Grand Winner

51 5 3
                                    

thislioness' Blood Sisters

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

thislioness' Blood Sisters

thislioness' Blood Sisters

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Judge 1

Out of 12 entries, sa iyo ang pinakanagustuhan ko. Hindi ko talaga bet ang mga gory books at movies pero kineri naman ng powers ko na matapos basahin ang entry mo. What I like about it ay 'yong twist. Kasi #jungshookt talaga ako. Medyo nalito pa ako kung nabuhay ba ang sister niya despite sa ginawa niya noon (kasi imposibleng may mabubuhay pa sa ginawa niya) or sinapian ng sister niya si Cynthia. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko.

Kailangan mo lang maging maingat sa tenses mo. Magaling ka sa English because you narrated it well. Hindi lang talaga maiiwasan ang mga error. Overall, mas mahalaga ang naging flow ng story. Keep on writing and please share your works more to the wattpad world. Mukhang hindi ka masyadong active. Congrats! 😁

Judge 2

Honestly, hindi talaga ako mahilig magbasa ng one shots, mas gusto kong nagbabasa ng mahahabang novel o makakapal na mystery/thriller na libro kasi kumpleto mong mababasa in details lahat ng ways of killings pati ang excitement at thril as the story unfolds.

But this story is one of those that needed to be discovered. One shot lang siya pero matapos kong basahin ang buong entry, nakuntento ako. Isa ito sa mga hinahanap ko sa isang MT genre. Iyong anticipation, iyong feeling na kuntento ka na sa ending pero gusto mo pang magpatuloy ang kuwento kasi alam mong may puwede pang mangyari.

Gusto ko yung twist dun sa part na akala ni Jessa Pern, ang abusive mother superior pa rin nila ang mini-murder niya. Habang dinidetalye niya kay Cynthia ang nangyari, ang ginawa niya 10 years ago, naiimagine ko talaga ang isang mentally illed na pasyente na parang normal lang ang pag-akto.

Hindi ko alam kung saang parte nag-take over ang kaluluwa ng kambal niya sa katawan ni Cyntha pero nagustuhan ko ang ending. Tamang katapuan at tamang nabitin ka lang.

On the technical part, madali na lang namang maayos yun eh, dialogue at action tags, grammar at verb tenses na lang naman ang kailangang ayusin.

Sa execution at narration, okay na siya para sa akin. So iyon lang. Salamat.

Judge 3

The story was about two sisters who grew up in the orphanage.

I like the character of Jennifer, she was strong and loving in her own mysterious ways. The first thing that came to my mind when Cynthia mentioned about hallucination was uh okay, there was something happened in her past.

Ang pina-intense na scene para sa akin ay yung flashback doon sa scene na masyado gory. Maganda ang pagkaka-insert ng flashback sa story at nagustuhan ko rin ang twist.

Siguro ang weak side ng story na ito ay ang emotions lalong-lalo na fashback but then Jennifer was mentally unstable. Sa technicalities naman. Maraming typos at grammatical error din. Papalit-palit din ng tenses at hindi tamang paggamit ng dialogue at action tags, but the good thing is madaling i-edit.

Bakit ito ang nanalong entry para sakin? Dahil sa tema. Intense at perfect entry para sa Halloween. Kung makikita ko ito sa bookstore as novel, bibilhin ko talaga.

Judge 4

Sa umpisa, I felt that this is like those typical psycho thriller stories na nabasa ko na pero habang tinutuloy ko ito at unti-unting nare-reveal 'yong mga nangyayari at nangyari noon sa magkapatid, that caught my attention. Gusto ko 'yong part na pinakita pareho 'yong point of view ni Jessa at Cynthia, pati na rin iyong mga flashbacks which made Jess' POV even more interesting, nandoon iyong mapapaisip ka kasi and dami niyang pinagdaanan that resulted to where and what she is during her interview. Sobrang brutal ng pagkaka-imagine ko sa isang ito, hindi ko maisip kung gaano kalaki ang naging epekto sa kanya ng lahat ng nangyayari noong nasa ampunan pa lang sila, the fact that she enjoyed murdering that person whom she thought was mother superior at para mag-hallucinate siya and end up liking what she is doing, she must've gone mad bigtime!

'Yong twist sa dulo, iyon talaga iyong hinintay ko. The moment na mapunta ako sa part where the flashbacks are getting clearer at na nai-imagine ko what really happened that faithful day, napaisip ako sa mga posibleng mangyari.

I know na mahirap gawin ang ganitong genre at hindi lahat ng readers makukuha agad ang message lalo na kung may lito factor, careful lang din siguro sa part na iyon at kung ipo-pursue mo ang ganitong manner ng pagsulat, kailangan malinaw sa readers kung saan papunta ang kwento mo. May particular na scene na kinailangan ko pang balikan, that is the scene na unti-unti ay nire-reveal na kung anong nangyari sa kambal sa ampunan. Kinailangan ko pang ulitin na basahin kasi parang nawala ako sa parteng iyon, siguro nakulangan lang sa execution at masyado na rin bumilis sa bandang dulo kaya nabitin ako.

But overall ay namam natuwa ako. 😊

Congrats!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now