Chapter 2

39.6K 732 10
                                    




Tahimik akong nadaan dito sa may Royale Mansion, dito kasi ang tanging daan patungo sa aking eskwela, pero sa bawat daan ko rito ay ang pakiramdam ko'y kaba at takot. Mga ilang buwan na rin ganito ang aking nararamdaman. Ewan ko ba pero sa tuwing dadaan ako dito pakiramdam ko may nakatingin palagi sa akin.

Napahinto ako sa aking paglalakad nang masilayan ko ang matipunong lalaki sa labas ng gate ng Royale Mansion kung saan malakas ang kapit ng pamilyang ito sa gobyerno sabayan pa ng maraming business nila dito sa maliit na aming baryo.

Hindi ko na ininda kung sino man ang lalaking ito, at nang mapadaan ako. Binati ko 'to ng pagkaganda-ganda

"Goodmorning." Anya ko rito habang nakangiti. Napa-tingin lang ito sa akin. Napansin ko ka agad ang mapupungay na mata nito at ang nunal nito sa kanyang gilid ng kanyang mata na talaga naman nagpagwpo sa kanya, ang tangos pa ng ilong. Pero nang napagtanto kong ang tagal ko nang nakatitig sa kanya. Umalis na ako. 'Di man lang nagatubila na greet din ako pabalik. Anyway hayaan ko na nga lang.

Nagtungo na ako sa eskwelahan nang mahagip ka agad ng aking mga mata si Lana na aking bestfriend, mapapansin mo ka agad ang kanyang mga mata na emotionless pati na rin ang mukha nito ay palaging poker face. Yung bang hindi mababasa ang nasa kanyang isipan.

"Goodmorning Lana, kamusta ang umaga mo?" Magandang bati ko sa kanya.

"Ayos lang." maikling sagot nito sa akin. Sabay kaming tumungo sa aming classroom nang hindi naguusap dahil mas pipiliin nitong ni Lana ang katahimikan, ayaw niya kasi na nagkukwentuhan ng nonsense, yung mga bagay na hindi naman importante.

Binati ko lahat ng mga kaklase ko na kakilala ko pati na rin sa mga kakakilala ko pa lang. Friendly kasi talaga ako.

Sabay kaming umupo ni Lana sa aming upuan nang mahagip ko si Samuel na sa tingin ko ay nagrereview para sa darating na pagsusulit namin. Kaya naman lumapit ako rito.

"Samuel, baka naman mataasan mo na ako niyan." Natatawa kong anya sa kanya.

"Hindi naman, imposible atang mataasan kita sa pagsusulit." Sagot nito sa akin na may halong biro.

"Ikaw pa ba? Kayang kaya mo yan."

"S-salamat." Nauutal na anya nito sa akin.

"Osige, magreview ka lang dyan ah?" Malambing na anya ko sa kanya na nagpakaba sa kanya dahilan para mabagsak niya ang kanyang ballpen. Ano kayang problema nito? Kinuha ko ang ballpen na nalaglag sa sahig at iniabot iyun. Napansin ko pa nga ang pagkahiya nito ng kunin niya iyun.

Sakto naman ang pagdating nang aming unang guro dahilan para mapaupo ako sa aking upuan. Wala akong katabi sa aking kaliwa dahil sa bakante ito. Nang makapasok ang aming guro, doon ko nakita ang lalaking kakakita ko palang sa may Royale masion.
"Hala." Anya ko sa aking sarili. Hindi ko alam na dito siya papasok dahil sa hindi man lang ito nakauniform.

"Kilala mo siya?" Walang reaksyon na tanong ni Lana sa akin na nasa kabilang table na sa kanan ko lang.

"Good morning class, as you can see we have a new transferee student here. He doesn't want to introduce himself..." Lahat kami ay nabighani sa kagwapuhan niya pero hindi ko maisip na ayaw nito magpakilala kaya naman napakunot ang aking noo. "Anyway, you can sit now." Dagdag ni Ma'am sa amin at nakita ko pang naglibot ng tingin itong bagong classmate namin. At nang makita niyang bakante ang upuan sa gilid ko, tumungo siya rito. Sa totoo lang marami rin namang bakante rito pero siguro ito ang napili niya dahil nasa dulo ito at malapit sa may bintana. Bawat lamesa rito ay may dalawang upuan bale magse-share kami sa lamesa si Lana hindi ko katabi pero nasa kabila ko lang siya, medyo malapit naman siya.

Nang makaupo na siya sa kanyang upuan, naramdaman ko agad ang pagtingin nito mula sa aking direksyon. Kaya naman humarap ako sa kanya.

"Hi..." nakangiti kong bati pero tinignan lang ako nito sa aking mga mata na pinangtaasan ko ng balahibo. Never kasing may ganito kung tignan ako. "Ako nga pala si Venice." Pilit kong ngumiti kahit na na-awkwardan ako sa mga tinginan nito.

"Beautiful." Maikling sagot nito. Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya naman napakunot ang noo ko.

"Beautiful?"

Imbis na sagutin ako nito, pagsusungit nito ang binigay sa akin at binaling ang tingin sa may bintana. Ano bang pinagsasabi nitong beautiful?

Malipas ang ilang oras ng pagtuturo ng aming guro, walang ibang ginawa ito kundi ang tignan lang ako kung minsa'y pa nga natingin ito sa aking maikling palda dahilan para mapakapit ako sa palda ko dahil kinakabahan talaga ako sa kanya.

Makalipas ang araw, ganito palagi ang scenario naminh dalawa. Kung hindi siya nakikinig sa aming teacher natingin lang ito sa akin. Hindi na tuloy ako makapagaral ng maayos dahil madidistract ako sa kanya.

Pero ibahin mo ang araw na ito dahil ito lang naman ang araw na lumabas na ang kanyang tunay na kulay. Ang maitim niyang anyo.

Habang nagtuturo ang guro namin sa harapan. Nagulat ako sa kanyang ginawa. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking hita, napinangtaasan ko ng baliho. Hindi ako makatingin sa kanya, kaya naman napayuko ako at tama nga ako na kanya itong kamay na ito. Hinawi ko ng bahagya ang kanyang kamay, pero mapilit talaga ito.

Pinagpapawisan ako ng malagkit ang lamig narin ng kamay ko.

Dahan-dahan nitong itinataas ang kanyang kamay sa aking hita. Kaya naman tumingin na ako sa kanya para naman malaman niyang hindi ko na ito nagugustuhan.

Pero hindi ito nakatingin sa direksyon bagkus ay nakikinig ito na nakakapanibago. Nang tuluyan na niyang mahawakan ang gusto niya, agad akong tumayo nang may pagdabog.

"Miss Lagro, do you have any problem?" Tanong sa akin ni Ma'am sa harapan. Doon ko napagtanto na gumawa na pala ako ng eskandalo rito.

"I am sorry ma'am but can I g-go to the restroom?" Nauutal na sagot ko rito.

"Yes you can go no--" hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinabi ni maam dahil nagmadali akong tumakbo sa may banyo.

Ano bang problema niya? Bakit ganon nalang siya kung umasta? Hindi ko mapigilan ang tanungin ang aking sarili sa manyak na yun. Ang tagal na niyang napasok sa school pero hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan niya tapos kung makahawak siya sa aking legs wagas!

Napahilamos ako ng aking mukha sa kabastusan na kanyang ginawa. Nakakadiri! Kita ko rin ang pamumula ng aking pisngi. Kapag inulit niya ulit iyun, hindi na ako magaatubilang sampulan siya.

PAYBACK: The Obsession of Calix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon