Chapter LII

1.1K 28 5
                                    

Chapter LII

"Pinayagan mo na naman?!" gulat na gulat na tanong ni Leah sa akin.

"Oo, pinayagan. Hindi ko alam kung gaano katanga 'yang kaibigan mo, Leah." ismid ni Alexa.

"Tapos ilang araw nang hindi umuuwi?" tanong pa ni Leah.

"Dalawang linggo lang naman. Hindi ko nga maintindihan 'yang si Paige. Mas tanga pa sa akin, grabe! Kung ako sa kanya matagal ko nang iniwan 'yang si Zack." kastigo pa ni Alexa.

"Sobrang tanga nga talaga nito." ani Leah saka prenteng umupo sa aming sofa. "So anong plano mo kapag bumalik? Papatawarin mo? Gaguhan na lang kayo, ganern? Lumabag siya sa kasunduan niyo. May kontrata kayo, remember? Pakulong mo na 'yung walang kwenta niyang kabit." dire-diretsong sabi ni Leah.

"Actually, wala na nga din custodial rights si Zack sa mga anak niya dahil lumabag siya sa kontrata nila. Handa nang kasuhan ng mga magulang ni Zack si Emmy kaso itong si Paige, hindi makausap ng maayos." reklamo pa ni Alexa.

Inilapit ni Clinton si Alexa sa kanya at may ibinulong ito. Nanatili akong tahimik na pinagkikinggan ang kanilang mga sinasabi.

"Bakit ba? Ano ngayon kung prangka ako? Kailangan nang matauhan itong si Paige. Tangina lang, ha." galit na sabi ni Alexa kay Clinton sabay tingin sa akin ng masama. "Aakto ka ng ganyan kasi lagi kang nagbabait-baitan? Lalaban ka ba talaga? Kasi kung ganyan ka lumaban, talo ka na. Para kang nasa charity program na kapag may humiram sa asawa mo, kusa mong ipapahiram. Nakakastress ka!"

Hindi ko napigilang yumuko sa narinig kay Alexa. Masakit itong magsalita ngunit mas nasasaktan ako kasi alam kong may punto ang kanyang sinasabi.

"Patigilin mo 'yang buntis mong asawa, Clinton." saway ni Leah kay Alexa.

Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang kanyang pagdamay sa aking nararamdaman at sobra ko iyong naappreciate. I appreciate all the people around me who are trying their best to cheer me up.

"What's wrong, Paige? Ilanga raw ka nang hindi nagsasalita. We're so worried." ani Alexa na mahigpit ang hawak sa kamay ko habang nakayakap pa din sa aking gilid si Leah.

"You know that we're here for you. We will listen." malambing na bulong ni Leah.

"I'm just tired." ngumiti ako sa mga ito. "Aakyat muna ako sa kwarto. I want to rest." tumayo ako at hinalikan sa noo ang dalawa kong anak na abala sa paglalaro. Umakyat ako sa silid ko at maghapong natulog.

"Momma, you look so sad." ani Benj habang nakahawak sa aking pisngi na parang nilalambing ako.

Pilit akong ngumiti sa aking anak. Niyakap ko sila pareho at hindi ko napigilang lumuha habang yakap yakap ko sila. Nagpunas ako ng luha bago sila tingnan.

"I'm not sad." nakangiti kong sabi sa kanilang dalawa.

"You told us that it is bad to lie." nakangusong sabi ni Joseph. Nalungkot ako sa narinig ko mula sa aking bunso. If my kids can notice my sadness then I look so sad then.

"How can I be sad when I have both you?" I asked Joseph. Niyakap muli silang dalawa at hinayaang maglaro hanggat gusto nila.

Kumunot ang noo habang nagdidilig ng halaman nang matanaw ko si Zack sa harapan ng aming bahay. He is watching me with sadness and longing in his eyes. What's with the look? Is that even real? Ibinaba ko ang hawak kong pandilig at lumabas ng aming bahay.

Lumapit ako kay Zack na may malungkot na tingin sa kanyang mga mata. My heart is in rage because of the anger I'm feeling right now.

"What are you doing here?" I asked coldly. The ice on my voice can kill. I'm not just sad about Zack, I am angry at him.

"I want to see my kids." he said. He look so tired. His stables were growing and his eye bags were evident. He looks so stressed. Maybe he had spent so many late night moments with Emmy. Mas lalo akong nagalit sa aking naisip.

"You don't have any right to them anymore, Zack. You have violated our contract." I said angrily. Wala na siyang karapatang makita ang kanyang mga anak. Tutal ay hindi naman niya kami kailanman inuna sa kanyang mga desisyon, mas mabuti na ito ang mangyari.

"Don't do this to me, please." halos manikluhod siya sa aking harapan. Parang gustong-gusto niyang makita ang mga bata. Ngunit alam kong mas matimbang sa kanya si Emmy at darating ang araw na kayang-kaya niya nang iwanan ang kanyang mga anak sa akin.

"Ano pa bang gusto mo, Zack?! I gave everything to you!" galit kong sabi sa kanya. "I gave you myself that night! I gave you my soul when we married! I carried our children! I gave birth to them! I almost died with them. I provided for them. I waited for you. Three long years, Zack! Wala ka noong pinakailangan kita!" itinulak ko ang kanyang dibdib, hindi ko inasahang maakpektuhan siya ng pagtulak ko ngunit marahil dahil sa panghihina ay napaatras siya ng ilang hakbang mula sa akin.

"Pagbalik mo dito kasama mo si Emmy! Walang memorya o kahit ano! Nakiusap ka sa akin na huwag ipakulong ang Emmy na 'yan, pinagbigyan kita! Kahit na ang sakit sakit para sa akin na makaharap si Emmy, ginawa ko ang lahat para pagbigyan ka! Mahal kita e!" I shouted at him.

"Binuntis mo siya, naintindihan ko! Inosente ka at walang maalala! Wala kang narinig na kahit isang panunumbat mula sa akin! Hinahanap ka ng mga anak mo pero kailanman hindi kita siniraan sa kanila kahit pa mas pinipili mo ang ibang babae kesa sa kanila! Mga anak mo na 'yon, Zack! Nang malaglagan si Emmy, hinayaan kita! Sabi mo isang araw lang pero ilang linggo ka nawala? Dalawang linggo kang wala!" sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko at sa galit para sa kanya.

"Nilabag mo ang kontrata! Tapos ang lakas ng loob mong bumalik dito?! Tangina, kinalimutan ko ng irespeto ang sarili ko para sayo! Asawa mo ako pero hinayaan kitang sumama sa kanya, ganoon kita kamahal! Pinili mong mas makasama siya kaya iniwan mo ulit kami! And this time, you know the truth and you still chose her! You know how much it fucking hurts? I felt like I died! Tapos babalik ka dito? Ano ganoon na lamang 'yon?" pinunasan ko ang luha kong ayaw tumigil dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

"I did everything for you! Pero anong ginawa mo? Mas pinili mo siya! Kinalimutan ko ang sarili ko. Isinakripisyo ko kahit ang karapatan ng mga anak ko na maging tatay ka! Putangina lang. Please lang, Zack. Kahit mahal mo si Emmy, irespeto mo naman kami!" iyak na iyak kong sabi.

"Please... I'm so sorry. Let me explain." umiiyak din nitong sabi. Akma itong lalapit sa akin at hahawakan ako ngunit kaagad akong umatras dahil sa poot na nararamdaman.

"No, Zack." umiiling kong sabi sa kanya.

"Pagod na pagod na akong mahalin ka." pagod kong sabi kasabay ng pagtigil ng aking pagluha dahil naubos na yata ang luha ko. "Let's end this. It's over, Zack." I said with tiredness and finality. Tinalikudan ko siya at naglakad na patungo sa bahay.

"Listen to me. Please, Misis." I heard him say.

Young and MarriedWhere stories live. Discover now