8 - Resita

19.7K 635 19
                                    

8 – Resita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

8 – Resita

"XYLEE..." Boses ni Darren iyon. "What happened to you?" binuka niya ang kanyang mga mata at nabungaran niya ang nag-aalalang mukha ng binata. Sa tantiya niya ay kagagaling lang nito sa paglalaro ng basketball dahil sa suot nitong jersey, pawisan din ang lalaki at may hawak na bola. "What are you doing here?"

Pinapahupa niya ang sakit sa kanyang sikmura kaya napaupo siya sa tabi ng daan. "You don't look–."

"Okay lang ako." Aniya dito. "Pinalayas ako ng nanay ko sa bahay." Kumunot ang noo ng lalaki.

"Why?"

Napakamot siya ng ulo. "Nainis siya sa akin." Kahit papaano ay kumalma na yata ang asido sa kanyang sikmura. "Sige, may pupuntahan muna ako." Iniwan niya ang lalaki dahil ayaw niyang maabala pa ito ng dahil sa kanya. Sa tingin naman kasi niya ay hindi life threatening ang kanyang nararamdaman, hindi lang naman isang beses na nangyari sa kanya iyon. Mas malala pa nga iyong una dahil muntik na talaga siyang masugod sa hospital dahil nagsusuka na rin siya.

Habang naglalakad ay narealized niyang medyo naging rude siya kay Darren. Nag-aalala lang naman ito sa kanya pero parang binaliwala niya ang pinakitang pag-aalala nito. Mahina siyang napabuntong-hininga at binalikan ng tingin ang iniwan na lalaki. Wala na ito roon, marahil ay pumasok na ito sa bahay nito. Saka nalang siguro siya hihingi ng paumanhin kapag okay na ang kanyang pakiramdam.

"Makabili nga muna ng krimel-S." hinalukay niya sa kanyang isipan kung may laman pa bang Krimel-S ang kanyang medicine kit para makabili siya ng marami. Naging paboritong gamot na niya iyon, madalas siyang inaatake ng hyperacidity keysa sa lagnat. "Ay juicecolored!" malakas na hiyaw niya ng may tumapik sa kanyang likuran. "Ano ba Darren!? May balak ka bang bigyan ako ng sakit sa puso?" talagang nagulat siya sa biglaang pagsulpot nito.

"I asked your nanay." She rolled her eyes. Kaya pala bigla itong nawala. "And I think she's right." Napasimangot siya sa sinabi nito.

"Yeah, yeah. Ako na ang may mali kaya ako nandito hindi ba?" muling humilab ang tiyan niya kaya napangiwi na naman siya.

"Stay here."

"What? Why?"

"Just stay here, may kukunin lang ako." Mabilis itong nawala sa harapan niya at ilang minuto pa ay lumabas nasa tabi na niya ang sasakyan nito. "Get inside, Xylee." Walang bahid ng biro ang boses nito. He is dead serious.

"Why?"

Malakas itong napabuntong-hininga at lumabas ng kotse upang alalayan siyang pumasok sa kotse nito. "Saan mo ako dadalhin?"

"You need cure."

"Cure? Kakain lang ako diyan sa tabi-tabi tapos ay matutulog and then I'm okay na." He buckled her seatbelt and went back infront the stirring wheel.

Black Magic: Teach (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon