Entry No. 11

131 14 23
                                    

The Killing Booth

jag199X

Dahil malapit na ang Halloween, napagpasiyahan ng school namin na magkaroon kami ng program. May mga gumawa ng kani-kaniyang booth. Kaya heto kami, gusto raw nila i-try itong Horror Booth.

Nakakapagtaka lang dahil sa likod pa talaga ng school sila nag lagay ng booth. Take note, sa gitna ng gubat.

Siguro para maiba naman.

"Sure ba talaga kayong gusto niyong pumasok dyan?" Tanong ni Falcon na kanina pa nakatulala sa malaki at nakakatakot na booth sa aming harapan.

"Napaka duwag mo talaga!" Sambit ni Felix sabay suntok sa braso niyon.

Nag tawanan naman sila.

"Chill bro, walang kakain sa'yo sa loob." Tatawa tawang tugon ni Miguel.

"Hindi sa natatakot ako mga 'tol, pero parang may kakaiba akong nararamdaman dyan eh," sagot ni Falcon na seryosong seryoso.

Napailing na lamang tropa.

Tinitigan ko si Falcon at napagpasyahang dumikit sa kaniya.

Hinawakan ko siya sa kamay. "Ako ang bahala sa'yo," sabi ko na ikinagulat niya.

Dali-dali niyang inalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kaniyang kamay. "Umayos ka nga, Porsha!" Singhal niya.

Napairap na lamang ako at ibinalik ang kamay sa aking bulsa.

Ewan ko ba dito kay Falcon kung bakit sa dinamirami ng babaeng nai-date niya, e, hindi na lang ako?

Kani-kaniyang partner pa naman ang tropa. Si Felix ay kanina pang nililingkis ang kaniyang girlfriend na si Tanya habang si Desirae naman at ang soon-to-be nobyo na si Miguel ay kanina pang nagbabangayan, parang aso't pusa, pero alam ko namang in love sa isa't-isa.

Habang ako...

Hindi ko alam kung may ka-date ba ako, alam ko namang napilitan lang na sumama itong si Falcon samin dahil tinakot sya ng tropa. Iu-unfriend siya o ide-date ang mga chix niya? Nakakatuwa pa rin dahil inuna niya kaming tropa niya. Ka-touch!

Inaantay na naming bumukas ang malaking gate.

"Wag ka ngang dumikit ng dumikit sakin," sambit ni Falcon saka itinulak ako ng bahagya.

Nginisian ko lamang sya. Ang arte talaga! Baka nga naman kasi may makakitang chix.

Tinignan ko ang mga kasabay naming papasok sa loob, baka naman nandito ang isa sa mga chix niya.

Napansin kong kaunti lang kami, sa palagay ko ay mga 15 lamang.

Napatigil ako sa pag tanaw sa paligid no'ng makita ko ang papalapit na si Kalmin, pangalawa sa founder ng gang na kinabibilangan ko.

"Kamusta?" Tanong niya sa akin, sabay ngisi naman nung makita ang katabi kong si Falcon.

"Kamusta, Falcon?" Tanong niya do'n.

Napanganga lamang si Falcon nang makita sya sabay tingin sa akin at saka umalis sa tabi ko, kaya napatingin na rin ang tropa sa akin.

Sumenyas ako sa kanila na 'wala akong alam sa pag dating ni Kalmin' kaya tumango na lamang sila.

Ibinalik ko ang aking atensyon kay Kalmin.
"Anong ginagawa mo dito?! Nangako kang hindi mo ko guguluhin ngayong araw, diba?" Tanong ko sa kaniya dahil ayoko ng gulo ngayong ayos na ulit kaming magkakaibigan.

Nginisian niya naman ako.

"Relax, balita ko kasi maganda raw ang Horror Booth. Gusto ko lang subukan," wala akong tiwala sa kaniya.

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant