Chapter 14

578 14 0
                                    

Masasabi kong kuntento na ako sa kung anong mayroon ako ngayon. As usual busy pa rin si Mommy sa pamamahala sa hospital. Si Beya ganoon din sa trabaho niya. Nag-uusap pa rin naman kami pero hindi na masyado.

Ikinukuwento ko rin sa kanya ang panliligaw ni Jacob. At masasabi kong masaya siya para sa akin. Minsan nakakatampo sila but I understand lalong lalo na si Beya. Hindi naman kasi madali ang buhay niya roon lalo na ngayong may balak siyang mag-aral kaya pinagbubutihan niya ang trabaho. Si Zac, well, isang o dalawang beses ko lamang siya nakausap sa video call. He's busy dahil papalapit na ang finals nila kaya puspusan ang pag-aaral niya. He's into business same as Jacob.

Speaking of him, magkasama nga pala kami ngayon. He's here for business, sabi niya, pero hindi ko alam kong maniniwala ba ako o baka naman alibi.

Pero masaya ako dahil nandito siya.

Sinundo niya ako after class. Ang buong akala ko nga sa bahay lang kami magkikita tutal naman alam na ni Mommy ang tungkol sa aming dalawa pero talagang pumunta pa siya sa school. Hiyang hiya pa ako kanina dahil sa pagsundo niya sa akin.

"Jake, san tayo pupunta?"

"We'll eat."

Tamang tama dahil kanina pa ako gutom. Hindi na kasi ako nakakain kanina dahil late na ako sa school. Plano ko sanang kumain kanina bandang lunch kaso nakalimutan ko wala pala akong vacant kaya ngayon gutom na gutom ako.

Mukhang mapaparami ang kain ko nito.

Adios. Unang punta ko dito hindi naging maganda ang nangyari. Gusto ko sanang sabihin kay Jacob na 'wag nang tumuloy pero dahil sa gutom na ako nagpatuloy nalang kaming maglakad papasok. At isa pa baka ano pang isipin niya tungkol sa akin. Baka isipin niyang maarte ako which is not true. Maldita lang ako.

Mukhang planado na lahat ito ni Jacob, mabuti naman dahil gutom na ako!

"Anong gusto mo?"

"Kahit ano nalang."

Gusto kong sabihin sa waiter na pakibilisan dahil hindi ko na kaya ang gutom pero nahihiya ako dahil nandito si Jacob sa harapan ko. Mahihimatay na ako sa gutom!

"Baka may gusto ka pa,"

Gutom na ako, Jake!

"Wala na!"

I want to say sorry dahil nasigawan ko siya ng wala sa oras. Masisisi niyo ba ako e sa gutom na talaga ako. Mukhang nagulat sila sa sigaw ko kaya nanahimik na lamang ako.

"Okay, kindly make it fast. Thanks."

"Alright, sir."

"I-m sorry."

"Oh no, it's okay."

"Hindi ko sinasadya, Jake! Promise!"

Wala akong natanggap na sagot sa kanya. At tanging mariin na titig ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Tell me, kumain ka ba?"

H-h?

"Pardon?"

"Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga ikinikilos mo."

How did he know?

"What are you talking about?" I pouted

"Namamawis ka kapag hindi ka nakakain, right? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sana binilhan pala kita habang nasa byahe."

"Paano mo nalaman? Sinabi ba ni Mommy?"

He's right. Namamawis talaga ako kapag hindi nakakain. Ewan ko nga ba kong bakit even si Mommy hindi rin alam. Normal lang naman siguro 'to.

"I just figure it out. Are you okay? Gusto mo puntahan ko?"

"No need to worry Jake. Thank you."

"You're welcome. Ayoko lang na may mangyaring masama sayo."

Ipagpatuloy mo pa Jake at talagang bibigay na ako.

"Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. Sadyang nalate lang ako kanina kaya hindi na ako kumain."

"Hindi naman natin alam kong anong pwedeng mangyari. Malayo pa naman ako sayo."

"I promise huli na 'yun. I'm sorry."

"I make sure of that. I'll check you from time to time."

"Hindi na kailangan. Marami kang ginagawa at tsaka kailangan ka sa company niyo."

"Aanhin ko naman 'yun kong wala ka."

"J-ake! Ano ka ba para naman sa pamilya mo 'yun. Inaasahan ka nila especially your Dad."

Hindi na bumabata ang Daddy niya at siya ang lubos na pinagkakatiwalaan ng pamilya. His sister is now happily married at walang balak sa negosyo. Kanino pa ba mapupunta ang lahat of course sa kanya. I am so proud of him kasi at his young age nakaya niya lahat. At sa nakikita ko mas malayo pa ang mararating niya sa buhay.

Sana ganoon din ako 'pag dating ng panahon.

"I know but my main priority now, is you," he said with so much care. I am so lucky.

Unforgotten MemoriesWhere stories live. Discover now