Chapter 23

16.5K 372 12
                                    


Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga lalaking naguusap. Wala akong makita at tanging mga boses lang nila ang naririnig ko, kasalukuyan kasi akong blindfolded pero 'yung bibig ko wala naman siyang takip. Nakatali rin ang aking pala-pulsuan sa likuran ko habang ang dalawang paa ko ay nakatali sa may paa ng upuan na pinagkakaupuan ko ngayon.

"Sigurado ba kayo siya 'yun?" Tanong ng isang lalaki.

"Opo boss. Siya po ang kasama ni Master Calix." Sagot naman ng malalim na boses ng lalaki.

"Okay. Here. Make sure that no one see you this." Matapos kong marinig ang huling usapan nila ay ang pagsarado ng pintuan naman ang aking narinig. Sa tingin ko umalis na ang iba.

"Untie her feet." Akala ko wala na sila pero may natira parin pala.

Naramdaman ko ang pagtanggal ng tali sa may paa.

"Wala kayong makukuha sakin. Parang awa n'yo na." Pagmamaka-awa ko.

"Dalhin n'yo sya kay Big Boss." Anya naman ng lalaking kanina pang nanguutos. Big Boss?

"Big boss? Teka wala akong kinalaman dito! Ahh!" Anya ko pa.

Kahit na alam kong wala naman akong kakayahan na magpumiglas ay ginawa ko parin. Kahit na alam kong tanging isang stick lang ako sa kanila dahil ramdam ko ang lakas ng katawan ng dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang braso ko. Tanging mga yapak lang ang naririnig ko at dahil nga nakatakip ang aking mga mata wala akong makita na kahit ano.

Tumigil kami ng ilang segundo at rinig ko ang pagbukas ng pintuan sa may harapan namin.

Tinulak muli ako ng nakahawak sa aking braso upang makapasok kami sa loob ng lubusan.

"Big boss. Nandito na po ang inuutos nyo."

"Tanggalin n'yo yan." Utos ng boses matanda at tinanggal ang nakaharang sa aking mata. Ilang segundo pa nang makarealize akong nasa loob ako ng isang opisina kaya naman nilibot ko muna ang aking mga mata. Kulay blue at black ang desenyo nito. May bookshelf sa may gilid na antigo ang mga kagamitan. Napatingin ako sa aking harapan kung saan may lamesa at nakapwesto ang matandang lalaki. Kahit matanda ito hindi mo ikaiila ang kagwapuhang taglay nito. Naka-blue robe na fur ito at may hawak siyang wine glass. May lalaki rin sa may kaliwa nito na may katangkaran. Malaki ang pangangatawan at mala-adonis ang itsura.

"Untie her." Utos ng matanda. Tinanggal naman ng isa sa mga utusan niya ang tali ko kanina sa may pala-pulsuan.

"Have a seat." Anya nito. Kahit may pagtataka ay sinunod ko ang utos niyang umupo sa may upuan sa harap ng lamesa. Kumuha ito ng wine glass at nilagyan ito ng red wine.

"I have heard that you and Calix always been together. Anong meron sa inyong dalawa?" Tanong nito sa akin at iniabot ang wine glass na nilagyan niya ng red wine.

Hindi ko sinagot ang tanong niya at bagkus ay tinanggap nalang ang iniabot niyang inumin.

"What's your relationship with him?" Dagdag pa nito.

"H-hindi ko po maaring sagutin ang tanong na 'yan." Matapang na sagot ko.

"And why is that?" Nakangiting anya nito sa akin.

"Kasi po... hindi ko naman po alam kung anong meron samin." Nakatingin lang ako sa mga mata nito. Parang may hawig itong matandang ito.

"Hmm... well then, I got the answer." Matapos niya itong sabihin ay ang mabilis na pagbigay ng utusan niya ng kalibre 9mm sa matandang ito at itinutok sa aking mukha.

Eto na ba ang katapusan ko? Agad na napahawak ako ng mahigpit sa may wine glass na hawak ko at nakatingin lamang sa may butas ng baril kung saan dadaan ang bala. Nakakatakot man isipin pero ito na ata ang huling pagkakataon na malalanghap ko ang hangin. Masakit man ang sinapit ko pero masaya naman ako dahil sa kabila ng paghihirap na aking natamasa nandyan ang mga taong lubusan na nagmamahal sa akin. Kung hindi nga lang sa isang tao, hindi ako mapupunta sa bingit ng kamatayan.




*bogsh

Hinihintay ko nalamang ang pagputok ng baril sa aking ulo ng may biglang bumukas ng pintuan sa likuran. Sa tingin ko sinipa ito kaya nakagawa ito ng malakas na tunog.

"Leave her alone!" Sigaw ng pamilyar na boses sa akin. Agad na tumingin ako sa may likuran at doon bumagsak ang mga luhang kanina pa naipon.

"Calix, what are you doing in here?" Tanong ng matanda sa kanya.

"Put it down, Master Calix!" Sigaw naman ng mga utusan ng matanda habang nakatutok ang baril nito sakanya. Kasalukuyan din kasing nakatutok ang baril ni Calix sa matanda. Bale ganito ang eksena.

Bodyguard ng matanda > Calix > matanda > sakin.

Ganyan ang pagkasunod-sunod ng pagtutok ng baril. Opo, kasama parin ako.

Binaba ng matanda ang nakatutok na baril sa aking mukha kasabay noon ang pagbaba rin ng mga bodyguard ng baril nila.

"Let her go, dad." Anya ni Calix na nagpalaki ng mata ko.



DAD?!

"Hindi ko inaasahan ang pagbisita mo dito, son." Anya ng dad ni Calix. "Why not put your gun and lets talk like man to man?" Dagdag pa nito.

"Dad, I don't want to make any trouble in here. Just fucking let her go." Galit na sagot naman nito sa kanyang tatay. Kaya pala pamilyar ang mukha ng matandang ito dahil ngayon ko lang napagtanto na may hawig silang dalawa.

"Calix. I taught you a lot of times about this. Code no. 10 Women weakens your heart, without your heart, you can't win."

"Bullshit! This is the reason why mom left us because of your stupid codes."

"Don't ever involved your mom in here!" Galit na baling ng kanyang tatay.

"Why? That's the truth." Hindi ko aakalain na palasagot pala itong si Calix atsaka hindi ko rin masyadong maintindihan ang kanilang mga sinasabi. "Fuck that truth!" Dagdag pa nito.

Huminga ng malalim ang kanyang tatay at umupo sa may upuan habang nakapangalong baba na parang bang nagiisip.

"Fine. I'll let her go but give me one reason. ONE reason why would I." Anya ng kanyang tatay habang naka-ngisi ito.

Napatingin ako sa direksyon ni Calix na sa tingin ko ay nagiisip ng rason. Hanggang sa 'di ko inaasahang ganito ang kanyang sasabihin.

"She's carrying the next ROYALE." Sagot nito nagbigay sa amin ng katahimikan sa loob ng dalawang minuto. Opo, dalawang minuto.

PAYBACK: The Obsession of Calix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon