Chapter 49: I'm Sorry

131K 2.2K 211
                                    


Geneva's POV

Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata. Nanlumo ako nung mapansing nasa hospital na naman ako. Kailan pa ba matatapos 'to?

Napansin kong nag-uusap si Ralph at ang doctor sa gilid pero mahina lang. Naririnig ko naman nang kaunti ang pinag-uusapan nila.

As usual, na-hospital na naman ako dahil sa mababa ang tolerance ko sa stress.

Hindi na ako nagulat dahil buong araw akong umiyak kahapon. Nasobrahan lang nung magtalo kami kagabi. Doon talaga nasagad ang katawan ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang panghihina at ramdam ko rin ang kirot sa puso ko habang nakatitig kay Ralph.

Nagpaalam ang doctor kaya bumaling siya sa direksyon ko at nagulat na makitang gising na ako. Ang gulat na 'yon ay napalitan ng pag-aalala habang papalapit siya sa 'kin.

"How are you feeling?"

Umiwas ako ng tingin. Nakatingin siya sa kisame at nagsalita, "Alam mo ang sagot ko. Hindi naman mababago ng isang gabi lang."

Natahimik siya ng ilang minuto bago ako nakarinig ng malalim na buntonghininga.

"Gen, I'm very sorry."

Ngumiti ako nang mapait. He should have said that before I found out all his lies. Maaalis ba ng sorry niya ang disappointment at sakit na nararamdaman ko ngayon?

"I won't say any promises from now on. I know I have done a lot of damages to you. Just let me make it up to you and give me a chance to make things right."

"Hindi ko alam kung makakaya ko pang makasama ka."

He was silent with what I just said kaya humarap na ako sa kanya para makita ang reaction niya. I expected him to be shocked, and he really was shocked.

"Gen, please don't tell me..." napapailing na sabi niya. He looked scared.

"Kung ano man ang nasa isip mo, tama ka. Gusto kong umalis. Hindi ko kayang makita ka dahil naaalala ko lang ang mga kasinungalingan mo."

Mabilis siyang humawak sa kamay ko saka nakiusap, "Please, Gen. Don't leave—"

"Kailangan, Ralph!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses. "Mahal kita at ayokong mangyari na pag tumagal pa ako ay mapapalitan ang pagmamahal na 'yon ng galit hanggang sa magiging pagkamuhi. Ayoko, Ralph." May luhang pumatak mula sa mga mata ko. "Gusto kong maalala kita bilang isang Ralph na seryoso, mainipin, sweet at lalo na, ang Ralph na minahal ko. Ayokong magbago ang tingin ko sa 'yo. Ayoko..."

"I am begging you..." he begged as he held my hand with both of his hands. "I love you too, Gen. I am serious about you. I didn't want to hurt you. I am so sorry. Please forgive me." His tears fell on my hand.

Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa sarili ko. Kailangan kong maging matatag dahil 'yon ang dapat.

Binawi ko ang kamay ko na hawak niya. "Wag mo na akong pigilan, please. Hayaan mo na ako. Stop giving me a hard time. I suffered enough from you. Lahat kinaya at tiniis ko. But this one was beyond of what I could bear. You have to let me go. Wag mo nang pasamain pa ang loob ko baka magtagal pa ako lalo rito sa hospital nang dahil na naman sa 'yo. I'm sick of being here."

He's still crying. Naiiyak siyang nakatingin sa akin. Ako naman ay seryoso lang. Well, I had to look strong in front of him.

"The moment I step out of this place, I am no longer staying with you. As for Noah, sa akin siya. He can go to your place at any day depends if wala kang work. The rest of the time, sa akin siya."

Umiiling siya bilang sagot pero ni wala akong narinig na salita mula sa kanya.

"Noah needs you, but you need to pull yourself together. I don't want him to grow up seeing you miserable. Mararamdaman niya ang nararamdaman ng ama niya at ayokong maapektuhan siya dahil diyan."

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now