Kabanata 6

38.3K 338 32
                                    

Honeymoon

**

Phoebe's POV

"Humayo kayo't mag pakarami."

Heto nanaman si Jhone at nag sisimula nanamang mang asar. Nakasakay na kami ni Kent sa kotse papuntang airport. Nag papaalam na kami sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya.

"Baliw ka talaga. Tigilan mo ko babae ka! Sige na, we'll go ahead, baka ma late na kami sa flight namin e" panay parin ang hagikhik ni Jhone sa sinabi ko.

"Papa, alis na ho kami. I love you" baling ko kay papa. 

"I love you too anak, mag iingat kayo ah" at biglang bumaling din sya kay Kent.

"Kent, ingatan mo ang anak ko."

"Opo pa, huwag kayong mag alala."

"O sya sige na, malalate na talaga kayo nyan. " singit naman ng papa ni Kent habang tinutulungan si manang sa pag lagay ng huling bagahe.

"Sige po, ingat kayo dito pa."

Pinaandar na ni Kent ang sasakyan at umalis na kami. May oras pa naman kaya hindi namin kailangang mag madali. Buti at wala ring traffic.

**

Ang saya ko.  Ang saya saya ko!

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

I want to stay happy like this forever. Na para bang wala na akong hahanapin pa. Kontento na ako sa buhay ko.  Kasama ang taong alam kong mamahalin ako hanggang dulo. 

"Oh bakit parang naiiyak ka dyan?"

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Napansin siguro ni Kent na tahimik ako.

I immediately wipe my tears away.
Bumaling ako sa kanya at nginitian sya.

"Wala. Masaya lang ako."

Naiiyak lang ako sa saya Kent. Hindi lang ako makapaniwala na nandito parin tayo pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin.

"Are you sure you're okay?"


Hinawakan ni Kent ang kamay ko gamit ang kanang kamay nya, habang ang isang kamay ay busy sa pag mamaneho.


"I'm okay. I'm just overwhelmed. Don't worry."

Ngumiti lang sya saakin.

"Okay,  if you say so. Wag kang umiyak. Let's enjoy this honeymoon Phoebe ko."

Ang ngiti nya ay napalitan ng mapang asar na ngisi.

Hindi ko mapigilang hindi matawa sa hitsura nya.

"Oo naman! Let's enjoy this! Ito yata ang first honeymoon natin. Hindi naman tayo nag honeymoon nung unang kinasal tayo e. Masyado pa tayong bata noon."

Nakakatawa parin kapag naiisip ko ang hitsura naming dalawa noong unang beses kaming ikinasal.

We're so young and innocent.

I remember him wearing a black suit na medyo maluwang sa kanya. Payatot kasi!
Ang layo ng katawan nya noon sa hulma ng katawan nya ngayon. 

I wore a white dress that day. Simpleng dress lang yun na lagpas sa tuhod ko. Suot ko din yung shoes ni mama na kulay silver. Same size lang kasi kami. 

Sobrang kabado ako noon pero hindi ko inisip na seryosong relasyon ang pinasok ko.  Pinakasalan ko lang si Kent dahil yun ang gusto ng mga magulang namin.

SECRETLY MARRIED FANFIC Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon