2 - Blackboard

27.4K 774 37
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

2 – Blackboard

INI-ENJOY ni Xylee ang masarap na café latte na iniinom niya habang nakatambay sa paborito niyang coffee shop, naka-pwesto sa mismong village nila ang shop at ilang lakad lang ang layo mula sa kanilang bahay.

"Wala ka yata sa school?" untag ni Yumi sa kanya, kausap nito kanina ang may-ari ng coffee shop dahil ito ang regular na nagdedeliver ng mga cakes and pastries doon.

"Next week pa ang pasukan kaya hindi ko kailangang mamalagi doon." Maisip lang niya na sampung buwan siyang mamamalagi sa school at kapag summer naman ay parang kidlat silang ipapatawag dahil sa mga forms ay nag-go-ghost bumps na siya.

"I thought ikinasal mo na ang sarili mo sa trabaho mo." Sumimangot siya dito. Blooming na blooming ang kapitbahay dahil may love life na ito at kapag nakakausap ng nanay niya ang nanay ni Yumi ay palaging nasasali sa usapan nila kung kailan siya magkaka-love life. Lalo pa at pareho silang dalawa ni Xeleena na mukhang walang balak na lumagay sa tahimik.

"Bibilhan ko na ang sarili ko ng engagement ring para legal na akong ikasal sa serbisyong publiko ko." Sakay niya sa biro nito.

"Ikaw naman kasi maghanap ka rin ng ka-inspiration para hindi ka tumandang old maid." Sinamaan lang niya ng tingin si Yumi.

"Matandang dalaga na nga ako hindi ba? I'm twenty-nine already." Napasok na siya sa public school bilang teacher as early as twenty-one years old dahil hindi pa uso ang k-12 noon. Pagkatapos ng isang taong pagtuturo sa private school habang hinihintay ang result ng kanyang board examination ay nag-apply agad siya sa pampublikong paaralan at swerteng nakuha naman siya. Kaya masasabi niyang wala talaga siyang ibang work experience kundi ang pagtuturo at mukhang tatanda na rin siyang teacher.

"Edad mo lang naman ang tumataas ang height mo mukhang walang balak tumangkad." Muli ay tinaasan niya ito ng kilay.

"Huwag kang mang-asar hindi ka rin katangkaran." Irap niya dito na tinawanan lamang nito. "Ganda lang ang meron tayo questionable ang height."

"May boyfriend naman ako."

"I am not searching." Again she sipped her drinks until it drains. Balak pa nga sana niyang namnamin ang sarap ng kape pero naubos na iyon. "Ilibre mo ako ng kape."

"Pagdating ni Howard ililibre kita."

"Magpapalibre ka--."

"Here's my boyfriend." At nang-inggit ang bruha. "Howard, here!" inalog niya ang yelo ng plastic cup at umaasang dumami ang laman ng kanyang baso. Nakatitig lang siya sa kasintahan ni Yumi, halos isang taon na rin mula noong masaksihan nilang lahat ang pagsinta ng dalawa. Noong una ay naiinggit siya at tulad ng ibang normal na babae ay umasa din siyang makakahanap ng kapares, katulad ng blackboard at ng chalk. And then it hits her, na-brainwash na nga pala niya ang sarili niyang huwag umasang magkakalove life pa siya lalo pa at sa trabaho na meron siya.

Black Magic: Teach (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon