END - ITEM

40.2K 901 60
                                    

END – ITEM

"NATUTULOG pa si Xylee, Dorothy. Matagal siyang nakatulog kagabi." Narinig niya ang boses ng Mama niya pagkababa niya sa hagdanan. Masakit pa rin ang kanyang ulo dahil sa ilang oras na ginugol niya sa pag-iyak.

"Ganoon po ba? Pakibigay nalang kay Xylee ang mga fruits, fresh from the farm pa po ang mga iyan."

"Mga paboritong prutas nga ni Xylee ang mga ito, maraming salamat."

"Napag-utusan lang din po."

Lalapit na sana siya sa ina at kay Dorothy pero sinara na nang mama niya ang pinto. "Gising ka na pala, Xylee. Gusto mong mag-breakfast—mag-lunch na?"

"Sige po, Ma." Napatingin siya sa basket na punong-puno ng prutas.

"Galing dito si Dorothy at pinabibigay ang mga ito sa iyo."

"Mukhang madami, Ma." Sa tingin niya ay mahihirapan silang ubusin ang mga prutas na laman ng basket. "Hindi natin mauubos iyan."

"Huwag kang mag-aalala mauubos natin ito, mahilig din sa prutas ang papa mo." Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kanyang ina.

"Dadalhin natin iyan kay Papa?"

Umiling ang ina. "Ang papa mo ang uuwi dito." Napatingin siya sa ina habang hinahanda ang kanyang kakainin. "Napag-usapan na namin ng papa mo na muling magsama sa iisang bahay."

"Bakit po?"

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganoon pero nakakagulat lang."

"Walang nakakagulat doon Xylee. Matagal na rin kaming nagkaayos ng ama mo at ito na ang tamang panahon na magsama-sama tayong muli. Matatanda na kayo ni Xeleena at malaki ang pagkukulang namin sa inyong dalawa. Hindi naming kayo nabigyan ng perpekto at buong pamilya."

Mahina siyang napabuntong-hininga. "Wala naman po kaming sinasabi na perpektong pamilya ang gusto namin ni Xeleena. At saka kahit na magkahiwalay kayo ng tirahan ni Papa, hindi naman kayo nagkulang sa amin. Napalaki niyo pa rin kami ng maayos."

"Salamat naman at ganoon." Tumitig ang ina niya sa kanya. "Matatanda na kayo Xylee, ilang buwan o taon ay magkakaroon na rin kayo ng sariling pamilya. Si Xeleena ay ganoon din. Kaming dalawa na lang ng ama mo ang maiiwan at habang hindi pa nangyayari iyon ay susulitin na namin na makasama kayong dalawa ng kakambal mo."

"Kung iyon po ang magiging desisyon ninyo ay wala naman akong problema doon. Pero sa tingin ko po Ma, makakasama niyo pa po kami ng matagal ni Xeleena."

"Bakit mo naman nasabi?"

"Wala kaming balak na lumagay sa tahimik."

Tinaasan lang siya ng kilay ng ina at binato ng isang orange na agad niyang nasalo. "Kung pagbabasehan ang mga eyebags mo sa sinabi mo, mukhang hindi kapani-kapaniwala."

"Ma!"

"Kumain ka na diyan at ng makapagpahinga ka ng mas matagal. Itigil mo na iyang kapapanood mo ng mga Asian drama at namamaga na iyang mga mata mo." Makahulugang ani nito. Mukhang may ideya ang ina niya sa pinagdaanan niya, hindi man nito literal na sinabi iyon pero ramdam niya iyon. Sabi nga nila, mothers know best. Ramdam din niya ang suporta nito sa kanya hindi nga lang sila masyadong showy.


"Xylee," Itinigil muna niya ang pagtipa sa laptop at bumaling sa ina.

"Ma, bakit?" busy siya sa pagprint out ng mga ilalagay niya sa kanyang teacher's portfolio na MOV para sa kanilang mid-year RPMS/PPST evaluation. Naka-receive siya ng text mula sa kanilang head teacher kaninang umaga na kailangan nilang ipasa ang MOV's nila. Mabuti nalang at may isang observation na siya kaya kahit papaano ay may laman ang portfolio niya, iyon nga lang pag-check niya kanina sa kanyang IPCRF or Individual Performance Commitment and Review Form ay nasa Satisfactory lang ang rating niya. Kailangan pa niyang i-fill up ang catch up plan at ang validation tool form para bukas ay hindi na siya ngarag.Semestral break na ng mga estudyante nila pero sila ay may INSET or In-Service Training pa.

Black Magic: Teach (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon