Bonus Chapter

35K 793 217
                                    


Jinggay's POV

Sobrang saya ko ngayong araw dahil day off ko! Sino ba naman ang hindi matutuwa eh ilang linggo na akong walang day off dahil sa laging busy ang mga boss ko sa trabaho? Dati ang dali lang mag-request ng day off pero ngayon iba na kasi nandiyan na si Genoah. Ako ang nag-aalaga sa kanya lalo na pag wala sina Ma'am Geneva at Sir Ralph.

Kaya deserve ng beauty ko ang magpahinga today. Lalo na at meron akong textmate na kikitain.

Napahagikgik ako dahil sa kilig sa isipang makikita ko na rin sa wakas ang lalaking dalawang buwan ko nang ka-textmate. Kaya kailangan maganda ako mamaya pag nagkita kami para hindi naman masayang ang effort niya na makipagkita sa 'kin.

Pakanta-kanta ako habang naliligo pati sa paglalagay ng lotion, pagbihis at pagsuklay ng buhok ko. Naglagay ako ng kaunting lipstick na bigay sa 'kin ni Ma'am Gen. Kaunting-kaunti lang talaga ang nilagay ko sa isang banda at kinalat na lang ito sa buong labi ko. Ayoko kasing maubos agad dahil imported pa naman ito. Binili raw 'to ni ma'am nung may flight siya sa UK.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mukha ko, sinuot ko na ang sandals ko na ako mismo ang bumili sa UK.

Oh 'di ba, parehong galing UK ang mga suot ko. Ang kinaibahan lang, ang isa ay imported at ang isa naman ay local. Siyempre ang isa galing United Kingdom at ang isa naman ay galing Ukay-Ukay.

Paglabas ko ng kwarto ko ay dumeretso ako sa kusina para uminom muna ng tubig bago magpaalam.

Hinanap ko agad si sir nung matapos akong uminom.

Nakita ko siya sa office room niya rito sa baba pero may kausap pa siya sa cellphone kaya hindi muna ako nagsalita. Patatapusin ko muna siya sa kausap niya.

"Jayyyy!"

Napatingin ako sa maliit na bubwit na nandito pala sa loob ng office. Hindi ko siya nakita agad dahil natakpan ito ng desk ni sir. Ngayon nakita ko na siya dahil lumabas na siya ro'n sa ilalim ng desk.

Naglalakad na siya pero hindi pa gaano kagaling. Isang taon pa lang kasi siya. Kailan lang siya natutong maglakad nang sarili niya.

Nilapitan ko siya at nung nasa harapan ko na siya ay napa-squat ako para magka-level kami nang kaunti.

"Tawag mo si ate?" tanong ko sa kanya.

"Ghdksbdjdld Jayy!"

Hindi ko maintindihan ang sinabi niya basta ang alam ko lang ay sinabi niya ang pangalan ko. 'Jay' kasi ang tawag niya sa akin dahil hindi niya masabi-sabi ang buo kong pangalan. Bulol pa kasi siya magsalita.

"Ang cute-cute mo talaga! Pa-kiss nga!" sabi ko saka pinanggigilan na hinalikan siya sa mataba niyang pisngi. Ang taba ng pisngi kasi nito lalo na lagi itong pinipiga ng mommy niya.

Tumawa naman siya sa ginawa ko.

Akmang magpapakarga ito sa akin dahil nilahad niya ang mga kamay niya pero napailing ako. "Op op op! Hindi pwede, baby. Magugusot ang damit ni ate. Meron pa kasi akong date kaya hindi kita makakarga. Doon ka na lang sa daddy mo magpakarga, okay?"

Hindi niya naiintindihan ang sinabi ko kaya pilit pa rin siyang nagpapakarga sa 'kin.

"Ay nako, Noah. Hindi nga pwede. Baka magmukha akong pangit mamaya sa date ko," saway ko sa kanya at pinisil nang slight ang pisngi niya.

"Jinggay."

Napatingin ako kay sir na tinawag ako. Tapos na pala siyang makipag-usap sa phone.

"Wait lang, baby. Kakausapin ko lang ang pogi mong daddy," sabi ko kay Noah.

"Sir," tawag ko saka tumayo na para harapin siya.

Tiningnan niya ang ayos ko. Nakita ko pang napakunot ang noo niya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum