Chapter 4.

753 50 6
                                    

Mangiyak-ngiyak na tiningnan ko si Kade. Mabilis kong linapag ang cellphone nya sa bedside table nya at hinarap sya. Lungayngay na ang kanyang ulo. May stain na rin ng dugo ang comforter nya. Damn it, pakiramdam ko nahihilo na rin ako.

"Kade? You have to lay down." Mahinang sabi ko sa kanya.

Inalalayan ko sya para humiga sa kama nya at hindi naman sya tumutol. Otr maybe he's too weak. Inayos ko ang bathrobe nya dahil bahagya iyon na bumuka. I saw his underwear. Black and white Calvin Klein, nahagip ko rin ang bulge nya. And that's the last thing I need to focus on!

He groaned when his head hit the pillow. Pumikit sya saglit bago muling nagbukas ng mga mata nya. He stared at me while helping him with his position.

"Why are you here again, Ms. Lim?" Groggy na tanong nya. Mapungay ang mga mata nya and it's not the good kind!

"It's okay, Mr. Montes. Just lay down. Just relax," Iwas ang tingin sa kanya na sabi ko. I pulled the comforter up on his chest. May malalaking butil ng pawis sa noo nya.

I went back to the bathroom to look for a towel. I turned the hot shower at binasa ang towel. Pinigaan ko iyon at binalikan si Kade. He looked delirious. Mabilis ang pag-galaw ng mga mata nya at tumitingin kung saan-saan. It scared me. It means sobrang taas ng lagnat nya.

Sa pagka taranta ko ay hindi ko na naisip ang alcohol. But damn, it. Basta mapunasan sya, okay na siguro iyon? Ah! Bahala na. Natataranta na ako.

Marahan kong pinunasan ang mukha nya. Medyo nagprotesta sya pero sa huli ay hinayaan nya na lang ako. I opened his bathrobe in his chest area. Pinunasan ko rin iyon. He was groaning and moaning na parang wala sya sa sarili and the longer this drags on, the more I feel scared.

He looked seriously sick. And I mean, hindi basta lagnat lang.

"I'll cook you a soup. Stay there," Sabi ko sa kanya bago ako napabuga ng hangin.

Instead of answering, he just closed his eyes.

I sighed then went straight down to the massiver kitchen. Para pa akong nalula dahil hindi ko alam kung saan magsisimula. I looked at the two door fridge. I silently cursed when I saw na halos puro tubig, fresh milk at canned beer lang ang nandoon. It's clean.

Nagsimula akong tumingin sa mga cabinet. Nagpapanic na ako. Kung bibili pa ako, it means kailangan ko pang umalis. And the Doctor said na huwag kong iiwan si Kade. But what if walang pwedeng lutuin na sopas? Damn it!

Ilang cabinets na ang nabuksan ko, either walang laman or mga de-lata na imported na kung ano-ano lang ang laman. The last row of cabinet on the further side of the stove gave me hope when I saw a few cups of instant noodles.

Hindi na ako nag aksaya ng oras. Nag init ako ng tubig at naglagay sa isang cup ng insant noodles. I closed back the lid. I looked around. May tray sa isang tabi. I realized that I should also bring him water. I got a bottled water at the side of the fridge, hindi iyon malamig. Tapos baso at kurtsara.

Mabilis akong bumalik. Tulog si Kade nang bumalik ako.

My kung anong takot ang gumapang sa akin nang parang habang tumatagal ay lalo syang namumutla. He's slowly drained of color. Naluha ako nang makita sya. I don't know what's happening. Nagdalawang isip pa ako kung gigisingin ko sya o hahayaan matulog pero kailangan nya kumain.

"Kade? Kade?" Mahinang tawag ko sa kanya. Bahagya kong hinawakan ang mukha nya. Mainit pa rin iyon.

He groaned, then he opened his eyes. His eyes just started at me. I smiled at him.

"I couldn't find anything but the instant noodles. Kumain ka muna." Mahinang sabi ko.

Umiling iling sya bago muling isinara ang mga mata nya.

CollideWhere stories live. Discover now