Chapter 1.

913 39 6
                                    

I can finish the monthly summary tonight; you do the inventory for the MV Viper." Nakangiti na inabot sa akin ni ninang Angelou ang isang stack ng folders.

Mabilis ko iyon na kinuha mula sa kanya. "Yes, Ma'am."

Walang nakaka alam sa kumpanya kung ano man ang relasyon namin. We decided to keep it under wraps dahil baka kung ano ang isipin ng iba.

Lahat ng documents mula sa iba't ibang departments ay dino double check naming lima. Kaya malaki ang hawak naming responsibilidad. One wrong move or typo at maaaring may milyon na mawala sa amin o may damage na magawa. Isa rin sa dahilan kung bakit naisipan ni Kent Montes na gawin ang special team ay dahil sa ilang eskandalo at ilang anomaly na nangyari within the company before. They needed to be more careful.

Lahat kami ay pina background check. While the HR could possibly know na ninang ko si ninang Angelou ay hindi naman sila nagsabi o gumawa ng action. And it's a good thing.

Ninang Angelou is our team leader. Most of the time ay sya ang pinaka nakikipag interact kay Kade. Tatlo kaming babae at dalawang lalaki. Lahat sila ay nasa thirties pataas na ang mga edad. Sa edad ko na twenty-seven ay ako ang pinaka bata.

Our offices are located at the twenty fourth floor of the Neonova tower na pag aari rin ng mga Montes. The six of us including Kade occupies one whole floor. We have our own offices, our own lounge area, pantry and all the wonders of the world. It feels like a freaking hotel in there. Three more floors below us is where the other departments of the Montes Shipping Line are.

May ilang floors pa sa baba na office din ng ibang subsidiaries and other business ng mga Montes and the rest ay pinapaupahan na sa ilang kumpanya at businesses.

Kinailangan ko na mag overtime dahil gusto ko umuwi na kaunti na lang ang iisipin. Halos nakahalatian ko na ang pag check sa inventory report na ipinasa sa amin tungkol sa pinaka bagong addition sa mga barko ng Shipping Lines.

MV Viper is special, at halos isang buwan pa lang mula nang gamitin iyon. It's a luxury ship. It is small, kaya limitado lang ang mga pasahero, bukod pa sa may kamahalan ang mga ticket. It's an experimental one at so far, so good ang reception ng mga customer.

Pasado alas diyes na nang gabi nang marating ko ang condo ko. Yes, I am actually living in a condo, a few blocks away from Neonova. Nang matanggap ko ang pinaka unang sweldo ko from MSL ay agad akong nagpasya na kumuha ng condo unit. Of course, hinuhulugan ko pa rin sya, pero dahil sa laki ng sweldo ko at sa housing allowance mula sa MSL ay halos kalahati na lang ang babayaran ko.

And isa lang iyon sa mga magandang nangyari simula nang makapasok ako sa special team. Napagtulungan na rin namin ng kapatid ko na ipa renovate at palakihan ang ancestral house ng pamilya namin sa Catanduanes.

Kaya sino ang hindi mamomotivate na mag trabaho kung masaya ka sa perks na nakukuha mo?

I admit na minsan ay nakaka stress. Halos lahat kami ay tumira na sa opisina on our first three months together hanggang sa nakasanayan na naming lahat at nakagawa na kami ng sistema sa pag gawa ng trabaho namin.

Our working dynamics is incredible. Parang sinadya na kami ang bumuo sa special team. We never had any arguments or something. May ilang hindi pagkakaunawaan lang minsan but it's the healthy discussion.

Once or twice a month naman ay kumakain kami ng magkaka sama sa labas at nag uusap tungkol sa mga buhay namin outside work. I guess it is what makes us still sane after all the maddening workload and job demand.

The next morning, ten minutes bago mag alas otso na nang makarating ako sa office. They are all already there, so kahit hindi ako late, pakiramdam ko ay late na ako. Nakita ko sa digitv na nakapag log in na sila lahat.

CollideWhere stories live. Discover now