Chapter 2: Mel Vincent

193K 3K 116
                                    

Geneva's POV

Isang linggo na simula nung mapadpad ako sa bahay ni Ralph at isang linggo na rin simula nung nalaman kong kasal na ako sa kanya. Pero sa loob ng isang linggo na iyon ay dalawang beses ko pa lang nakita si Ralph—noong sinabi niyang kasal na kami at noong umagang nagkasabay kaming mag-breakfast. 'Yon lang. Hindi ko na siya nakita ulit after no'n at wala akong idea kung nasaang lupalop siya ngayon. Wala naman akong pwedeng pagtanungan dahil hindi naman alam ni Jinggay kung nasaan ang amo niya.

"Minsan lang nga 'yon umuuwi, Ma'am. Mabuti na lang po at nandito na kayo para naman may kasama ako rito sa bahay ni Sir. Hindi ako masyadong binabagot kasi may kausap na 'ko."

Hindi raw kasi nag-hire ng maraming maids si Ralph dahil wala naman daw masyadong gagawin dito dahil malinis naman ang bahay at hindi naman siya makalat lalo na at minsan lang naman siya nagagawi sa bahay niya. May pinapupunta lang siya galing sa isang company na naglilinis ng buong bahay niya once a week. Si Jinggay lang ang hinire niya para magluto at maglaba para sa kanya. Ayaw rin daw kasi ni Ralph na may maraming tao sa bahay niya. Tanging si Jinggay lang at ang papalit-palit na guard sa gate ang tanging mga tao na nandito sa bahay. Hindi kasi stay-in ang driver niya at paiba-iba rin kasi ang pinadadala ng agency.

"Alam mo nawiwirduhan na talaga ako riyan sa boss mo. Ang weird kasi ng trip niya sa buhay. Gaano ba karami ang negosyo n'on at hindi na umuuwi? O baka naman may ibang babaeng inuuwian 'yon nang hindi mo lang alam?"

Natawa si Jinggay sa sinabi ko. "Nako, Ma'am, sa ilang taon ko rito kay Sir, ni isa ay wala akong nakitang babae na dinala niya rito kundi kayo pa lang. Busy talaga 'yon sa negosyo niya kasi siya ang namamahala ng lahat simula nung namatay yung daddy niya."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Wala na siyang ama?" Tumango si Jinggay bilang sagot. Pareho pala kami.

"Na-heart attack yata ang rinig ko."

Naawa ako bigla sa kanya. Kaya pala siya na ang nag-aasikaso ng lahat. Siguro nahihirapan siya? Gaano kaya kahirap yung trabaho niya? Para naman siyang naghihirap kung kumayod. Gaano kaya kalaki ang business niya? Sa laki ng bahay niya baka malaki rin ang negosyo niya.

Day off ko ngayon kaya inabala ko ang sarili ko sa pagluto. Nagluto ako ng ulam na kakainin namin ni Jinggay para sa lunch habang nanonood kami ng TV sa kusina. May TV kasi sa kusina kaya rito kami kumakain lagi.

Tumatawa kaming dalawa sa pinanonood naming comedy movie nung may biglang humarang sa harapan ko kaya natakpan yung TV.

Nagtataka akong umangat ng tingin at nabigla ako nung nakita ko kung sino ang nasa harapan ko.

"R-Ralph. Nandito ka na pala?"

Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay iba ang sinagot niya. "Prepare for tonight. We have a party to attend to. Dress presentably," sabi niya sa akin at agad umalis palabas ng kusina.

Napatingin ako kay Jinggay na nagkibit-balikat lang sa akin. Gano'n din ang ginawa ko saka binalik ang pansin sa pinanonood namin.

Nung mag-alas quatro na ng hapon ay naligo na ako at naghanap ng maisusuot sa party na sinasabi niyang dadaluhan daw namin. Pinili ko yung black na dress na hanggang tuhod ang haba. Hinayaan kong lumugay ang mahaba at wavy na buhok ko.

Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos. Hindi ko alam pero unang hinanap ng mga mata ko pagkababa ko ay si Ralph pero hindi ko siya nakita.

"Wow! Ang ganda-ganda niyo po. Mukha kayong model!" manghang sabi ni Jinggay.

"Salamat." Napangiti na lang ako. "Nasaan si Ralph?"

"Ay umalis na po kanina pa. Pero nandito na po yung driver na maghahatid sa inyo sa venue, Ma'am. Doon na lang daw po kayo magkita ni Sir."

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMWhere stories live. Discover now