Chapter 13: Leaving Ilocos

139K 2.3K 79
                                    


Geneva's POV

"Mag-ingat kayo sa biyahe. Kainin niyo yung mga pabaon ko pag nagutom kayo sa daan," bilin ni tita sa amin nung paalis na kami.

"Salamat sa lahat, Tita. Mag-ingat din kayo," sabi ko saka hinalikan siya at si Irene.

"Thanks, Tita Irish," sabi ni Ralph dito at niyakap si Tita Irish. Gano'n din ang ginawa kay Irene. "Study hard, kiddo."

Napangiti ako. Mukhang nasasanay na agad siya na yakapin sila. Siya na mismo ang nagkusa ng yakap, eh. Samantalang nung isang araw ay gulat na gulat ito pag niyayakap.

"Sana sa susunod na balik niyo, may bata na kayong dala rito. Sigurado maghahanda ulit ako pag nangyari 'yon," nakangiting sabi ni tita sa akin sabay kindat.

Namula naman ako at hindi na pinansin ang sinabi niya. Gano'n din si Ralph.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Tanging tunog lang ng sasakyan ang naririnig ko at ang music na nasa radio. Wala naman kasi akong sasabihin kaya walang pag-uusapan. Nagsalita lang siya nung nagutom na siya kaya naman inabot ko sa likod ang pagkain na galing kay tita.

"Alin dito ang gusto mo?"

"Anything," sagot nito kaya naman kumuha ako ng abodong manok. "Gusto mo ba ng kanin?"

"Yes, please," sabi nito.

Kaya naman kumuha rin ako ng kanin. "Oh." Sabay abot ko sa kanya ng container na hinanda ko para sa kanya.

"I can't feed myself. I'm driving," sabi nito.

"Eh di ihinto mo muna."

"If I do that, matatagalan tayo. We need to be back home before it gets dark. Can you just feed me for a minute?"

"Sige na nga," sagot ko sa kanya saka kumuha na nung kutsara na may lamang ulam at kanin saka sinubo iyon sa kanya.

Bawat may malaglag na pagkain sa damit niya ay kinukuha ko 'yon. Nagrereklamo pa dahil daw nadudumihan na ang damit niya. Tsk, siya pa ang nagrereklamo eh siya na nga 'tong sinusubuan.

"Tapos na po, kamahalan."

Tumango siya at pinaabot sa akin ang tubig na binuksan ko muna bago binigay sa kanya.

"Thanks," sabi naman nito.

"Pasalamat ka gwapo ka," mahinang sabi ko.

Hindi naman niya pinansin 'yon at nagmaneho lang. Aaminin kong kinilig ako sa pagsubo sa kanya. Ito pala ang feeling na may boyfriend at sinusubuan siya habang nagmamaneho? Kahit naman masungit 'yan sa 'kin ay pwede na. At least na-experience ko ang mga ginagawa ng magkasintahan talaga kahit na ako lang naman ang kinikilig sa ginagawa namin.

Nung makarating kami sa bahay ay sinalubong agad kami ni Jinggay at tinulungang buhatin ang mga gamit na dala namin.

"Sir, nandito po si Leo. Nasa loob na po."

Dumeretso naman agad sa loob si Ralph habang ako ay kinwento pa kay Jinggay ang ginawa namin sa probinsya. Namangha nga siya dahil for the first time raw ay nagbakasyon si Ralph nang walang kinalaman sa negosyo o kaibigan.

Pumasok na kami pagkatapos naming mag-usap. Naabutan ko si Ralph at ang kausap niya na nasa sala.

Tumayo ito nung makita ako saka yumukong bumati sa akin, "Good afternoon po, Ma'am. Ako po si Leo, ang assistant ni Sir Ralph."

Ngumiti ako sa kanya. May itsura rin 'to ah. "Nice to meet you, Leo. Ako nga pala si—"

"Geneva Alarcon. Kilala ko na po kayo, Ma'am," sagot nito na ikinangiti ko na lang at sinakyan ng joke ang sinabi niya.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now