Chapter 13

626 14 0
                                    

Kanina ko pa kausap si Beya sa telepono. Sinabi ko sa kanya ang nangyari kahapon, sa pagbisita ni Jacob sa bahay hanggang sa umabot sa ligawan.

Kilig na kilig pa siya habang ikinukwento ko sa kanya ang pag-amin ni Jacob. Kahit na ako nagulat sa mga salitang binitawan ni Jacob.

Inamin niya na may gusto siya sa akin at willing siyang ligawan ako kahit na nasa malayo siya.

"Dear, nandyan ka pa ba?"

"Ah, oo. May iniisip lang ako. Ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Basta ipangako mo sa'kin na hindi mo hahayaang matulad ka ni Tita. Huwag mong hahayaan na madurog ang puso mo. Wala pa naman ako dyan!"

"Oo na oo na! At tsaka ligaw pa naman hindi pa naman kami, ah!"

Buti nalang wala siya dito dahil kapag nagkataon makikita niya kong gaano kapula ang mukha ko.

"Hindi pa. Tagalan mo muna ha! Basta yung sabi ko sayo 'wag na 'wag mong kakalimutan."

Ilang beses na niya akong pinaaalahanan tungkol kay Jacob. Na baka raw saktan ako nito. Pero nakakasigurado ako na iba siya sa lahat kaya nga pumayag ako na manligaw siya.

May alam na rin si Mommy about sa panliligaw ni Jacob at ang mas nakakatuwa pa ay nauna pa siyang nagpaalam kay Mommy. May usapan na pala sila habang tulog pa ako.

"I know. Kailan ka ba uuwi rito? Miss na miss na kita."

Dalawang taon na mula nong huli ko siyang nakita. At ako mismo ang bumisita sa kanya sa US. I understand her dahil hindi madali ang buhay niya roon.

Matagal na siya roon mas nauna pa nga siyang nakapunta sa US kaysa sa akin. Her parents passed away kaya mag-isa niyang binubuhay ang sarili niya. May kamag-anak naman siya rito kaya nga lang nasa probinsiya. Dalawa o tatlong beses pa lang siyang nakakauwi kaya nilulubos niya ang bakasyon niya.

She managed to stand on her own kahit na wala siyang mga magulang na umaalalay sa kanya. I am willing to help her maski si Mommy gusto rin siyang tulungan pero ayaw niya.

"Alam mo naman hindi ba? Saka na kapag mayaman na ako tulad mo! Ililibre pa kita! Miss na miss na rin kita. Hayaan mo babawi ako kapag nakaipon na."

"Alright. Huwag mong pababayaan ang sarili ko dyan. Take care, okay. Ayokong may mangyaring masama sayo."

"Ang sweet mo naman! Opo ma'am! Mag iingat po ako always. Tawag na ako ni boss. Time for work na. Next time naman. I love you! Bye!"

"I love you too."

I decided na matulog muna dahil may pupuntahan pa ako mamaya.

I was about to sleep when my phone rings.

Unknown calling...

"Hi."

Boses pa lang alam ko na kong sino 'to. Mukhang hindi ako makakatulog nito.

"Hello!"

'Wag mong ipahalata ang excitement mo Elisha! Hindi ka na teenager.

"How are you?"

"I'm fine. I-kaw?"

"I miss you."

Ilang beses akong napamura sa isip. Anong isasagot ko? Aamin ba ako na namimiss ko rin siya? Magpakipot ka Elisha!

"Okay,"

"You don't miss me?"

"How come hindi ba kakakita lang natin kahapon?"

That was true.

"Iba ang kahapon sa ngayon, Elisha."

"Alright alright. Hindi ka ba busy?"

"Why? You wanna see me?"

Yes.

"No! N-atanong ko lang."

"Just tell me you want me to go to your place, baby."

Bakit ang landi mo, Jake?

"No... no.. alam kong busy ka kahit hindi mo sinasabi. I understand."

"Hindi ako busy pagdating sayo."

"A-no kasi... p-inapatawag ako ni... M-ommy oo tama! I'll talk to you later!"

Kahit na gustong gusto kong marinig ang boses niya, hindi ko pwedeng sabihin dahil hindi ako kumportable at lalong lalo na baka isipin niya na easy to get ako.

"Okay. Take care,"

"Bye!"

I turn off my phone immediately dahil baka magbago pa ang isip ko.

At first hindi naman ako naiilang sa mga salitang binibitawan niya. Pero iba na ngayon dahil nililigawan na niya ako.

Dati hindi ko masyadong binibigyang pansin kasi buong akala ko biro lang lahat. But now hindi na dahil iba na.

Hindi ko dapat hayaan ang sarili na mahulog sa kanya nang ganoon kadali dahil kakakilala ko pa lang sa kanya. I know mabait siyang tao pero I need to dig more info about him.

Ayokong magmadali. If he likes me then good hindi ko naman siya hahayaan na gustuhin ako. I can't stop him. And I can't stop mine, too.

If he likes me... I like him too!

Unforgotten MemoriesWhere stories live. Discover now