FAQ

98 9 5
                                    

🔴 Puwede po ba ang ibang genre pero nakakatakot din naman? Nakakatakot po magmahal, ganoon?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


🔴 Puwede po ba ang ibang genre pero nakakatakot din naman? Nakakatakot po magmahal, ganoon?

➖Horror/Thriller lang. Kung natatakot ka magmahal, manakit ka na lang. Charot. Okay lang may sub-genre basta nandoon pa rin ang theme.

🔴 Wala po akong MS Word or kahit e-mail add man lang.

➖Malinaw naman po ang rules. Hindi ka makakasali kung ganoon. *smh*

🔴 Sobra po ng one word sa 2.5k words limit ang entry ko. Okay lang po ba iyon? Mas okay na po iyong sobra kaysa kulang.

➖HINDI. Mas okay 'yong nagbabasa at nasunod sa rules.

🔴 Paano po namin malalaman kung eligible ba ang mga judges na mag-judge kung hindi namin sila kilala?

➖Rest assured na bubusisiin nila ng mabuti ang mga entry ninyo. Lima po ang kinuha namin para naman maging galing sa iba't ibang POV ang score ninyo.

🔴 Bakit 'yong mananalo lang po ang may feedback? Hindi po ba puwedeng sa lahat?

➖Pasensya na po pero hindi kaya ng powers na lahat ay bigyan ng feedback.

🔴 Puwede po bang gawa ng iba ang isali ko?

➖Hindi po. Ito po ay contest para ipakita ang sariling talent sa pagsusulat. Maging fair po tayo sa mga honest contestants.

🔴  Bakit po under ng 70%, 100% ang total? Sobra po ng 30%.

➖Iyon po ang criteria para sa judges. Buong 100% po para sa nilalaman ng inyong akda. Halimbawa ng scoring:

45% Relevance to the theme

18% Originality

10% Form

7% Impact

Total of 80%

Dahil 70% lamang ang bahagi ng score mula sa judges, 70% lamang ng 80% (which is 56%) ang score na kukunin. 

56% Score from Judges

20% Votes

10% Feedback from readers

Final Score: 86%

🔴 Wala po akong book. Sumali lang po ako kasi hanggang one shot lang ang kaya ko isulat. Paano po ang prize noon?

➖We will require you to choose your favorite UNDISCOVERED book. Iyon na lamang po ang ifi-feature namin kasama ang entry mo na nanalo. Okay ba 'yon?

🔴 Naka-postpaid po ako. Paano po 'yong prize na load?

➖I-donate mo po sa alam mong walang load. Kung wala talaga at lahat ng kilala mo ay mayaman, sa Admin na lamang po. 😅

🔴 Bakit po lahat ng sumali required mag-vote sa chosen book ng mananalo?

➖Iyon po ang pinakamadaling gawin lahat ng contestants. Kung ayaw ninyo po at tatakbuhan ninyo ang nanalo, okay lang po. Hahabulin naman po kayo ng konsensya.

🔴 Kapag hindi po marunong mag-judge 'yong mga judges at hindi deserving ang nanalo, puwede magreklamo?

➖PUWEDE. Limang mga judges ang kakausapin mo ng sabay-sabay.

🔥 Kung may iba pa pong katanungan, i-comment lang po sa pahinang ito.

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon