Kabanata 5

32.7K 323 26
                                    

Reception

Kent's POV

“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap baby ko,” sabi ko kay Phoebe sabay yakap sa kanya galing sa likod. Hindi ko kasi nya makita kanina. Inasikaso ko sandali ang mga bisita. May mga hindi kasi naka dalo sa simbahan at dito nalang dumiretso.

“May kausap kasi ako kanina e. Sayang. Umalis na sya," nahimigan ko ng tuwa ang kanyang boses.

“Sino naman ang kausap mo?” saglit lang akong nawala, kung sinu-sino na ang kinaka usap ng asawa ko? Kunot noo ko syang tiningnan.

“Si Elisa," marahan nyang tugon.

Well I didn't see that coming. We invited her pero hindi ako nag expect na pupunta sya.


“Talaga? Di mo manlang ako tinawag?”

“Tatawagin na sana kita. Kaso nag mamadali syang umalis. Kinakamusta ka nga nya, tsaka si Harley.”

“Okay. I’m glad she came. Kahit papano nagkausap naman kayo.”

I know matagal nang napatawad ni Phoebe si Elisa. And I know Elisa didn't meant everything she did back then.

Pero minsan, kapag naiisip ko yung mga nangyari hindi ko maiwasang magalit sakanya.

It's hard for me to forget. And triple damn hard for me to forgive.

But because of Phoebe, paunti-unti kong napatawad si Elisa.

Napatawad? Yes. Pero ang makalimot? No. I still remember those days. Noong sobrang galit si Phoebe dahil sa fake video na gawa ni Elisa.

At sa nangyare sa anak namin.

It's really hard. But I know forgiving her is the right thing to do.

“Yeah. Tara na sungit. Upo na tayo dun, mag sisimula na ata yung program.” sabi nya nalang at hinigit ako papunta sa gitna kung saan kami naka upo.

Mag bibigay ng messages ang mahahalagang tao saamin ni Phoebe.

Ang papa nya ang unang nag salita sa mikropono.

“12 years ago, may nangyare sa buhay namin ng anak ko at sa pamilya din ni Kent na dumurog sa aming mga  puso. Namatay ang pinamamahal kong asawa sa isang aksidente at sa kasamaang palad, sabay silang nawala ng mama ni Kent. Iniisip ko noon kung papaano na ako mabubuhay ng wala sya sa tabe ko. Masakit pero kailangan naming tanggapin ito. Bago pa mamatay ang mga mahal naming asawa, sila Kent at Phoebe ay napag pasyahan na naming ipakasal, at talagang ginawa namin iyon noon."

Pinahid nya ang nangingilid nyang mga luha at saka nag patuloy..

“Sa mga nangyari noong mga nakaraang taon, parang sinisisi ko ang sarili ko kung bakit namin pinilit ang mga bata na mag pakasal sa napaka murang edad. Nang nakita kong nahihirapan ang aking nag iisang prinsesa, napa isip ako na baka nag kamali ako ng pag pili kay Kent para maging asawa ng anak ko. Pero buti nalang, tama ang naging desisyon ko. Anak, alam ko marami akong pag kukulang pero tandaan mo, mahal na mahal kita at hindi kita pababayaan. Ikaw nalang ngayon ang natatanging dahilan ko kung bakit patuloy akong nabubuhay. Kent, buo ang tiwala ko sayo. Noon paman, alam ko na ikaw talaga ang makakapag pasaya sa anak ko. Mahalin mo sya at alagan mo syang mabuti. Nag papasalamat ako sayo dahil ikaw ang napangasawa ng nag iisa kong prinsesa.  Para sa bagong kasal, ulit! Cheers! “

Sabay-sabay naming itinaas ang kopetang may lamang champagne at ininom ito.

“I love you papa,” salubong ni Phoebe sa kanyang ama pagkatapos nitong mag bigay ng speech.

SECRETLY MARRIED FANFIC Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum