I love you baby II :)

Start from the beginning
                                    

Kinuha nya ang isang kamay ko. At hinalikan nya ang wrist ko.

At dun ko lang napansin na may pasa pala ako. Oo nga pala. Dahil to sa pag hila nya sakin kagabi. Sobrang higpitng pagkakahawak nya sakin e. Pero feeling ko. I deserve this. Nasaktan ko si Kent. Alam ko yun. Nasaktan ko sya ng sobra pero ito sya at nag sosorry sa harap ko.

"I'm so sorry baby ko. Hindi ko sinasadyang masaktan ka.." naiiyak na sya.

Oh god!

Niyakap ko sya. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"You don't have to say sorry. Naiintindihan naman kita. Sorry dun kasi ako na nga itong madaming atraso sayo. . Ako pa ang may ganang magalit. "

"Wala ka namang kasalana--"

"Meron."di ko pinatapos yung sasabihin nya. "Meron akong kasalanan. Hindi ako nag paalam sayo kahapon nung umalis ako at nag punta kela Jhone. Hindi ko sinabi sayo ang dahilan kaya ako umalis. Hindi ko nasagot ang mga tawag at text mo. Kasi di ko napansin ang phone ko habang nag iinuman kami ni Jhone. Pero hindi namin kasama si Henry kagabi."

"Alam ko." Napahiwalay ako sa pagkakayakap sakanya.

"Alam mo?"

"Yeah. I asked Jhone"

So yun pala ang itinanong nya?

"Nakita ko lang si Henry sa villa habang pauwi na ako. Hindi ako makakuwa ng taxi nun kasi gabing gabi na. Pinilit ako ni Henry na ihatid nalang ako. Nung una. . Ayaw ko talaga. Kasi alam kong magagalit ka kapag nalaman mo. At baka kung ano ang isipin mo. .pero pumayag akong mag pahatid kasi makulit sya at nag mamadali din akong makauwi kasi alam kong galit kana nun. Nang sinubukan naman kasi kitang tawagan, ring lang ng ring. Walang sumasagot."

Napatigil ako saglit.

"At yung about sa kiss.. "

"Hindi mo na kailangang magpaliwanag tungkol dyan. I know you're not cheating on me or something. Kaya I'm sorry kung naging makitid ako.."

"No. It's okay." Ngumiti ako sakanya..

Ngumiti rin sya pero..

Biglang nag bago ang expression nya.

Biglang naging magkasalubong ang kilay nya.

Huh?!

"Anong nangyare dyan? "

Ha?? Nangyare saan?

Tinuro nya ang mga braso ko. May maliliit na pasa. At may nga kalmot.

Ay shete! Nakalimutan ko! Gawa pala to ng bruhang Joanne na yun. Hindi pa kami tapos!

Grrrr!

P-pero. Teka? Sasabihin ko ba kay Kent ang totoo?

"PHOEBE! ANONG NANGYARE?"

Ah takte! Yung ear drums ko. >0

"M-may nakaaway ako kahapon?!"

Hala? Patanong?? Eeessh! Bahala na nga. Sasabihin ko nalang yung totoo!

"Damn! Sino may gawa nito? Jhone told me na may nakaaway ka. Pero sabi nya sayo ko nalang itanong lahat"

Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Please Phoebe. Tell me everything."

I have no choice. Sinabi ko sakanya lahat.

Lahat-lahat. LAHAT!!!

Asawa ko sya. At ayokong may inililihim ako sakanya.

Pero alam nyo.. deep in my heart. I pity her.

That Joanne.

Alam ko. Sya ang nagsimula ng gulo..

Pero parang may nakikita ako sa mga mata nya.

Pain.

Sorrow.

Regrets?

I don't know.

**

Pagkatapos kong sabihin kay Kent ang lahat, syempre.. what do you expect??

Nagalit sya!

Galit na galit sya kay Joanne.

Pero sinabi ko sakanya na ituloy parin yubg movie nya.

Kahit gusto nya nang I drop ang project na yun. Sabi ko sakanya, nasimulan nya na e.. kaya dapat tapusin nya.

Napapayag ko naman sya.

At ngayon nasa kitchen na kami para kumain.

**

"Ano gusto mo? Ipag luluto kita."sabi ni sungit habang nakasuot ng kulay pink na apron. *0*

Ang gwapo talaga ng asawa ko. Hihi. Hindi sya magtratrabaho ngayon. Pinakansel nya lahat ng skedyul nya today.. para daw makasama nya namab ako ng matagal kahit ngayon lang.

"Kahit ano. Ikaw na abg bahala."sagot ko sakanya habang nakangiti.

Lumapit sya sakin.. at niyakap ako muka sa likuran.

"Baby.. simula ngayon. Hinding hindi na tayo mag lilihim sa isa't isa ok?"

Nag okay sign sya gamit ang kamay nya.

"Okay!"^_^ ginaya ko din yung okay sign nya. Hihi.

"Hmmm. You and Henry should talk."

Woah! Sudden change of topic? Tsss. Panira namab oh!

"Yeah. I guess. When I'm ready"

Palagay ko nga kailangan din naming mag usap ni kuya. . I mean . .ni Henry.

Marami akong gustong itanong sakanya.

At ayoko na ding magalit sakanya. Nakakapagod na kasi.

Hayyy.

Buti nalang naayos na ang problema namin ni Kent.

Hindi parin sya humihiwalay sa pagkakayakap.

"Hey! Mag luto kana dun!"sabi ko sakanya. Nagugutom na ako ee. @_@

"Not without a kiss from my wife"

Eeeesssh!! >/////

Bat ba ang sweet nya tuwing kakatapos lang ng isang matinding away?

"Ano ba? Mag luto ka muna sungittt." Haha. Asar na to sakin. Hoho!^0^

0_____0!!!

Inikot nya ako bigla!

Kaya ngayon. Nakaharap na ako sakanya.

Shemay. Ang gwapo ng asawa ko. At ang bango bango pa!

"I demand a kiss" seryoso nyang sabi habang titig na titig sa mga mata ko.

Sabihin nyo nga sakin.

TATANGGI PA BA AKO???

Dahan-dahang nag dampi ang mga labi namin.

Mabagal.

Na para bang sinusulit ang bawat segundo.

Waaahhh. Feeling ko lumulutang ako.

Ganito ang pakiramdam ko sa twing hinahalikan nya ako.

Parang palaging first kiss ang dating sakin.

Punong puno ng pagmamahal.

..

"I love you baby.."

Sambit nya.. at hindi manlang ako hinayaang sumagot..

Dahil inangkin nyang muli ang mga labi ko.

_____________________________________________________________________________________________________________________

Vote. Comment. Like. Become a fan. If gusto lang.

Thank you. :*

Sorry sa typos. Phone gamit e. Mornyt guys. :)

- Jra

SECRETLY MARRIED FANFIC Where stories live. Discover now