An hour :( part III

6.3K 86 19
                                    

Kent's POV

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ng engot kong asawa. Ang kulit nya, kanina pa sya tanong ng tanong.

"Oyyyy sungit, sagutin mo naman ako."

Hayyyy. See what I mean? -_-

"Sa ospital" matipid kong sagot, malalaman nya rin naman e. Makulit lang talaga sya.

"Ha? Bakit?! May sakit ka ba?" sabay hawak nya sa noo ko.

"Hindi ka naman mainit ah. Masama ba pakiramdam mo? Tsaka diba sabi mo kanina sa trabaho ang punta mo, pero bakit sa ospital? May taping ba kayo dun?"

-_-

Saksakan talaga ng kulit. Tsk.

"May pupuntahan lang tayo doon baby.. Okay?" haaay.

"Sino? Anong meron sungit?! Sino yuuun?" hindi talaga sya mapakali. Tsss. Parang baya talaga tong asawa kong engot. Buti mahal ko to.

"Si Joanne."

**

Joanne's POV

Di ko alam kung talagang ikatutuwa ko na nagising pa ako.. Hirap na hirap parin akong makahinga. Nakakabit parin ang oxygen pero kinakapos parin.

Pero syempre ako naman ang humiling nito e. . Humiling ako ng second chance..

God.. Thank you.. You heard and answered my prayers.. Promise.. Isang oras lang talaga..

Isang oras lang.

Nang magising ako kanina.. Si mommy kaagad ang nakita ko. Umiiyak sya at paulit-ulit nyang tinatawag ang pangalan ko.

Mommy...

Alam ko. Kahit hirap akong makapag salita kanina.. Alam kong naintindihan nya lahat nang sinabi ko.

I told her that I love her. . So so much.

I told her that I'm sorry fir everything.

I told her that I am thankful for what she had done for me all this years.

She just cry hard.. Parang nararamdaman nya na din.. Na hindi na ako magtatagal..

"Mom, I want to see Kent.."mahina kong sabi sakanya.

"But ija.." please mom.. I need to see him..

"Please mommy.. Get him for me.. I have to see him. Kailangan naming mag usap.. Please.."

"Okay baby. Tatawagan ko sya."

Lumabas si mommy from my room bitbit ang cellphone ko.

15mins na ang nakalipas..

I only have 45 minutes left.

Kent. . Please. Puntahan mo ako kaagad.

Isang saglit lang, bumalik na si mommy. Kasama nya si tita.

"Joana.. " tawag sakin ni tita. Agad nya akong niyakap.

"Tita.. " umiiyak din sya.

"He's on his way" sabi naman ni mama patungkol kay Kent.

"Okay mom. Thank you."

"Upo ka muna Elena."pag aya nya sa tita.

"Kamusta ka ija? The doctor said that it was a miracle. " aniya ni tita.

I agree. It is miracle. Pinagkaguluhan ako ng mga doktor kanina. Hindi nila maipaliwabag kung papaano ako nagising samantalang nag aagaw buhay na ako.

SECRETLY MARRIED FANFIC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon