Chapter 15.

146 13 4
                                    

I didn't know how I survived sitting next to him hanggang sa may mga kumausap na sa kanya. Hinihintay ko lang na bumalik si ninang at babalik na ako kay Theo but she seems to be taking her time in getting food!

Gusto ko nang magpaalam kay Kade pero hindi ako maka singit. May dalawang lalaki syang kausap. Mukhang mga kaklase nya noong college. Nang bumalik si ninang ay tsaka ako nagpaalam.

Nakipag kwentuhan na rin ako sa ibang kasama namin sa table ni Theo. Hindi ko na alam kung naka ilang baso ng champagne na ako.

"I'll get us food. What do you like?" Maya maya ay sabi ni Theo.

Umiling ako. 'I'm not hungry. Maybe later,"

"Still. Naka ilang baso ka na. I'll go get you something to munch."

"Alright, you're the boss."

Kita ko na naglilibot si Kade at nakikipag usap sa mga bisita. He looked really dashing. Para syang naglalakad sa catwalk tuwing nakikita ko syang naglalakad papunta sa mga table. Hindi ko napansin na para na naman akong tanga na naka titig sa kanya.

Mabilis naka balik si Theo. Halos puro tinapay at bit sized snack from the grazing table ang kinuha nya para sa akin. Pinilit ko na kumain kahit kaunti. Oo nga naman, I have to have something in my stomach lalo na at ang dami ko nang nainom na champagne.

Every once in a while, ay hinahanap ng paningin ko si Kade. This time ay hindi ko na sya makita. Baka nag banyo, or may ibang kausap na malapit sa stage kaya hindi ko na makita. Sa dami ba naman ng tao dito!

I am on my nth glass of champagne when I saw ninang Angelou calling me. Mabilis ko iyon na sinagot at nag excuse ako kay Theo.

"Cait, help. Bigla na lang natumba si Kade. He told me to call you. Nasa office nya kami sa taas."

Hindi ko na narinig ang ibang sinabi ni ninang. Ni hindi na ako nakapag paalam kay Theo. All I was thinking is Kade. Bumalik sa isip ko ang itsura nya when I found him sick and alone on his place. Para akong masusuka sa kaba.

Pabalik balik ako ng lakad habang nasa executive elevator.

Patakbo akong pumasok sa office nya. Agad kong nakita si ninang Angelou habang naka tayo sa harap ni Kade na naka higa sa sofa nya.

"What happened?" Humihingal na tanong ko.

"Bigla sumama pakiramdam nya. Bigla na lang syang namutla. I didn't know what to do. Nagpasama na lang sya dito but then..."

"I'm f-fine," Biglang nagsalita si Kade. Bahagyang naka bukas ang mga mata nya but he looked really weak.

Lumapit ako sa kanya. "I'll call Doc Dan," mabilis na sabi ko.

Hindi sya tumutol. I got his phone and looked for his number. Alam ko na nagtataka si ninang pero mamaya na ako mag I explain.

"Hello, birthday boy! What's up!" Masigla ang boses na sagot nya sa kabilang linya.

"T-this is Caitlyn." Nangangatal ang boses ko.

"Oh shit. What happened?" Alam kong alam nya na agad ang nangyayari.

"Bigla na lang syang tumumba. We're here in his office." Liningon ko si Kade na naka pikit na ulit. He's pale as hell. Hindi ko alam anong sakit nya and why is this happening!

"Shit. Wala ako sa Manila kaya hindi ako naka punta sa birthday nya. Ask him if he brought his meds." Halatang nag panic na rin si Dan.

Lumapit ako sa kanya. "Sir, dala nyo raw po ba gamut nyo?"

Umiling sya. "Nope. I'll be fine, kailangan ko lang ipahinga 'to." Tumagilid sya patalikod sa akin. I sighed and moved away.

"Doc, hindi raw po. Ano po pwedeng gawin?"

CollideHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin