Chapter II

1.4K 32 1
                                    

Chapter II

"Anong yung nabalitaan namin na nakabuntis ka daw?!" naalimpungatan ako sa dahil sa galit na boses. I don't know where it came from but from the volume of its voice, I know it is somewhere near.

"That's not true, Pa," kalmadong sagot ng isang boses. "Iyon ba ang dahilan kung bakit umuwi kayo ng maaga?" iritado ang boses ng lalaki. Kumunot ang aking noo at kaagad akong naramdaman ang sakit sa aking ulo. What the heck?

Marahan akong bumangon habang sapo ko ang aking ulo. Nagising ako dahil sa nag-aaway na lalaki. Hindi ko alam kung bakit sila nag-iingay. Hindi ba nila alam na natutulog ako at naaabala ng kanilang sigawan ang tulog ko. Kaagad akong nagsisi dahil sa aking biglaang pagbangon, mas lalong sumakit ang aking ulo!

"Sinasabi ko sa iyo oras na-" tumigil ang boses sa pagsasalita.

.

Nagkusot ako ng mata. Sobrang sakit ng ulo ko at tila umiikot pa ang aking paningin.

Napatingin ako unahan ko. Nagising buong sistema ko sa aking nakita. Isang lalaki na wari ko'y nasa late 40's na, at isang babae na siguro'y asawa nito ang bumungad sa akin. Ang isang lalaki na nakahiga din sa kamang hinihigaan ko at tingin ko'y kaedad ko lamang ay nakatingin din sa akin. Lahat kami'y gulat.

Bumaba ang tingin ng kaedad kong lalaki sa aking katawan. Lantad na lantad ang hita ko na walang suot na pang-ibaba. Agad akong kumuha ng kumot at tinakpan ito. Umatras ako hanggang sa mapasandal ako sa headboard. Tumama ang ulo ko doon kung kaya naggawa pa ito ng ingay.

Hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi at kung paano sila napunta dito. Napatingin ako sa lalaking aking katabi sa kama. Wala itong pantaas ang base sa hitsura nito, wala din itong suot na saplot sa baba. Halos hindi ako huminga sa sobrang gulat. Kaninang madaling araw, nang may maramdam akong pumipisil sa aking dibdib. Hindi ko iyong pinansin dahil akala ko wala naman akong katabing matulog, ngunit... mukhang hindi iyon panaginip.

"Zack!" galit na baling ng lalaki sa binata. Tingin ko ay ama nito ang lalaki. Tumingin sa akin ang babaeng kasama nila na tingin ko'y nanay ng binata.

Napapikit ako. Ano na namang gulo ang napasukan ko?

"Mali po ang iniisip niyo. Wala pong nangyari sa amin ng lalaki 'yon," mahinahon kong paliwanag sa nanay ng lalaki. Nakaupo ako dito, hanggang ngayon ay nakabalot pa din ako ng kumot. Naiiyak na ako kakapaliwanag sa nanay ni Zack ngunit hindi ito naniniwala!

"Hija, kitang-kita ng dalawa naming mata ang nangyari kanina sa inyo ni Zack. Bakit itinatanggi mo pa?"

Nalaglag ang balikat ko. Gusto ko mang sabihin ang naganap para patunayang walang nangyari sa amin ay wala akong maalala. Ang tanging naaalala ko lamang ay iniwan ako ni Leah upang magbanyo. Mula doon ay wala na akong matandaang kahit ano.

"Wala po talaga," nangingilid na ang luha ko. Hindi sila maniwala sa akin kahit anong explanasyon ko.

Iyong binatang may pangalang Zack ay kasalukuyang sinesermonan ng ama niya sa taas. Rinig na rinig mula dito ang galit na tinig ng ama nito. Ang sigaw ng tatay niya ay talaga namang nakapapangilabot pakinggan. Paano na lamang kung ikaw talaga ang pinagsasabihan ng tatay ni Zack? Baka mahimatay ako sa takot.

Tumikhim ang nanay ng lalaki at tinitigan ako. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Siguro ay hinuhusgahan niya na ako. Nakaramdam ako ng labis na hiya. Maayos ang pananamit ng ginang. Her clothes looks very expensive. Even the girl beside her looks so elegant in her flowing blush pink dress. They look so beautiful and here I am, naked with only a blanket wrapped around my body.

Masama naman ang tingin sa akin ng isa pang babae may ilang taon lamang ang tanda sa akin. I am sure that she already made her judgment. Based from her expressions, she doesn't like me at all. She doesn't like me for his brother. Kahit ako, kung ang kapatid kong lalaki ay mahuhuli sa parehong sitwasyon, hindi ko din magugustuhan ang babaeng kasama niya. Ngunit iba ang sitwasyong ito dahil walang nangyari sa amin ni Zack!

"Buntis ka ba?" muli nilang tanong. Ang nanay at ate ni Zack ang kumakausap sa akin ngayon.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pamimilit nila na may nangyari sa amin ngunit talagang wala!

"Hindi po. Kahit magpunta pa tayong ospital ngayon," nanghihina kong sabi.

Bakit hindi sila maniwala? Nagkatinginan ang dalawang babae na tila binigyan ko sila ng magandang ideya. Don't tell me we are really going to the hospital?

Young and MarriedWhere stories live. Discover now