13 - Hangover

25K 623 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

13 – Hang Over

"KUNG may gusto kang sabihin Darren ang mabuti pa ay sabihin mo na ngayon. Ang ayoko sa lahat ay iyong nililito ako dahil sumasakit ang ulo ko." Ikinurap ni Xylee ang kanyang mga mata dahil nagsisimula na iyong manlabo.

"I'm sorry Xylee, I can't."

Letse! Ang sakit na ng ulo niya. "W-why?"

"May gusto akong sabihin pero hindi sa taong alam kong makakalimutan rin kinabukasan."

Sinapo niya ang kanyang ulo, hindi siya nasusuka pero talagang umiikot na ang kanyang paningin. "Xylee... are you okay?"

"I... don't know?"

"You are not okay," firm ang boses nito gaya noong inaatake siya ng kanyang hyperacidity. "I'm drunk." Tuluyang pag-amin niya. Bakit ba ang babae masyadong mataas ang pride? Kanina pa siya sinasabihan ng mga kasama na lasing pero ang tagal niyang tinanggal ang katotohanang iyon. Inabot pa siya ng ganitong sitwasyon.

"Yes you are. Ang mabuti pa ay i-uwi na kita sa inyo." Mabilis siyang umiling na naging dahilan kung bakit mas lalong lumala ang kanyang hilo at sakit sa ulo. "Aww, my head."

"Let me carry you."

"My sister and friends, they are waiting for me. They are dead drunk too." Pilit niyang itinutulak palayo ang lalaki na panay ang hawak sa kanya. "Ano ba Darren? Bitiwan mo nga ako. I need to see them."

"Babalikan natin sila, i-uuwi na namin kayo."

"Namin?"

"I'm with my friends."

Malakas niya itong hinampas, sa palagay niya ay pati mukha nito ay nahahampas na rin niya. Darren already saw her at her worst and she thinks he doesn't mind at all. Naipahiya na niya ang kanyang sarili kaya lulubos-lubusin na rin niya.

"Baka may gawin ang friends mo sa kanila, I can't trust them."

Sinubukan niyang maglakad pero dingding lang nakinabang sa kanyang lakas. Maagap siyang naalalayan nang lalaki.

"Wala silang gagawing masama sa mga kasama mo."

"No! I can't trust anybody. Hindi ko kilala ang mga kaibigan mo."

"Xylee--."

"I'm sorry Darren but I really can't leave my sister and my friends with your friends. Kasama ko sila dito at ayokong basta nalang silang iniiwan. That's so irresponsible." Kahit na lasing siya ay alam pa rin niya ang tama at mali. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Daren at tuluyang pagsuko.

Black Magic: Teach (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon