinapak ng pagkalakas-lakas ang pader. Hindi ko naman siya masisi dahil nagaalala lang naman talaga ito.

Matapos ang isang oras na paghihintay sa resulta ng operasyon kay Nay Beng ay ang paglabas ng doctor kung saan siya lamang ang nakakaalam kung nakayanan ni Nay Beng.

"Doc kamusta naman po si Nay beng? Ayos lang po ba siya? Success po ba? Naligtas nyo pa ba?" Sunod-sunod na tanong ko.

"She is fine. Mabuti nalang at walang natamaan na important organ sa kanya at malakas pa siya despite of her age." Nakahinga ako ng malalim ng magandang balita ang narinig ko sa Doctor.

"But unfortunately, she needs to stay here until she is full recovery."

"Salamat po talaga doc. Thank you thank you." Paulit-ulit kong sambit sa kanya. Mabuti nalang at okay lang si  Nay Beng napakabuti kasi ng pagtrato nito sa akin at sa tuwing iniiwan ako ni Calix si Nay Beng ang tanging nagaalaga at nagbabantay sa akin.

Hindi ko alam kung anong dahilan pero ng makita ko si Calix na patungo sa akin ay bigla ko nalamang itong niyakap.

"Okay siya Calix." Naiiyak kong sambit rito habang kami ay magkayakap parin.

"Lets go home." Anya nito.

"Pero sino ang magbabantay kay Nay Beng?" Tanong ko rito at napabitaw sa pagkakayakap sa kanya.

"I know you're tired. Hindi rin natin siya pwedeng icheck, I already paid the bills and I assigned someone who can take care of her."

"Paano kapag bumalik yung may pakana nito?" Nagaalala na tanong ko.

"Don't you worry. I settled it all out. Let's go and stop asking."

Kahit maraming katanungan ay mas pinili ko nalamang na itikom ang palatanong kong bibig.

---

Hola amigas/amigos! Thank you for reading this story. Mas maguupdate ako kung ipagpapatuloy nyo lang ang suporta na binibigay nyo. More comments makes me write more. Kaya ano pang hinihintay nyo? Coment down below! Mwaaah

PAYBACK: The Obsession of Calix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon