Kabanata 2

40.5K 447 59
                                    

I do

**

Kent's POV

Halos mabali na ang leeg ko sa kaka lingon sa labas ng simbahan.
Ano na kaya ang nangyare sa engot na yun? Bakit hanggang ngayon wala pa sya? Kahit kailan talaga ang engot-engot e!

Panay tingin ako sa relos kong bigay nya as wedding gift. Halos 30mins late na ang bride ko.

Great!

Kanina pa ako hindi mapakali dito!

"Wag kang mag alala, darating yun."

Sabi ni Philip, ang photographer namin sa kasal. Sini set-up na yung mga camera at mga ilaw. Ready na ang lahat.

Ang bride ko nalang talaga ang kulang! And oh! Jhone's not here too, and so is Harley!

I know Jhone is probably with Phoebe, because she's her bestfriend.

But Harley?

"Alam ko."

Tipid na sagot ko kay Philip. Busangot na ang mukha ko dito. Ang tagal nila!

"Nag text saakin si Jhone, malapit na raw sila."

Buti pa sya, tinext ng girlfriend nya. And my supposed to be wife does not even bother to inform me if she's on her way!

"Talaga? paki tanong nga kung bakit hindi sinasagot ni Phoebe ang phone nya."

Kanina pa kasi ako tawag ng tawag. Nag riring naman pero walang sumasagot! Damn!

Nagtipa ng text si Philip. Bakit di nya nalang tawagan?

Dumadami na ang tao dito sa simbahan. Pawis na pawis na din ako. Hindi lang dahil mainit dito kundi dahil din sa pagkakabalisa.

"Ay pare, naiwan daw ni Phoebe ang phone nya sa hotel."

"Tss. Ang engot talaga!" mahina kong sambit. Lowbat na ang cellphone ko kakatawag sakanya. Dapat pala kay Jhone nalang ako tumawag!

"Pinasasabi daw ni Phoebe sorry kasi late sila, traffic daw."

Wala ba syang pang tawag? Tyaga din ng isang to sa pag titipa ah.

"Okay," tipid kong sagot.

"Sige, ayusin ko muna yung ibang mga gamit," paalam nya.

"Sige. Thanks dude!"

Umalis na si Philip. Kaya mag isa ako ditong naka tayo habang damang dama ang tibok ng puso ko!

Biglang may tumapik sa balikat ko.

"Oh anak, inom ka muna."

Si papa habang inaabot ang isang bote ng tubig.

"Thanks pa." Sambit ko saka nilagok ang tubig. Kailangan ko talaga to e, kanina pa ako parang nabibilaukan!

"Relax ka lang anak. Huwag ka masyadong kabahan!" May kaunting pangungutya sa kanyang boses. Nagawa nya pang mag biro habang nakikita akong balisa rito.

"Hindi naman ho ako kinakabahan," pag sisinungaling ko.

"Kilala kita. Tatay mo ako e. It's written all over your face anak. Kinakabahan ka."

Napabuntong hininga nalang ako habang hinimas-himas nang bahagyang natatawa kong papa ang likod ko.

"Nandito na po ang bride!" sabi noong wedding coordinator.

Hala!

"Mr. Fuentabella, balik na po kayo sa posisyon nyo, pati rin ho kayo sir." pag tukoy nito kay papa.

SECRETLY MARRIED FANFIC Where stories live. Discover now