Chapter 19

659 13 0
                                    

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Ang dami kong gustong malaman at sobrang daming tanong ang nakatambak sa isipan ko. Nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa nangyari kay Chen, nakokonsensya ako. Nakokonsensya ako dahil hinusgahan ko siya. Hindi ko lubos maisip na kayang halayin ni Sir Miggy ang sarili niyang estudyante, nandidiri ako sa taong tulad niya.

Dumagdag pa 'to si Jacob. Ni isang text o tawag wala talaga. Sinubukan ko na siyang tawagan pero hindi siya sumasagot, na text ko na lahat lahat pero wala pa rin. Sobrang busy niya ba na sa puntong nakalimutan niya akong kumustahin?
Sana pala kinausap ko siya kagabi. Hindi sana ako nag-iisip nang kong ano ano ngayon.

Iniisip ko na maaga pa naman para matulog kaya naman napagpasyahan kong pumunta sa tabing dagat. Nagpalit muna ako ng damit bago umalis. Dinala ko na rin ang telepono ko dahil baka sakaling may tumawag.

Kakarating ko lang nong isang araw pero ito na agad ang bumungad sa akin. Gustong gusto ko na siyang makausap at makita pero bakit parang iniiwasan niya ako? May nagawa ba akong mali? Hindi pa naman kami pero bakit umaakto akong may relasyon kami? Bakit nakakaramdam ako ng selos? Bakit sobra akong nasasaktan?

Ayokong sisihin si Chen sa nangyayari sa amin ni Jacob pero hindi ko maiwasan. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil alam ko sa sarili ko, na kahit anong pilit ko, hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Oo gusto ko siya nung una pero iba na ngayon. Mas lumalim ang gusto ko sa kanya. At hindi ko na alam kong makakaahon pa ba ako.

"Hey,"

Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kong sino ang nagmamay-ari ng boses na tumawag sa akin. Kilalang kilala ko na siya.

Pinilit ko na huwag lumingon at hayaan siyang lumapit sa kinatatayuan ko. Isang buong araw ko siyang hindi nakita pero namimiss ko siya. Hindi ko alam kong gumamit ba siya ng mahika para parusahan ako ng ganito.

Hindi ko siya kayang harapin at kausapin. Nakakatawa dahil kanina hinahanap ko siya pagkatapos ngayong nandito na siya, umaayaw ako.

Nabigla ako sa pagyakap niya sa akin mula sa likod. Gusto kong magmatigas pero hindi ko pala kaya.

He's here with me, under the moonlight and with the shining stars above. While waves are clearly heard with the wind so cold.

"I miss you so much," paos niyang sabi.

Hinarap ko muna siya bago magsalita. Kitang kita ko ang pagod sa mga mata niya. Hindi ko alam kong bakit bigla akong nalungkot.

"I miss you too, Jake."

Sa puntong ito, hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Umiiyak ako habang yakap niya ako ng mahigpit.

"J-acob, may problema ba t-ayo?"

Kasi hindi ko na maintindihan, nalulunod na ako. Natatakot na baka sa huli, iwan niya ako.

"No," pagod na siya.

"B-akit? Bakit ka umiiwas? May naggawa ba akong mali?"

"No, please don't cry. Ayokong nakikita kang umiiyak dahil lang sa akin. Gusto ko, masaya ka, sa piling ko,"

I can't do that. Ikaw ang kaligayahan at kalungkutan ko, Jake.

"I'm sorry, kong may nagawa man akong pagkakamali."

"Don't, wala kang ginagawang mali, okay. Ako. Ako ang may problema. 'Wag mong iisipin na nagbago ang nararamdaman ko sayo, kasi hindi, walang nagbago."

"J-acob,"

"I want you to come with me, please."

Kahit na ang dami kong gustong sabihin sa kanya, mas pinili ko na lamang manahimik muna at hinayaan siya sa gusto niya.

Unforgotten MemoriesWhere stories live. Discover now