Entry No. 10

88 3 0
                                    

Walang Hanggan

Yosehaa


"Ano nangyari dito?" saad ng isang miyembro ng pulisya na kakarating lamang sa pinangyarihan ng krimen.

"Natagpuan nalang daw nila tong mga kasama nilang patay at wala ni isang kahinahinalang tao ang nahagip sa CCTV." sagot nito, "Pero natagpuan namin itong isang liham sa tabi ng isa nilang kasama na sa pagkakatanda ko ay Jason ang pangalan."

Iniabot naman niya ito sa kasama, kinuha niya ito at bahagyang lumayo sa pinangyarihan ng krimen.

"Ang anak ko, Asan ang anak ko, Si Jayson!?" hiyaw ng isang matandang babae at nagmamadali itong lumapit ngunit agad ito hinarang ng mga pulisya. "Bakit niyo ako hinaharangan?! Anak ko ba iyan, Iyan ba si Jason, asan ang anak ko?! Ilabas ninyo siya!" matapos non ay napaupo ito at humagugol.

"Ilayo ninyo muna siya dito. Kayong mga chismosa at chismoso, umalis muna kayo dito dahil hindi naman kayo nakakatulong." maawtoridad na utos ng isang miyembro ng pulisya. Umalis naman ang mga ito at muling bumalik sa kanilang kanya kanyang gawain.

"Ang anak ko, asan siya? Pakiusap, ilabas ninyo siya." pagmamakaawa nito at hinawakan niya ang magkabilang damit ng pulisya sa balikat. "Ilabas ninyo siya!"

"Humihingi kami ng kapatawaran sa pagkamatay ng inyong anak. Nakita ng kasamahan namin ang isang sulat sa tabi ng inyong anak at marahil ay ang sulat na ito ay may mahalagang mensahe na nais iparating." Iniabot niya ito sa ale, tiningnan niya mula ng matagal ang pulis bago niya kunin ang sulat. Sobrang labag man sa loob niya kunin ang liham na ito ngunit wala siyang magawa. Hindi niya lubos matanggap na ang nagiisang anak niya ay ngayong wala na.

Umupo siya at marahang binuksan ang sulat. Hinahanda niya ang kanyang sarili sa posibleng laman nito. Napapikit ito at sinimulan na basahin ang unang pangungusap.

Ang lihim na ito ay ginawa ko sa aking pinakamamahal na si Jason at ang aking ina na si Felicita

Mahal kong Jason,

Jason, mahal ko. Naaalala mo pa ba nung una tayong magkakilala? Nagulat ka at akala mo non patay na ako dahil sobrang putla ng mukha ko pero ang totoo ay ito na talaga ang totoo kong kulay.

Palagi kasi nila ako kinukulong sa puting kwarto, kaya hindi nako naarawan at palagi nila akong pinipilit painumin ng gamot.

Tanging ikaw lang ang naglakas loob samahan akong lumabas at magpahangin. Sobrang saya ko non habang tinititigan ko iyong mga magaganda ngiti, ang paghawi mo sa iyong buhok habang tinatangay ito ng hangin. Hindi din ako makapaniwala na sa kay tagal tagal na panahon ay kasama na kita at araw araw na kita makikita.

Jason, mahal ko. Naaalala mo pa ba yung sinabi mo sakin na hindi mo ko iiwanan, na dito ka lang palagi sa tabi ko?

Sobrang saya ko non dahil sa wakas may taong handang manatili sa tabi ko kahit na ilang tao na ang napatay ko sa panaginip ko, Oo. Mayroon akong kakaibang kapangyarihan na kung kaya kong pumatay ng tao sa panaginip ko at dahil hindi ko ito masyadong makontrol, pinapainom nila ako ng gamot upang hindi ako makatulog.

At simula non palagi na kitang pinagmamasdan habang nakaratay ako dito sa kama at pinagsisilbihan mo ako.

Madalas kong sabihin sayo na inaantok nako ngunit ang tanging sagot mo lamang ay inumin ko iyong gamot ko, at magiging ayos lang ang lahat. Kung alam mo lang, mahal ko.

Gusto nang pumikit ang mga mata ko ngunit patuloy ko pa din ito pinipilit buksan dahil gusto ko makita ang mukha mo. Gusto ko maramdaman ang paghawak mo saking balat habang tinuturukan mo ako ng injeksyon, gusto kong sinasagot ang mga bawat itinatanong mo sakin, kung ayos lang ba ako, ano nararamdaman ko?

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now