Kabanata 1

57.9K 573 95
                                    


This is it

**

Phoebe's POV

"Girl, you're drop dead gorgeous! inggit much talaga ako. Kelan kaya ako yayayain ni Philip mag pakasal?", sabi ng ngumingisi kong maid of honor slash bestfriend.

Kahit kailan talaga, napaka daldal nitong si Jhone. Ang tinutukoy nyang Philip ay yung boyfriend nya.. yung gwapong photographer na dati'y patay na patay kay Elisa.

Nasa isang hotel kami ngayon. Sa hotel ding ito nag stay si papa. Hindi muna ako umuwi sa bahay namin ni Kent since yesterday.

Diba sabi nga ng matatanda, hindi daw pweding makita ng groom ang kanyang bride na naka suot ng wedding gown bago paman ikasal. Malas daw kasi yun, at para naman saakin, mas maigi na din ito para maka pag bonding din kami ni papa, ngayon lang sya ulit nakabalik ng Pilipinas. Na miss ko sya ng husto kaya mas minabuti kong samahan nalang sya dito.

Pero hindi ko din naman maitatanggi na namimiss ko na kaagad si Kent. ╯︿╰ Ano ba yan! Nagiging clingy na talaga ako!

Nasanay na kasi akong lagi syang nandyan. Kaya kahit isang araw ko lang syang hindi nakita, parang ang tagal tagal na.

Nakatitig ako ngayon sa malaking salamin. Halos hindi ako maka paniwala sa mga nangyayare.

Sa dinami-dami ba naman ng pinag daanan namin ni Kent nung mga nakaraang taon, parang imposible na mauwi sa kasalan ang lahat. Pero dahil talagang mahal ko sya.. Eto ako ngayon. Nakangiti sa repleksyon ko sa salamin, bakas na bakas ang kaligayahang nararamdaman ng puso ko. Haharap ulit kami sa altar at mangangakong magmamahalan, hanggang kamatayan.

"Woah! Isabelle? God, you're so beautiful! Tsk, ang swerte talaga ni Kent sayo".

Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Harley sa room ko. Pinapasok na pala sya ni Jhone. Palibasa parang wala ako sa sarili dahil nag sisimula na akong kabahan.

Hinarap ko si Harley.

Ang gwapo ng best man ko. Bagay na bagay sa kanya ang pink nyang suit.

Kumikislap ang stud earing nya sa kaliwang tainga dahil sa ilaw. Naka brush up ang medyong mahaba nya nang buhok.

"Ay bitter ka parin ba?", pang aasar ni Jhone. Nag sisimula nanaman tong kaibigan ko!

"No, I'm not bitter. But I'm so damn envious!" Sambit ni Harley na para bang nang hihinayang talaga! Ha! Di ko napigilang matawa sa sinabi nya. Hindi parin sya nag babago.

Matagal nang naka move on si Harley, baliw lang talaga itong si Jhone. Madalas nya paring asarin si Harley tungkol sa nangyare noon. Matagal na yun, at hindi naman sya papayag maging best man ko sa kasal kung hanggang ngayon e may feelings pa sya sakin diba?

Matagal nang nag hilom ang sugat nya, sugat na ako ang may gawa. Nasaktan ko sya, alam ko naman yun kaya nga medyo nag dalawang isip ako nung tinanong ko sya kung pwede syang maging best man ko. Wala kasi akong maisip na mas qualified pa kesa sakanya.

Ang dami nyang nagawa para sakin. Marami siyang sinakripisyo. Marami siyang sinalong sakit para mapasaya lang ako. Siya lang ang natatanging best man sa buhay ko.

"Bakit ka nga pala andito Harley?", mataman kong tanong sakanya. Naka pagtataka lang kasi. Akala ko nasa simbahan na siya.

"Wala, gusto lang kitang makita. Malay mo, mag bago pa isip mo", seryoso nitong sagot saakin. Loko talaga ang isang to kahit kailan!

"Sinasabi ko na nga ba e! Uso mag move on Harley! Try mo naman! Hahahaha!" Hagalpak na tawa ni Jhone.

Napuno ng tawanan ang buong silid. Panay asaran parin ang dalawa. Halos makalimutan kong kinakabahan pala ako!

Biglang may kumatok habang nag kukulitan sina Jhone at Harley.

"Pasok po."

Sumungaw ang ulo ni papa sa pinto bago tuluyang pumasok.

"Ang ganda mo anak!", sabi nya pagka kita sa ayos ko. Bihis na bihis na siya, bagay sakanya yung black suit nya at may naka lagay na pink rose sa bulsa.

"Salamat papa!", nakangiti kong tugon.

Lumapit si papa at niyakap ako mula sa likuran.

"Mahal na mahal kita anak, may ibibigay nga pala sayo sayo", may dinukot siya mula sa kanyang bulsa.

Isang kwentas na emerald stone ang pendant. Ang ganda!

Familiar sakin..

Parang ito yung..

"Pa, diba yan yung--"

"Oo anak, necklace ito ng mama mo, isuot mo ito ngayon. Gusto ng mama mo na ibigay ko ito sayo sa araw ng kasal mo."

"Eh pa, 'bat hindi mo ito binigay saakin noong kasal ko sa New Hampshire?"

"Kasi alam kong hindi pa iyon ang tamang panahon. Ngayon, mag papakasal kayo hindi dahil sa kagustuhan namin, kundi dahil lubos nyong minamahal ang isa't isa. I'm so happy for you anak."

Isinuot nya ang kwentas saakin at saka nya ako hinalikan sa noo.

"Ang ganda!" saad ko habang hinahawakan ang pendant ng kwentas. Pino ang gold chain ng kwentas, halos hindi na ito makita sa ng isinuot sa leeg ko. At ang pendant nitong kulay berde ay kumikinang.

"Salamat papa. I love you" niyakap ko sya nang mahigpit na mahigpit. May tumulong luha sa gilid ng aking mga mata. Pero naka angat ang mga dulo ng aking labi.

Pati sila Harley at Jhone ay bahagya ring napaluha. Natigil din ang kulitan nila.

Ang saya ko!

Ang saya saya ko!

Namimiss na kita mama. Alam ko, you're happy kung nasaan kaman ngayon. Kasama mo na ang little angel ko. I love you mama, I love you my angel. Thank you for looking after me.

"Ehem! Sorry sa istorbo tito, pero ma lalate na po tayo baka namuti na ho ang mga mata ni Kent kakahintay dito kay fibboy" pag putol ni Jhone sa pag yayakapan namin ni papa.

Kinuwa ko ang cellphone ko sa taas ng dresser para i check ang oras.

Hala. Ma lalate na nga kame. Baka traffic pa mamaya.

Nag simula nanamang akong kabahan. Nanlalamig na ang mga kamay't paa ko.

"Relax Phoebe. Relax, wag kang eengot engot. Kahit ngayon lang please!", mahina kong kinakausap ang sarili ko, kinukumbinsi kong huminahon para di sumablay sa kasal mamaya.

Kent..

Sandali nalang.

Sandaling sandali nalang.

Ibibigay ko ulit sayo ang OO ko.

"Let's go guys!", sambit ni Harley at sabay sabay na kaming umalis sa silid na iyon.

This is it.

_______________________________________________________________________________

SECRETLY MARRIED FANFIC Where stories live. Discover now