Chapter 9: Meet George

152K 2.5K 64
                                    


Geneva's POV

"First leg pa lang, mukha kanang pagod, Gen. Sana hindi ka muna pumasok if you're still not feeling okay," Cathy said with concern.

Inaayos ko ang mga pagkain sa kitchen area ng plane. International flight to London kasi kami ngayon kaya madaming pagkain ang kailangan i-prepare dahil madami ang passengers namin. Magkasama kami ni Cathy ngayon for five days. Kasi puro intenational flights kami this week at after five days pa kami makauuwi sa Pilipinas.

"Okay lang ako. Wala naman akong sakit."

"Eh bakit ganyan ang mukha mo?" Napailing siya habang nakatingin sa akin. "Hindi pa ba kayo nagkakaayos ng asawa mong ubod ng sungit?"

Alam ni Cathy ang nangyari. Sinabi ko sa kanya lahat. Alam ko naman kasi na kukulitin niya lang din ako dahil sa absent na naman ako. Natural magtataka 'yan kasi hindi naman talaga ako mahilig mag-absent.

Tumigil ako sa ginagawa at napabuntonghininga nang malalim.

Since the day he left the hospital, hindi ko pa siya nakikita. I stayed there for two days at kahapon lang ako nakalabas. I'm sure na wala si Ralph kasi bumabawi 'yon sa na-miss niyang trabaho dahil sa 'kin. Pero pabor sa 'kin na wala siya kasi hindi ko pa kayang harapin siya pagkatapos ng nangyari. Aaminin kong nasaktan ako. Oo at hindi totoong asawa ang turingan namin pero mas masakit pag pinamukha mismo sa 'yo, 'di ba? Ang maliit na chance sa akin na magkakasundo pa kami ay lalong lumiit pa. Pati ang pagtingin ko sa kanya ay gusto kong burahin. Parang wala naman kasing patutunguhan.

Kaya pumasok ako ngayon at tinanggap lahat ng long hours na flight kasi gusto kong magpakalayo-layo muna baka kasi mawala itong nararamdaman ko. Kasalanan ko naman kasi because I invested a feeling for him dahil umaasa talaga ako na this marriage would work out. I should've stopped myself in the first place. Sa umpisa pa lang, may clue nang hindi talaga kami magkakasundo.

"Pagkatapos ng lahat ng sinabi niya, sa tingin mo gusto ko pa siyang makita?"

Lumungkot ang mukha niya. "Sorry, Gen. Ang sarap niyang sakalin. Akala ko hindi siya kagaya ng ibang gwapo at mayayaman na masungit at napakahambog. Pero kagaya niya rin pala sila. Kung pwede lang sana kitang ilayo sa kanya." Niyakap niya ako nang mahigpit. "I don't wanna see you sad again just like when your parents died."

Napangiti ako nang mapait. Cathy has been a good friend to me. Isa siya sa nagpapasaya at nagko-comfort sa 'kin sa mga malulungkot na araw ko. That's why I treasure her so much.

I hugged her back.

"So..." Humiwalay siya ng yakap. "Sabi mo na si Sander pala ang boss natin. Bakit hindi na lang siya ang piliin mo? Single na siya, 'di ba?" Ngumisi siya.

I laughed. "As if naman makapipili ako eh nakatali nga ako sa asungot na 'yon."

"Sa yaman niyang 'yan, kaya niyang magbayad for annulment."

"Hindi ako pakakawalan n'on kasi kailangan niya pa ako. Siguro mangyayari lang 'yon kung nabayaran ko na ang utang nina Papa sa kanya."

Sumimangot siya. "Sayang. Kainis talaga ang Ralph Tan na 'yon!"

Bumalik na kami sa trabaho dahil dumating na ang isa naming kasama at nagsimula na kaming mamigay ng pagkain.

We reached London around midnight kaya dumeretso lang kami sa hotel and then we woke up the next day for another flight to Japan. Then after Japan, we went to Malaysia. Nag-stay kami sa Malaysia for one day kaya nakapamasyal pa kami nang kaunti.

On our flight from Malaysia to Singapore, may mga bago kaming kasama na cabin crew. Hindi ko kabisado ang mga pangalan nila kasi ang iba ay minsan ko lang nakakasama at ang iba ay mga bagong hire siguro.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now