Chapter 13

20.1K 419 7
                                    

Makalipas ang ilang araw ay hindi na nagpakita sa akin si Calix. Hindi ko na siya masyadong nakikita sa mansyon o kaya kahit man lang makasalubong. Pabor naman ako na hindi makita ang prisensya niya pero hindi ko rin maiwasan ang hindi magisip ng kung anu-ano. Nasaan na nga ba siya?

"Nay Beng, wala po ba kayong balita kay Calix?" Tanong ko sa kanya habang sabay kaming kumakain ng pananghalian.

"Nako hija masanay ka na dun eh daig pa niya kabote na bigla bigla nalang sumusulpot." Anya ni Nay Beng habang natatawa sa kanyang sinasabi. Napaisip tuloy ako, siguro sawa na siya sa akin? Siguro pupuwede na akong bumalik sa amin? Siguro wala na siyang pakialam sa akin. Oo siguro nga wala na siyang pakialam, ano ka ba Venice sa simula't sapul wala naman talagang pakialam si Calix sayo diba?

"Oh bakit ka malungkot? Baka naman madurog mo na 'yang kinakain mo?" Napatingin naman ako sa kanin at ulam na nasa plato ko ngayon. Totoo ngang durog na siya, siguro dahil sa rami ng iniisip ko hindi ko namalayan na pagkain na pala ang napagdiskitahan ko.

"Wala po." Maikli kong sagot.

"Uuwi si Calix ngayong gabi. May ginawa lang ata 'yun sa work niya." Napaisip naman ako sa sambit ng matanda na nasa harapan ko.

"Pero Nay Beng, kasing edad ko lang po si Calix diba? Edi ibigsabihin senior high palang po siya may work na siya?"

"Hija, ano ba 'yang pinagsasabi mo? Graduate na 'yan ng kolehiyo si Calix."

"Pero... ano po kasi.--" napatigil ako sa pagkukwento ng maalala ko na bawal ako magkwento kahit kanino lahat ng mga nangyari sa aming dalawa simula ng magkakilala kami.

"Ano 'yun hija?"

"Wala po." Napaka-misteryoso naman ni Calix. All this time ang akala ko magkasing edad kami. Pero bakit magkaklase kami ng mga panahong iyun? Ibigsabihin ba nun ay pineke niya ang mga papeles at dokumentaryo niya para lang makapasok siya sa eskwelahan na pinapasukan ko? Pero ano nga ba ang dahilan?


***

Tinulungan ko si Nay Beng sa pagdidilig ng mga halaman sa Hardin. Wala rin naman akong magawa kung hindi ang tumulong. Sa totoo lang gusto kong tumukas kaya minaigi kong suriin ang lugar na ito para sa pagdating ng tamang panahon ay magiging successful ang pagtakas ko. Syempre hindi naman mawawala sa isipan ko ang pagtakas na 'yan. Humahanap lang talaga ako ng tamang oras at tyempo.

Napatigil kami sa pagdidilig ng mga halaman ng makita namin ang kotse ni Calix na kakaparada palang.

"Dito ka muna hija. Aasikasuhin ko lang si sir." Iniwan ni Nay Beng ang kanyang ginagawa at iniwan akong magisa. Napatingin ako sa malaking bakod na may barb wire. Hindi ako maaaring umakyat rito dahil sigurado akong sa hospital ang abot ko. Iisa lamang ang daan papasok rito kung hindi ang malaking gate na pinagpasukan ni Calix kanina may guwardya siya ang tantya ko ay hindi lalagpas ng sampu ang gwardya dito.

"Venice! Halika rito." Napatigil ako sa pagiisip ng tawagin ni Nay Beng ang aking pangalan. Nakita ko si Calix na mukhang nagiintay rin sa pagpunta ko sa harapan niya. Mabilis na tumungo ako sa pwesto nila at baka magalit nanaman ang demonyo na 'to.

"Ano po 'yun Nay Beng?"

"Gusto mo ba sumama sa siyudad sakin? Mamimili kasi ako mamaya dahil darating daw ang mga kaibigan ni Calix mamayang gabi." Napatingin naman ako kay Calix na nakatingn sa akin.

"Ah... eh Nay Beng kung ayos lang po kay Calix sasama po ako." Siguro inaalok ako ni Nay beng dahil wala siyang alam na kinukulong ako rito ni Calix.

"You can come." Lumiwanag naman ang aking mukha sa narinig kong sambit ni Calix.

"Halika na't para maaga tayong makauwi." Nagmamadaling anya ni Nay Beng at pumasok sa loob para kunin ang mga gamit niya. Papasok na rin sana ako sa loob ng hawakan ni Calix ang mga braso ko na may pagkadiin.

"I'm watching you." Pagbabanta nito sa akin.

"H-hindi naman ako tatakas Calix." Sagot ko rito.

"I know. Ipapadala ko ang isang bodyguard ko para mabantayan ka. Tandaan mo Venice isang maling kilos mo lang, buhay ng pamilya mo ang nakasalalay." Tumango naman ako bilang sagot kasabay non ang paglabas ni Nay Beng agad na tinanggal ni Calix ang pagkapit niya sa akin.

"Nay, buy her everything she wants." Dagdag pa nito nang mapadaan sa harapan namin si Nay Beng.

"Sige sir. Mauna na po kami." Gaya nga nang sabi ni Calix may isang bodyguard kaming kasama.

Sa isang sasakyan kami sumakay kasama ang driver at bodyguard namin. Mga ilang minuto ay nakapunta na kami sa siyudad na talaga naman kinamangha ko. Pumasok kami sa mall, ngayon ko lang napagtanto na sobrang daming tao ngayon.

"Venice, eto bumili ka ng gusto mo. Sasamahan ka ni Kuya John para hindi ka maligaw." Matapos sabihin ni Nay Beng iyun. Inabot niya sa akin ang Credit Card. Si Kuya John pala ang bodyguard na pinasama sa amin ni Calix. Nung una tumanggi ako pero kalaunay napilit rin ako dahil sabi ni Nay Beng malalagot raw siya kapag wala akong nabili.

"Kuya dito muna po kayo bibili lang ako sa loob." Anya ko kay Kuya john. May gustong-gusto kasi akong bilhin at ayun ay ang pills. Dahil sa totoo lang hindi pa talaga ako handa mabuntis. Pumasok na ako sa loob ng watson at bumili ng gamot para hindi ako mabuntis. Kailangan ko ito dahil nandyan nanaman si Calix mas mabuti nalang siguro na itago ko ito at isarili nalang ang tungkol rito. Matapos kong bumili ay bumalik na kami kay Nay Beng. Mabuti nalang at hindi pakialamero itong si Kuya John dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin niya about dito. Matapos makabili si Nay Beng ng mga kakailanganin ay umuwi na rin kami. Maggagabi na nang makauwi kami. Wala pa namang tao sa loob ng mansyon kaya nakapaghanda pa si Nay Beng ng ilan pang pagkain.

"Hija alam kong pagod ka na, magpahinga ka muna. Tatawagin nalang kita kapag tapos na 'tong niluluto ko." Napansin ata ni Nay Beng ang paghikab ko at pagunat ng katawan. Totoong pagod na talaga ako dahil sa dami ng ginawa ko ngayong araw na ito.

"Ah sige po." Maikli kong sagot at dumiretso sa may kwarto ko. Kinuha ko sa may plastik ang nabili kong gamot at itinago ito sa may cabinet kung saan nakalagay ang mga underwear ko. Humiga ulit ako sa may kama at ilang minutong nagpahinga.

PAYBACK: The Obsession of Calix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon