"Titigil?"

Inangat niya 'yung mukha niya at nakita ko ang ngiti niya sa labi, "I'll make you fall for me again as many times as needed."

"C-che! Aalis na ako! Bahala ka!" Iniwanan ko na siya at naghanap ako ng lugar na walang masyadong tao.

I'll make you fall for me again as many times as needed.

Erase! Erase! Wag mong isipin 'yun, Angel! Niloloko ka lang niya!

Kung sasabihin ko sayo ang dahilan, maniniwala ka ba sa'kin?

...dahilan? Ano bang dahilan niya? Diba sabi niya, na-fall out of love siya?

Naguguluhan ako.

Meron pa ba bukod doon?

"Miss, nalaglag yata sa bag mo." May isang lalaking lumapit sa'kin. "Wallet mo yata,"

"W-wallet?" Tinanggap ko at na-confirm kong wallet ko nga. Paano napunta sa bag ko 'to? Hindi kaya...nilagay niya?

Bakit niya binalik?

"Ah t-thank you,"

"You're welcome." Bigla siyang tumitig sa'kin, "W-wait, have we met before? You're very familiar to me."

Tinitigan ko din ng maigi 'yung mukha niya. Mukha ngang nakita ko na siya before. "S-sa...grocery?"

"Ah! Oo! Ikaw nga!" Tuwang-tuwa siya nang ma-realize niyang ako 'yun. Ang babaw ng kaligayahan. "Sayo ko ibinigay 'yung gatas? Tama ba?"

"O-oo,"

"Napansin ko din, sa BRU ka nag-aaral? Pang-business ad kasi 'yang sinusuot mo."

"Oo, ikaw ba?"

"Computer engineering." Wow. "Small world nga naman. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito. By the way, anong pangalan mo?"

"Angel,"

"Angel? Ako nga pala si Rienn."

"Ah okay."

"Kanina ka pa dito?"

"Hindi,"

"Wala kang kasama?"

"Wala,"

"U-uhmm...gano'n ba?" Oo. "Pasensya ka na kung madaldal ako, mukhang wala ka pala sa mood."

"Hindi, ayos lang."

"Mind to share?"

Tumahimik na lang ako. Wala nga ako sa mood eh, bakit ko pa ishe-share sa kanya? Atsaka hindi naman kami close.

"Okay, ako na lang ang magshe-share sayo." Umupo siya sa katapat ko pero sa langit siya nakatingin. "My mother died 3 weeks ago."

W-what?!

"T-teka, bakit nagkukwento ka sa'ki--"

"May sakit siya, cancer sa bato. Hindi na naagapan kaya lumala."

"Rienn, hindi naman--"

"Alam mo bago siya mamatay, hindi namin siya nakitang umiyak." Haay, makikinig na nga lang ako. "Ngumiti pa nga siya at masayang nagpaalam. Natatandaan ko pa nga 'yung sinabi niya. Hindi naman mahalaga kung gaano mo katagal na nakasama ang mga mahal mo sa buhay. Ang importante ay kung paano niyo pinuno ng masasayang memories ang bawat oras at araw na magkasama kayo. Kaya para sa mommy ko, wala siyang paki kahit na maaga siyang mamatay. Ang sa kanya lang, masaya siya kasi bago siya nawala, kasama niya kaming pamilya niya. Hindi tulad ng iba na...namamatay na lang sa ospital pero nasaan ang pamilya nila? Nasa trabaho. Pero 'yung kay mommy, kumpleto kami. Nakikipagtawanan pa siya sa amin. Nung una nga, gustong-gusto kong umiyak pati na rin 'yung kapatid kong babae pero pinigilan niya kami. Dapat daw maging masaya pa kami kasi noong mga panahong wala pa siyang sakit, lagi kaming magkakasama at masaya kaming pamilya. Pinaalala niya din sa'min ng kapatid ko na dapat magdadasal kami palagi at magpapasalamat sa Diyos kasi sobra-sobrang blessings na 'yung naibigay niya sa'min."

Napatulala ako sa kwento niya. Parang hindi kapani-paniwala.

"Mukhang positive thinker ang mommy mo,"

"Kaya nga idol ko siya eh. Ang astig niya kasi. Kakaibang mommy,"

"P-pero bakit mo kinukwento sa'kin 'to? Hindi naman tayo close eh."

"Wala lang, gusto ko lang magkwento. Gusto ko lang i-share sa iba 'yung coolness ng mommy ko. I really adore her that's why gustong-gusto ko siyang ipagmalaki sa iba."

"Kahit kelan...'di ka umiyak? After niyang mawala?"

"Maraming beses na gusto kong umiyak pero hindi ko ginawa. Baka kasi magalit siya sa'kin atsaka inaalala ko lang 'yung mga sinabi niya, okay na ulit ako. Alam ko rin namang nandyan lang lagi siya para sa'min. Hindi niya kami pababayaan."

Nahiya tuloy ako. Walang-wala 'yung problema ko sa kwento niya.

"N-nasaan na ang dad mo?"

"Nasa bahay. Nagtatrabaho siya sa company namin pero marami pa rin siyang oras sa'min. Hindi niya kami nakakalimutan. Akala ko nga eh iiwanan niya na kami mula nang mawala si mommy, pero mas napalapit pa lalo siya sa amin ni Rainee, kapatid kong babae."

"Ang swerte mo sa mga magulang mo, Rienn."

"Oo nga eh. Balang araw, magiging gan'on din ako sa mga anak ko."

Somehow, nawala sa isip ko ng mga oras na iyon si Silver. Napahanga ako sa kwento ni Rienn. Ang swerte niya sa parents niya. Kahit na namatay 'yung nanay niya, still, nakangiti pa rin siya dahil sa mga binitawang salita nito sa kanya.

"Gusto kong kumain ng ice cream. Pwede bang samahan mo ako? Ililibre kita,"

"H-ha? P-pero kagagaling ko lang sa ice cream parlor shop." Pero hindi ko kinain 'yung ice cream.

"Okay lang 'yun. Tara!"

"P-pero--" Baka nandoon pa si Silver.

"Please, pagbigyan mo na ako. Ayoko kasing mag-isa lang, mukha akong tanga." Naawa naman ako sa mukha niya kaya pinagbigyan ko na.

"S-sige na nga, pero saglit lang ah?"

Pagdating namin sa ice cream parlor shop, nakahinga ako nang maluwag dahil wala na si Silver. Napapaisip tuloy ako kung saan siya pumunta pero wala na akong pakialam sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.

Ang Manyak kong Ex-boyfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon