Chapter XXI

1.1K 30 1
                                    

Chapter XXI

Naging tahimik ang maghapon kinabukasan dahil maghapon akong nanatili sa aking silid. Maagang umuwi si Zack ngayon. Magkatapos niyang magbihis ay nagdesisyon kaming sabay ng bumaba para maghapunan. Habang pababa kami ay pinag-usapan namin ang tungkol sa check-up ko bukas at yung hearing.

"Okay lang kahit hindi mo ako masamahan." sabi ko.

"Hindi pwede." mariing tutol nito.

"Zack, okay lang talaga."

Umiling ito.

"Pupunta tayo doon. We'll go after the hearing. Susunduin na lang kita dito sa bahay pagkatapos na pagkatapos ng hearing."

Napaisip ako sa sinabi niya.

"I want to go. Gusto kong damayan si Leah." bigla kong sabi.

"Ma-i-stress ka lang. It's better for you to stay here." sagot nito.

"Sige na. Leah's my best friend." pakiusap ko.

Bumuntong hininga siya. Napangiti ako dahil alam kong papayag na ito.

"No, Paige Iris. Mike is still on lose. Ayokong mapahamak ka at ang mga bata."

"Pero Zack-"

"Leah would understand." mariin nitong tutol.

Nalaglag ang aking balikat. Sa tono niya ay tagal hindi siya papayag. Inayos ko ang aking suot na dress saka ipinahinga ang aking kamay sa aking tiyan para maramdaman ang mga anak ko.

"Kapag may cravings ka sa gabi, huwag kang mahihiyang magsabi. Okay?" anito.

Tumango naman ako. Kanina ay inayos niya ang sofa kung saan siya matutulog. Gustong-gusto kong itanong kung nakalimutan niya na ba si Alexa pero itinikom ko ang aking bibig dahil ayokong malaman ang sagot. Hindi pa ako handa kung sakaling hindi ko magustuhan ang sagot niya.

Kinabukasan ay maagang umalis sina Zack. Naiwan kaming tatlo nina Alexa at Kuya Clinton sa bahay.

Nasa salas ako at nanunuod ng Mr. Bean. Paano kasi ay nadatnan ko na agad ito sa chanel na ito. Inilagay siguro ni Zack para hindi ko mamiss ang episode ngayong araw. Napaupo tuloy ako agad dito ng makita ko ang cute na nunal ni Mr. Bean.

"You like Mr. Bean?" tanong ni Clinton. Umupo siya sa gilid ko.

Ngumiti ako dito.

"Napaglilihian ko yata."

Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Dati-rati ayaw mo ng mga cartoon." he said while smiling.

Napawi ang ngiti ko sa labi. I shifted on my sit.

"Paano mo nalaman?"

Napatingin siya sa akin at umiling. "Hinulaan ko lang."

Ngumiti lang ako. He's lying. Gusto kong malaman kung sino ba talaga itong si Clinton sa buhay ko. I don't why he doesn't want us to talk about it.

"Clinton, pa-zip naman!" pababa ng hagdan si Alexa. Nakadress ito. Nakita ko agad ang kanyang malalim na neckline.

Nag-iwas ako ng tingin. Ngumuso ako at napasulyap sa aking dibdib. Iwinaksi ko ang pagkukumpara sa aking isip at itinutok ang aking mata nangyayari kay Mr. Bean.

Hinawi ni Alexa ang mahaba at wavy niyang buhok. Sobrang haba ng zipper. Mula ito sa panty line papunta sa pinakataas. Kitang kita ang pantay na kulay ng kanyang balat.

Maputi ako, salamat kina Mama at Papa pero mas maganda ang kanyang balat kumpara sa akin. She really looks beautiful. Kapag tiningnan mo siya ay mamangha sa angking ganda nito.

Young and MarriedWhere stories live. Discover now