4 - Eraser

24.1K 694 24
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

4 – Eraser

MAINGAT na inayos ni Xylee ang mga throw pillows sa sofa ni Darren. Wala siyang nagawa kundi ang tulungan ang lalaki na ayusin ang mga gamit nito dahil kung hindi ay malamang maaaksidente na naman ito. Habang tinutulungan ang lalaki ay saka lang niya na-realized na wala talaga itong alam sa gawaing bahay dahil kahit na mag-lagay ng throw pillow ay nahuhulog pa sa sofa.

Ang mga libro na nakakalat sa sahig ang inasikaso niya, kaunti nalang at matatapos na sila at pwede ng tawaging bahay ang bahay nito. Isusuggest niya mamaya sa bagong kapitbahay na kumuha ng stay-out na kasambahay dahil magiging haunted house ang tahanan nito after three days. She even doubt it kung marunong ba itong magluto o maghugas ng pinggan.

"Hey--." Dahil nagulat sa pagsulpot ni Darren kaya muntik na siyang ma-out balance mula sa kinatatayuang stool habang nag-aarrange ng books sa mini-library. Mabuti nalang at naagapan nito ang muntikan na niyang pagkahulog. "Tinawag mo dapat ako." Anito.

"I forgot." Kumuha ito ng isa pang stool at tumabi sa kanya at ito na ang nag-arrange ng books kung arranged man na maituturing ang ginawa nito. "Darren naman eh. Ginulo mo naman ang mga books." Reklamo niya dito.

"Really? Sa tingin ko maayos ko namang na-arranged ang mga books." Anitong tila proud na proud sa mga libro.

"Ako na nga. Alalayan mo ako." Isa-isa niyang inayos ang mga books at dahil maiiksi ang kanyang mga biyas kaya kailangan niyang magtiptoe. "Alalayan mo kasi ako baka mahulog ako."

"Ah, okay."

Bumaba ito sa stool at maingat na hinawakan ang kanyang beywang. Actually noong una ay parang wala lang sa kanya ang hawak nito, ang sabi nga nila walang malisya pero totoo pala talagang nag-iiba ang timpla ng tao dahil unti-unti niyang nararamdaman ang pagdiin ng mga daliri nito sa mismong balat niya. Kung bakit ba kasi naisipan niyang mag-suot ng maiksing shirt.

"Are you sure you're okay?" napalunok siya at mabilis na inayos ang mga books.

"Okay na, baba na ako." Umikot siya upang makabuwelo ng baba, medyo mataas ang kinatatayuan niya kaya kailangan niyang may makapitan. "Pahawak sandali sa balikat mo—umph!" napatili siya ng buhatin siya nito na parang throw pillow at maingat na naibaba sa sahig.

"Wow, mas mabigat pa ang sofa keysa sa'yo." Anitong nakatingin sa mga palad nito. "Mas mabigat pa ang pamangkin ko." Hindi pa rin ito makapaniwala.

"Che!" irap niya at saka pasimpleng kinuha ang stool upang maiayos niya ang kanyang sarili at ang kanyang wala sa wisyong utak. "May aayusin pa ba dito sa sala?"

"Naayos mo na ang kitchen at ang living room." Napakamot ang lalaki. "Well, there's a place that I can't fix on my own."

"Where?" He sheepishly grin at her before pointing the second floor. "Your room?" sunod-sunod itong tumango.

Black Magic: Teach (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon