Chapter XIV

1.1K 27 11
                                    

Chapter XIV


Pinatuloy ko ang kuya ni Zack. Nakumpirma kong ito nga ang kapatid ni Zack nang batiin siya ng mga kasambahay. Hindi ko na naitanong ang mga detalyo tungkol sa tinutukoy niyang Alexa na hindi umano'y akala niya'y pinakasalan si Zack.


"Masarap kang magluto." puri sa akin ni Clinton. Hindi pa daw siya kumakain kung kaya nagluto ako ng tanghalian. Magana itong kumain at tila tuwang-tuwa sa aking luto. Marahil ay dahil doctor siya at laging abala kung kaya minsan na lamang siya makakain ng maayos na pagkain.


Nagluto ako ng sinigang. Ang mga katulong ay nauna ng kumain kanina. Naglilinis sila ngayon sa mga guests room. Ngumiti ako dito bilang sagot.


"Sorry that I didn't attend your wedding. Busy kasi sa ospital." sabi pa nito. He smiled at me making it looked like he is really sorry at all. Kanina pa siya nagkukwento na isa siyang Doctor. 28 pa lang daw siya at hindi hamak na mas matalino kay Zack. Tinatawanan ko na lamang siya sa kanyang biro.


"Okay lang." I replied politely. Ngumiti ako dito at nagpatuloy kumain. Nang matapos ako ay nagsimula na akong ligpitin ang aking pinagkainan.


"Hey, iiwan mo akong mag-isa?" tanong nito.


Tumayo kasi ako upang maghugas ng pinagkainan at pinaglutuan ko. Kumunot ang noo ko sa tanong nito. Hindi ko maintindihan ang kanyang tanong. Am I oblige to accompany him?


Tiningnan ko siya at kaagad kong nakita ang bahagyang pagkakahawig niya kay Zack. Makapal na kilay, malalalim na asul na mata, at matangos na ilong. Magkaiba sila ng labi ni Zack. Ang labi ni Clinton ay makurba at mapaglaro, samantalang ang kay Zack ay manipis at tila laging galit.


"Maghuhugas lang ako ng pinggan, hindi naman ako aalis." sabi ko.


Ngumisi siya sa sinabi ko at saka nagpatuloy sa pagkain.


Nang makapaghugas na ako ng pinggan ay naghanda na ako ng mga ingredients. Balak kong ipaggawa si Zack ng meryenda, maaga daw siyang uuwi. Alas-singko ang labas niya, kung maaga siya ngayon mga alas-tres nandito na yun. Siguradong gutom iyon pagkauwi, karaniwan niyang hinahanap ang aking luto pagkarating niya.


Naghubad ng damit sa harapan ko si Clinton. Nakasando naman itong panloob. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako ng paghahalo ng ingredients.


Napaisip ako. Sana ay mahilig si Zack sa cupcakes. Dapat ba magprito na ang ako ng saging? Natatandaan ko noong isang linggo ay nabanggit niyang gusto niyang kumain ng pritong saging.


"Ano bang ginagawa mo?" medyo gulat ang boses ko dahil lumapit si Clinton sa akin at inihagis ang kanyang damit. Mabuti na lamang at nailagan ko.


Malaki yata ang problema ng isang ito.


Tumawa bahagya si Clinton.


"You're not affected by my biceps?" nanunukso nitong tanong.

Young and MarriedWhere stories live. Discover now