2nd Runner-Up

49 3 8
                                    

jag199X's The Killing Booth

jag199X's The Killing Booth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Judge 1

Napagod ako sa entry mo. Hindi ko talaga gusto ang feeling nang nata-trapped. Hindi ako makahinga. Lol. Kung ako ang nasa kalagayan nila, hindi na ako papasok doon. HAHAHAHA. Anak ng kabibeng eskuwelahan iyan. 😁

Sa lahat ng entries, ito ang pinakamaaksyon para sa akin. Although medyo nakukulangan pa rin ako ng bahagya sa intensity ng eksena, inisip ko na lang na limited kasi ang word count. At pinakita mo talaga na may isang lalakeng handang ibuwis ang buhay niya para sa taong minamahal niya. Nagwelga na naman ang mga bitter sa paligid. HAHAHA.

Congrats! 😂

Judge 2

Pinatunayan ng kuwento na ito na hindi ka dapat nanghuhusga ng isang tao base sa kung ano lang ang ipinapakita nito sa'yo, na hindi lahat ng nakikita mo ay totoo at hindi lahat ng hindi mo nakikita ay hindi puwedeng makapanakit sa'yo.

May pagka teenfic vibes o young adult ang umpisa ng kuwento na sa tingin ko kung hindi lang ito one shot ay baka magkaroon pa ng kaunting romance habang tumatgal ang kuwento.

Anyway, nakapanghinayang na namatay agad si Kalmin nang hindi man lang nila nalalaman kung sino ang mastermind sa Killing spree na iyon nadapat ay larong katatakutan lang.

Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging role niya sa kuwento. Medyo nakulangan lang ako sa ibang details kasi may mga naitawang charactrers e gaya ni Falcon. Nasaan na siya? Siguro dahil as limited din naman ang word count kaya hindi nabigyan ang lahat ng pagkakataon para sa character build up.

Sa teknikal na parte naman, nakita kong maalam na sa basic gaya ng paggamit ng tags ang writer. Ang napasin ko lang din talaga ay ang sobrang paggamit ng interrobang na puwede namang idaan sa narration. Nonetheless ay maayos namang nailahd ang kuwento. Salamat.

Judge 3

This story was all about a Horror Booth in the school then turned to be a game with a real killing scenario.

I found this story a teen fiction/ Mystery Thriller. Maganda ang plot at mas gaganda ito kung may kaunting descriptions sa scene to make the story more intense kase ang napansin ko ay telling ang narration, though may element of thrill naman pero parang mapapa-Argh kase alam mo yung feeling ng disappointment kasi bitin sa details.

And what happened to Falcon?

Ang weak point ng story ay 'yon nga sa narration. Sa punctuations lalo na sa interrobang na puwede naman idaan sa narration to make it more effective. Feeling ko minadali ng writer ang pagsulat ng story nito. Kung nabigyan ng oras this story would win. Honestly, maganda ang plot.

Judge 4

One of the best example of a game gone terribly wrong. Sa umpisa aakalain mo na napakasimple lang ng plot at na common siya pero what really got me is the feels habang binabasa ko ito. Nai-imagine ko na kasama ako ng mga characters at nakikita ko ang mga nangyayari at ginagawa nila o ang ginagawa sa kanila. I am not into gore scenes kahit sa movies pero dahil naramdaman kong swak siya sa tema, natuwa naman ako habang binabasa ko ito.

May mga off lang sa akin na mga scenes na sa tingin ko eh hindi naman na kailangan pa, nabagalan ako sa unang part tapos nabilisan naman ako masyado sa huli. Mas okay rin siguro kung medyo hinabaan iyong exposure ni Kalmin at hindi siya agad na-deads. Parang may build up ng scenes noong na part na nakita niya si main MC pero noong bigla siyang namatay, nawala iyong momentum ko. 😂

May mga need i-edit sa narration like yung mga reactions and expressions na pwede namang isama sa narration pero manageable naman at kayang-kaya i-edit.

Thanks and Congrats. 😊

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now