5 - Bookshelf

21.8K 620 32
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5 – Book Shelf

INIS na inis si Xylee habang nakatitig sa kailangan niyang textbook na nasa pinakamataas na estante ng shelf. Kanina pa siya paikot-ikot sa bookstore na iyon dahil may kailangan siyang reference book at nang finally ay nakita na niya sa wakas naka-display naman sa lugar na imposibleng maabot ng mga tulad niyang ganda lang ang panlaban.

"Buwisit naman." Lihim na usal niya. Hindi niya pwedeng isigaw ang inis niya sa mundo lalo pa at naka-uniform siya. Hindi siya nagmumura, kapag inis na inis na siya at alam niyang walang nakakarinig ay saka lang niya ginagawa iyon. At saka limitado lamang ang bad words na alam niya dahil na-control na niya iyon simula ng magturo siya at mga bata ang palagi niyang kaharap.

Muli siyang tumingkayad at sinubukang abutin ang libro pero imposible talaga. At nang sa wakas ay sumuko na siya sa pagsubok at naghanap ng attendant na pwedeng hingan ng tulong. Sa kasawiang palad ay busy ang halos lahat ng staff ng bookstore lalo pa at sobrang dami ng mga customers na namimili din ng mga school supplies.

"I need you." Frustrated na sambit niya. Hindi siya pwedeng umuwing luhaan lalo pa at napagod na siya sa kakaikot upang hanapin iyon. "I need to get you." She eyed the book intently. Muli ay lumingon siya at tiningnan kung may makakatulong ba sa kanya kaso wala, walang nalalagi sa lugar na iyon.

"Kailangan ko na talagang kapalan ang mukha ko." Nag-ikot siya sa mga estante hanggang sa may mamataang matangkad na tao na sigurado siyang maabot ang kanyang minimithing libro. "Excuse me, Sir. Can I ask you a favor?" tawag niya ng pansin dito.

Lumingon ang matangkad na lalaki at laking gulat niya ng mapagsino ito. "Xylee." Ang laki ng ngisi ni Darren habang nakatingin sa kanya. "You are here."

"Uh, hi." Bigla yata niyang nakalimutan ang kanyang dila dahil pakiramdam niya ay na-surprise attack siya nito.

"You look troubled." Tila nag-aalalang pansin nito sa kanya.

"I need your help, pwede mo ba akong tulungan?"

"Sure." Nakangiti pa rin ito. Gusto niyang sabunin ang mukha nito hanggang sa mawala ang napakalapad na ngisi ng lalaki. Para kasing hindi siya komportable sa ngiti nito. "What do you want me to do?"

"Sundan mo ako." Mabilis siyang naglakad palayo dito. Gusto niyang magkaroon ng enough space sa pagitan nilang dalawa at naiinis siyang makita ang nakangiti nitong mukha. "Hindi ko maabot, pwede mo bang abutin?" turo niya sa libro na nasa itaas ng estante.

Mas lalo siyang naasar sa mundo dahil walang kahirap-hirap na naabot nito ang kanina pa niyang pinaghihirapang abutin.

"Thanks." Akmang kukunin na niya iyon ng muli nitong itaas ang book. "Darren!"

Black Magic: Teach (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon