Chapter XVI

1.1K 31 6
                                    

Chapter XVI

Tahimik ang almusal namin ngayon wala sina Mama. Bahagya akong nahilo kaninang umaga kung kaya simpleng almusal lamang ang naihanda ko. Tinulungan ako ng mga kasambahay na maghanda ng hapag-kainan noong sumama ang aking pakiramdam.

Tumayo si Zack pagkatapos ng ilang subo. Umakyat na ito sa aming silid upang makapaghanda sa trabaho. Wala namang reaksyon sina Ate Stella at Clinton sa pag-alis ni Zack na tila normal na iyon sa kanila.

"Sundan ko lang po si Zack." paalam ko kina Ate Stella at Clinton pagkatapos kong madaliin ang pagkain at tumulong sa pagligpit ng hapag-kainan. Ipinaubaya ko na sa mga kasambahay ang paghuhugas ng pinggan.

Nadatnan ko si Zack na nagtutuyo ng buhok. Kagagaling lang nito sa shower. Napakagat labi ko nang maalala ko ang nangyari kagabi bago ko siya masahihin. Tumikhim ako at pilit iwinaglit iyon sa isip.

"Nagluto na ako ng lunch mo." sabi ko dito habang inilalagay ang kanyang lunch box katabi ng kanyang brief case. Bumuntong hininga siya bago tumingin sa akin. He looks a bit gloomy today.

"Come here." utos nito.

Hindi ako sumunod sa halip ay nanatili ako sa aking pwesto. Tiningnan niya at bumuntong hininga. Lumapit ako sa kanya noong gumaan ang kanyang ekspresyon.

"Bakit?" I asked while tying his tie.

Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking batok pagk1atapos ay hinalikan niya ako sa noo. I looked at him after his kiss.

"Is there a problem?" tanong ko dito.

"Nothing. You just look so beautiful. Hindi ko alam kung bakit hindi kita nakita noong party." he smiled.

"I saw you though. You accidentally bumped into me." I told him.

Kumunot ang kanyang noo.

"Really? I should've have noticed you if that happened. Saka alas dies na akong umuwi ng bahay noong araw na iyon, I came from my penthouse in Quezon." aniya.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. I can't be wrong. I know I saw his eyes. Bahagya akong natigilan nang may matanto. I know three people with the same eyes. Zack, his father and ... Clinton. Zack's father was not there, it was seven or eight in the evening, so it must be...

"Is there something wrong?" he asked when he saw me spacing.

Tiningnan ko siya. It was not his eyes I adored that night. He looked intently at me so I nodded.

"Of course."

Tumingala siya at ipinakita ang kanyang neck tie. Napangiti ako dito bago ko inayos ang kanyang neck tie. Kagaya nang nakaraang araw ay nakatitig siya sa akin habang ginagawa ko iyon.

"Tapos na."

Ngumiti siya at lumuhod sa harapan ko. Niyakap ako nito sa bewang at nihilig ang kanyang tenga sa aking tiyan.

"Babies, papasok na si Dad. Be good to Mommy okay?" sabi nito na parang sumasagot na iyong mga anak namin. Tumingala ito sa akin. "Misis, anong sabi ng mga bata?"

"Hindi pa sila nagsasalita." pambabasag trip ko dito.

"Oh? Hindi pa ba?" tila gulat nitong sabi habang nakangisi.

"Pumasok ka na nga. Baka malate ka pa." taboy ko dito.

"Huwag kang lalabas ng kwarto okay?" bilin nito habang pababa kami ng hagdan.

"So hindi na ako kakain ganun?" pang-iinis kong tanong dito.

"Okay pero kapag nakita mo si Kuya, takbo agad okay?"

Natawa ako sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa may gate ay iyon ang sinasabi niya. What is his problem with his brother?

"Naiintindihan mo ako?" tanong ni Zack pagkatapos ng mahaba nitong sinabi tungkol sa pag-iwas ko sa kanyang Kuya.

"Opo. Opo. Pumasok ka na nga sa kotse."

Mabilis niya akong hinagkan sa pisngi bago pumasok sa loob. Inintay kong mawala sa paningin ko ang sasakyan ni Zack bago ako nagdesisyong pumasok sa loob.

"Sweet." komento ni Clinton habang nakahilig sa gate.

Tipid akong ngumiti dito saka marahang isinara ang gate. Naunang umalis si Ate Stella kay Zack kaya wala ng lalabas na sasakyan. Tinulungan ako ni Clinton na magsara ng gate.

"Gusto mong manuod ng movie?" alok nito sa akin.

Umiling ako dito.

"Gusto mong kumain?"

Muli akong umiling at bahagyang natawa. Tinaasan ko siya ng kilay, kakatapos lamang naming mag-almusal lahat.

"Mag-jogging?"

Umiling ako, I can't jog right now because I feel very heavy. I just want to lie in bed and sleep.

"Anong gusto mong gawin?" tanong nito.

"Matulog." sagot ko. Natawa siya sa aking sagot. Sabay kaming pumasok sa kwarto. Umakyat ako sa hagdan. Kasunod ko ito hanggang sa pinto ng aming kwarto. Tinaasan ko ito ng kilay.

"Pwedeng tumabi?" nakangisi nitong tanong.

"I'm sorry?" I said because I might have misheard him.

Tumikhim siya at umatras. Tila natakot sa aking naging reaksyon. "Joke." anito sabay ngisi.

Nailing lang ko sa kanya saka nagpaalam na papasok na ako sa kwarto. Ginawa ko ang karaniwan kong ginagawa, maglinis ng silid namin ni Zack.

Pumasok ako sa kwarto. Kailangan kong maabutan si Mr. Bean dahil natutuwa akong panuodin 'yon. Tingin ko ay nga ay napaglilihian ko si Mr. Bean dahil lagi ko itong inaabanggan.

Maghapon akong natulog sa kwarto. Alas-dos na nga ako kumain ng tanghalian. Hindi ko nakasabay si Clinton dahil abala ito sa sala, nakikipag-usap sa cellphone. Nagdidikta ito ng gagawin sa operasyon. May emergency yatang nangyari sa ospital. Komplikasyon sa kidney ang rinig kong dahilan.

He's really smart. Detalyado ang kanyang sinasabi, at maingat ang bawat salitang binibitawan nito. Halos hindi ko na maintindihan ang mga medical jargon na sinasabi nito. Tingin ko ay ito ang pasyenteng pinuntahan niya kahapon kahit pa naka-vacation leave siya. It was a matter of life and death after all. Because of that, he earned my respect.

Ipinaghanda ko siya ng juice at sandwich. Inilagay ko ito sa mesa harap niya. May kausap pa din siya sa cellphone. Madaming libro sa harap niya. May pinapanuod din siyang video sa laptop niya na isang operation. Suot suot din nito ang kanyang salamin. Now he looks an older version of Zack.

Bahagya akong natigilan nang magtagpo ang mata namin. Those are the eyes I saw that night. The one I really adored. I remember how he we bumped into each other and the sparks I felt when our skin touched. Kumirot ang aking puso dahil gusto kong si Zack ang lalaking iyon pero hindi, si Clinton 'yon, walang duda.

He looks amused while looking at me. I just smiled a bit. He clicked his phone and put it in the table.

"Thank you, Paige. This is so nice of you." he said.

"Hindi ba importante ang tawag na 'yon?" I asked and looked at his phone. He also looked in it.

"The call's done. They can handle the rest because the critical part is over." he smiled to assure me.

"Can I ask you something?" I slowly trailed.

Inalis niya ang kanyang salmin.

"Anything." he motioned me to sit.

I sit in front of him. He is waiting for me to speak while looking at me.

"Are you here that night? I mean on Anthony's birthday?"

He smiled at me widely.

"Yes. I forgot something here so I had a quick visit. I believe we bumped into each other that night?" he asked.

That confirms it. He is the owner of the eyes that stole my attention that night.

Young and MarriedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum