Chapter 17

20.1K 403 6
                                    

"Calix!" Tawag ko rito nang masaktuhan kong papalabas na siya nang mansyon. Lumingon naman ito sakin kaya naman tumakbo akong patungo sa kanya.

"May gusto lang sana akong itanong." Medyo hinihingal kong anya. Nakita ko naman ang pasenyas ng mukha nito na para bang naghihintay lang sa itatanong ko. "Pwede ba akong makihiram ng cellphone or kahit anong gamit para matawagan ko sila lola at lolo?" Kahit nahihiya man ako ay nilakasan ko na ang loob ko.

"Hm... the reason why?"

"Ah mali ka ng iniisip hindi naman dahil sa gusto kong tumakas, promise hindi ko gagawin 'yun. Ano kasi... namimiss ko na kasi sila atsaka gusto ko lang sana silang kamustahin."

"Let's talk about this later." Anya nito sa akin at tumalikod na. Ay bastos? Hindi man lang sinagot kung pwede ba o hindi.

"Ah sige... ingat." Mahinang sambit ko at tinignan lang ang pagalis niya. Saan nanaman kaya siya pupunta? Bakit ko nga ba siya iniisip? Hays.

Kagaya ng dati ay parehas lang ang mga ginawa ko ngayong araw. Linis, kain, linis at kain. Walang iba kung hindi ganyan lang. minsan nakakasawa na rin pero wala naman akong magawa dahil sa bawal naman akong lumabas at masyadong mahigpit ang mga gwardya rito pupunta lang akong garden may nakabuntot agad akala mo naman tatakas ako.

Maghahapon na nang marinig ko ang makina ng sasakyan mula sa ibaba kaya naman mabilis pa sa kabayo na nagtungo ako roon. Baka kasi magbago ang isip nun at baka pwede ko nang matawagan sila lolo at lola.

"Oh ikaw pala..." parang nanlumo ako nang makita ko siya.

"Bat parang 'di ka ata masaya na nakita mo ko?" Natatawang anya nito sa akin.

"Uy hindi naman. Hinihintay ko kasi si Calix kaya akala ko siya, ikaw. Pero nga pala bakit ka napadalaw rito?"

"Binibisita ko lang ang utol ko. Bakit bawal ba?" Maangas na tanong nito at umupo sa may malaking sofa ng sala.

"Hindi naman. Wala kasi si Calix dito kung gusto mo kumain ka muna, paghahainan lang kita."

"Tamang tama gutom na rin ako." Natatawang sabi nito sa akin. Gaya ng alok ko pumunta na kaming kusina at pinaghainan siya ng makakain. Marami din siyang nakwento sakin na mga bagay bagay kaya mas matutuwa ako kasi kahit papaano may alam ako sa labas ng bahay na ito.

"Do you like being prisoned in here?"bigla na lamang niyang natanong habang patuloy parin sa pagkain.

"Huh?" Teka alam na ba niya na prisoner ako ni Calix?

"I mean para ka kasing nakakulong sa bahay na 'to. Hindi ka man lang lumalabas." Nakahinga naman ako ng malalim ng sabihin niya iyun akala ko kasi alam na niya na nakakulong ako dito.

"Gusto ko rin naman lumabas kaso hindi ko magawa dahil sa pinagbabawalan ako ni Calix."

"I see... maybe he just keep a precious girl like you." Anya nito sa akin.

"Impossible naman ata 'yan."

"Seryoso, baka iniisip kasi niya na maghanap ka ng iba haha"

"Loko ka talaga!" Natatawa kong sabi sa kanya at medyo pinalo ang braso niya. 'Wag kang magisip ng kung anu-ano Venice kaya ka nandito dahil nasaksihan ng dalawang mata mo ang karumaldumal na ginawa ni Calix. Isa kang witness kaya ka niya tinatago...

"Alam mo ba... -- lapit ka dito, sasabihin ko sayo ang sekretong malupet naming dalawa." Lumapit ako ng bahagya para marinig ang sasabihin niya sa akin. Hindi ako mahilig sa mga sekreto pero pagdating sa kanilang dalawa gusto ko malaman.

"Nextweek... pupunta kami sa probinsya at papasok kami doon as a highschool student for our next mission." Matapos niya 'yun sabihin ay binigyan niya ako ng matatamis na ngiti kasabay nun ay ang pagwink niya sa akin.

"Bakit naman?"

"Kasi may pinapagawa nanaman 'yung dad ni Calix..--" hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin ng makarinig kami ng pagpark ng sasakyan sa may labas. "Ikwento ko nalang sayo mamaya." Dagdag pa nito at tumayo na sa pagkakaupo at tumungo papuntang sala.

Pinagmasdan ko lang ang paglisan niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa mga narinig ko, hindi kaya papatay nanaman ulit sila? Next mission? Hindi ko alam pero napapaisip talaga ako ng malalim kung ano bang sekreto ang meron sa dalawang misteryosong magkamaganak na ito. Drug dealer kaya sila? Ay shoot! Nakalimutan mo atang killer ang mga 'to Venice kaya 'wag kang magtitiwala.

Nakita ko ang pagpasok ni Calix at lumapit siya kay Peter na nakangiti ngayon. Hindi ko man marinig ang kanilang pinaguusapan pero alam kong seryoso ang mga ito.

Hindi na nila ako pinansin at dumiretso na sila papuntang taas kung saan ang office ni Calix. Hindi ko alam pero kusang sinundan ng mga paa ko ang dalawang binata. Parang mala-spy akong sinundan sila. Nang makapasok sila sa loob ng office ni Calix, tumigil na ako at sumilip sa may key hole para makita sila. Naririnig ko ang boses nila ngunit hindi ito malakas.

"Dad wants us to continue the mission..." seryosong anya ni Calix kay Peter.

"Then what's the matter? He always have a mission for us."

"No. This is different." Napatahimik silang dalawa sa paguusap at humarap si Calix sa may bookshelf at itinaas niya ang isang kamay na statue nang babae roon at sa isang iglap ay may biglang lumabas na pintuan.

"Now tell me what tell me about it." Natatawang tanong ni Peter. Hindi ko na narinig ang mga susunod na pinagusapan nila dahil pumasok na sila sa loob.

Ano kayang ibigsabihin nila sa it is different?

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod ko dahil sa pagsilip ko sa may key hole at dahan-dahang naglakad papalayo. Maraming katanungan sa aking isipan na hanggang ngayon ay hindi parin masagot. Sa lalim ng aking iniisip di ko na pala napansin na nasa harapan na ako ng pintuan ng kwarto ko, Binuksan ko ang pintuan na nasa harap ko at pumasok sa loob.

Sa dimalamang dahilan napahiga ako sa malambot kong kama at napatingin sa ceiling. Kailan kaya ako makakaalis rito? Atsaka 'yung secret passage kanina? Ano kayang meron don? May tinatago rin ba siyang babae gaya ko, gaya ng ginawa niya sakin? O baka mas malala pa dun? Hays. Bakit ko nga ba iniisip 'yun Venice?

Gusto kong puntahan pero ang iniisip ko ay baka mapahamak ako kapag nangielam pa ko, dahil sa pangingiealam ko dito ako napahamak kaya mas maganda siguro na isawalang bahala ko nalang.... pero papaano kung may nangangailangan ng tulong ko doon sa ibaba? Sandali! Bakit ko ba iniisip yun? Di ko pa naman alam kung anong meron sa ibaba diba? Kaya mas maganda na icheck at siguraduhin mo muna ang lahat bago ka gumawa ng aksyon.

--
Hi guys pasensya na kung sobrang bagal ko magupdate don't you worry sooner or later matatapos ko na itong story na 'to.

PAYBACK: The Obsession of Calix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon