I can hear the woman's occasional loud giggles pero dahil medyo malayo ang agwat ng mga tables ay wala na akong narinig. So ganoon rin siguro sa amin sa kanila.

"I know it's late, but can I ask at least two more hours of your time?" Maya-maya ay tanong ni Theo.

Napakurap ako. By this time ay nawala na sa isip ko na nasa kabilang table lang si Kade at may ka date. Theo can be a good distraction, and I actually like him.

"Do you have another surprise?" Nakangiti na tanong ko.

"Well, I think you will be surprised.. If you can still spare me at least two more hours of your time." He then grinned at me.

Na-excite ako bigla. I am now looking forward to whatever it is that Theo wants me to see. We just stood up. Nang hindi nya na hiningi ang bill ay tsaka ko lang naalala na isa nga pala si Theo sa mga may-ari nito. I secretly giggled at the thought.

I reminded myself not to look or even take a glance at the next table. Inalalayan ako ni Theo hanggang sa makalabas na kami doon. He asked the woman at the front desk to call the valet to get his car kaya nang bumaba na kami ay sandal lang kaming naghintay.

He gave a tip to the valet and off we go.

"Thank you for taking me to your resto. The food is great and the ambiance was amazing. Lalo na 'yung aquarium floor! I can't believe I just dined like I'm in the middle of the ocean pero cozy ang lugar."

"I am glad you liked it. The next place we'll go to is a bit different but I also hope na magustuhan mo pa rin."

"Medyo mataas na ang approval rating mo based on the first place. I think magugustuhan ko rin 'yung next place." Confident na sabi ko.

The last place na alam ko mula sa dinaanan namin ay ang Sm Megamall. I don't know exactly know kung saan kami pupunta. The thrill is keeping me off the edge. Ngayon na lang ako nakaramdam ng ganito. Walang trabahong iniisip, relaxed tapos may good company.

Nakita ko na lang bigla na ang mga jeep na kasabay namin sa daan ay may ruta na Antipolo.

"We're going to Antipolo?" Takang tanong ko.

Ngumiti lang sya sa akin.

I laughed. "Wow, pa mysterious ka pa rin, ha?"

He continued driving. Medyo winding na 'yung road na dinadaanan namin tapos namangha ako sa view kasi kitang kita ko na nasa mataas na lugar kami kasi maliliit 'yung mga bahay at mga ilaw na nasa baba. Busy ako sa pagtingin ng view nang maramdaman ko na lumiko si Theo sa isang bakanteng lote na katabi ng isang bar na may mga kubo.

Nang makapasok na sa lote ang sasakyan nya ay ipinarada nya iyon patagilid malapit sa rails ng cliff. Sabay kaming bumaba tapos binuksan ni Theo ang likod ng sasakyan nya. Ramdam ko ang lamig ng hangin nang dumampi iyon sa balat ko. Nang lingunin ko si Theo ay napansin ko na may inilalabas sya mula sa likod ng kotse nya.

Natawa ako. Naglabas sya ng portable chairs and small table. Tapos kita kong may cooler sa likod ng sasakyan nya, he opened it at may mga inumin doon nan aka submerge sa yelo!

"Woah. What is this?" Natatawa na tanong ko.

"Well, instead of bringing you to a bar or club where we can't really talk, I hope you don't find this place too shady. This is one of my favorite places when I am in the Philippines. Medyo maingay nga lang 'yung katabing bar, but, hey, there's a lot of people so maraming witness if you think I'd do something bad." Malapad ang ngiti na sabi nya.

Ang lakas ng tawa ko. "Grabe! Lahat ba ng sinasama mo dito ganoon ang reaction?"

Umiling sya. "You're the first person I brought here. Even my friends don't know this place. Lupa ito ng pinsan ko. And he didn't know I go here when I want to be alone."

CollideWhere stories live. Discover now