Entry No. 04

74 2 2
                                    

Damit Ni Anna

Dragonshid

Hindi pala porket kilala mo na, ligtas ka.

Last year, January 13, 2017. Biyernes ng hapon.

Kasama ko si Anna. Matalik kong kaibigan.

"Sumama ka mamaya sa'kin best sa bahay ha. May hinanda kasi ang mga magulang ko darating na pista bukas. After natin dito sa trabaho doon na ang punta natin. At doon ka na din matulog para kinabukasan sabay tayong sisimba."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses na niya sinasabi iyon.

"Hay naku. Wala nga akong extrang damit, na dala. Akala ko naman kasi wala kayong handa." sabi ko.

Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko ng sinabi sa kanya. Siya si Anna. Ang kaisa-isa kong kaibigan na natira hanggang sa magkatrabaho na kami.

Hindi ko naman matanggihan si Anna dahil iyon daw ang makakapag paligaya sa kanya kapag sumama ako sa kanya. Siguro nung nakaraang taon pa niya ako niyaya na sumama. Advance kasi mag isip ang Anna na iyon.

"Meron akong damit na kasya sa'yo. Sige na please?" aniya at pinulupot ang kamay sa braso ko. At dahil kaibigan ko siya wala na akong magagawa pa kundi pumayag. Pagbibigyan ko iyan ngayon dahil nangako rin kasi ako na sasama ako sa kanya. Sunod-sunod naman ang tango ko bilang sagot.

"Siguraduhin mo best masasarap ang mga ulam na inihanda ng mga magulang mo. Kasi 'diba sabi mo masarap sila magluto?"

Tumango siya. "Ay grabi ka naman! Pagkain kaagad ang nasa isip mo." aniya bago lumingon sakin at ngumiti.

Ang ganda talaga nitong Anna na ito. Mas maganda pa sakin, eh. Artistahin ang ganda niya. Gandang pilipina. Naiinggit nga ako sa kanya lalo na sa balat niyang kumikinang sa ganda. Morena.

"Parang hindi mo ako kilala." Natatawa kong sinabi sa kanya. "Kahit ganito ang katawan ko matakaw ako!"

Simula nu'n hindi na siya sumagot o umimik pa at pinagpatuloy ang mga paper works na pinapagawa samin.

Kinahapunan pagkatapos ng trabaho inayos na naming ang mga gamit na dadalhin naming dahil mahigit isang oras ang biyahe bago kami nakarating sa bayan ng Muzan.

Habang nasa biyahe kami panay ang picture naming dalawa. Masaya talaga bumiyahe kapag magaan kasama ang kasama mo. Ilang minute ang lumipas may natatanaw na akong mga bandaritas at mga nagsasayahang tao na naglalaro sa plaza. Malayo talaga ang lugar nina Anna sa siyudad.

Lubak-lubak na daan at malalaking puno ng kahoy na lang ang nakikita ko at may pa-ilan-ilang sasakyan ang nakakasalubong namin sa daan at halos lahat ng iyon may kalumaan.

Tahimik pero parang nakakatakot. Kita ko na rin ang buwan na nakatago pa mula sa likod ng bundok. Pagabi na! Tinago ko ang kaba sa isang malapad na ngiti na nilingon si Anna. Hindi ko pwedeng ipahalata na natatakot ako.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman ko sa ngayon.

Bumaba na kami. Nakarating na kami. Lutang talaga ako ngayon. 'Yung utak ko lumilipad sa nakakatakot na pag iisip ng kung anu-ano, pero ang katawan ko nakatayo sa makakapal na realidad. Realidad ng isang lumang kwento.

Napatalon ako sa gulat nang may kumulbit sa balikat ko. Si Anna pala.

Diyos ko ang pawis ko hindi basta-basta. Sana kung takot lang din naman pala ang makakapag papawis sa'kin ng ganito, edi sana hindi na lang ako nagpapayat sa gym ng ilang taon at tinakot ko na lang ang sarili ko nun!

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now