Kabanata 4

34.3K 420 31
                                    

Reception

**

Phoebe's POV

Pag katapos sa simbahan at pagkuha ng mga litrato ay diretso na kami sa reception.

Sa isang private resort ng mga Villaluz gaganapin ang simple naming reception kasama ang malalapit na kaibigan at kamag anak.

Yes, this resort is owned by Harley and his family. The public doesn't know about this place.

Harley's family are from rich roots, kahit noong hindi pa sya artista mayaman na sila. He actually doesn't have to work dahil paniguradong hindi parin naman siya magugutom.

Pero katulad ni Kent, Harley loves his work. He's happy doing it, kaya okay lang sa kanya kahit umaabot ng madaling araw ang mga taping.

I'm sitting with Jhone right now.

Kent is busy talking to our visitors. Napagod na ako dahil sa suot kong sapatos. Kanina pa ako nangangawit.

Masaya ang lahat ng hitsura ng mga bisita.

Pero wala na yatang mas sasaya pa sa akin ngayon.

"Na wendang ako sa kiss na yun ah! Ang hot, parang hindi na maka pag hintay si Kent para mamayang gabi!" pang aasar nanaman ng matabil kong kaibigan.

"Naku Fibboy! Yari ka mamayang gabi for sure! Mag ready kana!" dagdag pa nya.

"Shh! Tumigil ka nga dyan, maraming tao oh!" pag saway ko sa kanya. Kung anu-ano kasi ang mga pinag sasabi. Wala talagang preno ang bunganga ng isang to!

"Hahaha! Relax! Ito naman, di na mabiro!!" Sagot nya sabay hagalpak na tawa.

"Pero maiba ako Fibs. Alam mo, parang may missing dun sa simbahan. Siguro hindi makapasok, baka kasi masunog!" Pabulong nyang dugtong.

"Ha? Pinag sasabi mo dyan? Sino ba tinutukoy mo?"

"Si bruha! I mean si Elisa!" Bulong nya ulit. Sira ulo talaga ang isang to!

"Oy, ang sama mo ah," tugon ko.

"Di, joke lang. Alam ko noh! She saved your life din naman. Pero siguro girl, tama lang din naman na ginawa nya yun. I'm glad to know na meron naman pala syang konsensya. Gumagamit siguro ng safeguard, para makausap ang budhi nya," walang ka seryosohang sambit nya.

"Tumigil ka nga dyan. Ang seryoso mo pero nakakatawa ka! Hindi bagay sayo! I've moved on. Matagal na yun. Kung sana nga lang maibabalik ko pa ang panahon at hindi na naging worse ang mga nangyari samin noon, gagawin ko."

"Ay sus! Tama na nga! Change topic na tayo girl! Hindi panahon pag dradrama ngayon!" sabi nya sabay tapik sa akin.

"Di nga! Pero pinadalahan namin ni Kent si Elisa ng invitation. Sayang at hindi talaga sya naka punta."

While I'm saying those words, Jhone's eyes drift behind me and she smiled. Anong meron?

Unti-unti akong lumingon para makita kung sino ang kumuha sa atensyon ng kaibigan ko.

She's standing at the entrance talking to an usher, she's asking him something. Maybe she's looking for me, hindi kasi ako naka upo sa unahan na dapat ay inuupuan namin ni Kent. Tinuro ng usher ang kina uupuan namin ni Jhone.

Then her eyes found me.

She gently smiled and walk to where I am.

Nginitian ko din sya.

Isang ngiti na tila ngayon ko lang naigawad sa kanya. Wala akong maramdan sa kanya dati kundi pag ka muhi.

Her smile now is sweet. Walang halong ka plastikan.

Lumingon ako sa upuan ni Jhone at nakitang wala na sya doon. Binigyan nya talaga kami ng lugar para maka pag usap.

"Hindi pa naman ako masyadong late diba?" unang mga salitang lumabas sa bibig nya ng makalapit na sya.

"Of course. Maaga pa naman Elisa!"

I smiled at her. Lumapit sya at nag beso sa akin.

I didn't forget all the things that happend between us. Pero sabi ko nga kanina, I've moved on. Wala na akong galit sa kanya.

Lesson learned kum baga. Wala naman akong mapapala kung habang buhay kong bibitbitin ang galit ko sa kanya.

Napatawad ko na talaga sya ng husto. Napag tanto ko na lahat nang iyon ay hindi naman talaga sinasadya ni Elisa. Lalong lalo na ang pag kawala ng baby ko.

Sobrang nasaktan lang ako noon. At kailangan ko ng masisisi sa mga nangyari.

And she even saved my life. Si Elisa ang nag bigay noon ng sarili nyang dugo para madugtungan ang buhay ko.

At habang buhay ko yung ipagpapasalamat sa kanya. Kasi kung wala sya sa mga oras na yun, hindi na sana ako umabot sa kasalang ito.

Alam ko din kung gaano sya ka guilty sa mga kasalanang nagawa nya sakin.

Paulit-ulit syang nag sorry. Kaya para saan pa ang pananatili ng galit at poot ko sa kanya? Kailangan kong mag patawad. Yun naman talaga ang dapat kong gawin.

"Where have you been? Hindi ka late sa reception but you missed the ceremony!" Sabi ko sa kanya.

"Sinadya kong hindi na pumunta dun!" Naka ngisi nyang tugon.

"Why?"

"You seriously want me to be there? Oh God, gusto mo lang yata mag pa inggit eh?" Natawa na lang kaming pareho.

"Grabe ka naman. Malinis ang intensyon ko noh!"

"I know, because you're Phoebe. Phoebe will always be Phoebe."

"Hindi ko alam kung insulto yan o compliment ah! Ang dami mong pinag bago, saan kaba nag pupupunta?"

Lalo syang gumanda. Blooming. Bagay sakanya ang dress nyang baby pink na abot hanggang tuhod.

"Nag stay ako sa Paris for 1 and a half year. Doon ko pinag isipan nang mabuti ang lahat, malayo sa gulo, malayo sa media." 

Hinawakan nya ang mga kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Phoebe. Be happy okay?" Sambit nya na kumurot ng kaonti sa puso ko.

"Huwag kang mag alala, gagawin ko yan." I slightly squeezed her hand back.

Hindi ko alam pero medyo naiiyak ako sa simpleng sinabi nya.

"Sige Phoebe, I need to go." Paalam nya.

"Hindi ka manlang ba kakain? Teka, tatawagin ko lang si Kent"

Tatalikod na sana ako para puntahan si Kent pero pinigilan nya ako. Hinawakan nya ang braso ko.

"Huwag na Phoebe, just send my regards to him and to Harley as well. Best wishes!"

Nag beso ulit sya sa akin at tuluyan nang umalis.

Napangiti nalang ako habang tinitignan sya.

I won't forget that I had met someone like you Elisa. I know you have a heart. And I know that you can find your own happiness too.

Believe me.

Because I'm the living proof. 

  ____________________________________________________________________________

SECRETLY MARRIED FANFIC Where stories live. Discover now