Entry No. 02

115 6 10
                                    

KAHAPON AT BUKAS

AngLalakingHumayo

Pauwi ka na galing sa shelter na tinuluyan mo ng ilang taon. Ramdam mong kanina pa siya umaaligid. Hindi na ito bago sa iyo dahil lagi siyang nariyan at tila 'di ka pinapatahimik.

Mahigit kalahating oras ang binyahe mo. Alas jis na ng gabi ng makarating ka sa iyong dating tinitirhan. Alam mo sa sarili mong hindi niya inaalis ang paningin sa iyo, binabantayan ka niya, minamatyagan niya ang bawat kilos mo. Inayos mo muna ang pagkakapusod ng buhok mo na humaba na sa loob ng ilang taon mo sa shelter bago ka tuluyang pumasok sa bahay, bahay na naging saksi ng lahat ng kababuyan ng iyong ama.

Sandali ka munang nagawi sa kusina at uminom ng ibinigay na gamot sa iyo. Nakita mo ang isang kutsilyo na ibinulsa mo, "Para sa proteksyon" bulong mo sa sarili.

Lagi kang balisa pero ngayong mga nakaraang araw, mas lumala pa. Halos lumuwa na ang mga mata mo, masyado ka ng nangangayat at nawala na ang iniingatan mong body shape, namumutla na rin ang balat mo at parang naghahabol ka sa hininga. Tila pababalikin ka ulit sa shelter dahil sa pagbalik ng sakit mo.

Sinulyapan mo ang lalaking laging nakatingin sa iyo at napansin mo na namang nababalot ng kadiliman ang kanyang mukha. Heto at tumutulo na naman ang dugo mula sa kanyang kaliwang dibdib na senyales ng pagturok ng matalim na bagay sa kanyang puso. Hawak niya pa rin sa kaliwang kamay ang isang bote ng alak.

Hindi ka na natakot sa nasaksihan mo na para bang sanay ka na sa ilang taon niyang pagsubaybay sa iyo, kahit pa man nasa shelter ka pa. Ngayon ay bente-singko anyos ka na at sampung taon ka na niyang binabantayan, ika nga'y road to forever na, pero hindi ngayon ang oras ng biruan. Oo, hindi ka niya iniwan at parang balak pang maghiganti sa iyo na dapat ikaw ang gumagawa sa kaniya.

Pumanaog ka sa iyong silid na naluma na rin sa pagdaan ng panahon, diretso mong ibinagsak ang sarili sa malambot mong higaan. Dahan-dahan din namang nagngitngit ang nilock mong pinto na parang tunog pang-horror pa. Naramdaman mong kahit sa kwarto ay sinundan ka niya, gaya ng nakagawian din niyang gawin sa shelter.

Inayos mo ang mini skirt mo at tuluyan nang isinara ang iyong mga mata. Akala mo ay matatakasan mo na siya pero hindi. Rinig na rinig mo ang nakakakilabot niyang halakhak na tila galing pa sa ilalim ng lupa. Bilugan ang kanyang boses na nagdudulot ng pagtaas ng balahibo mo. Parang sinasabi nitong, "Evangeline hindi ka makakatakas sa akin!" pagkatapos ay panibagong malakas na halakhak na naman ang iyong narinig. Hindi mo pinakita ang pagkatakot mo mula sa kanyang tinig na unti-unti pang tila nagagasgas makailang beses siyang humalakhak.

Nagtaklob ka ng kumot at pinilit makakuha ng paraan para makatulog. Pero iba ang nakuha mo, ang iyong multo ng nakaraan na para bagang sariwa pa sa mura mong isipan. Dito na pumasok ang mga ala-ala sa isipan mo...

Nagmamadali kang umuwi ng araw ding iyon. Labinlimang taon ka pa lang at kitang-kita ang tinataglay mong angking ganda. Bilugan ang iyong mukha, balingkinitan ang iyong pangangatawan, mapusyaw ang iyong kutis na para bang tulad sa mga Disney princess, tunay ngang repleka ka ni Eba na siyang hinango sa iyong pangalan. Hindi mapagkakailang maraming lalaking nahuhumaling sayo ng mga panahong ito.

Naghahabol ka ng iyong paghinga dahil nga sa kanina mo pa pagtakbo galing sa paaralan. Kailangan mong maka-uwi ng maaga, kailangan mong magluto ng hapunan, kailangan mong linisin ang buong bahay. Walang nagsabi na gawin mo ito pero kung hindi mo gagawin malamang ay magwawala na naman ang ama mong lasenggo at sasaktan ka, ang iyong sakiting ina, at ang bunso niyong apat na taon pa lang.

Hindi ka nga nagkamali dahil umuwi ang iyong ama na paika-ika at umiikot ang paningin, may dala itong bote ng alak sa kaliwang kamay na tinungga pa bago magsalita, "Evangeline n-nasaan ang nanay m-mo" bakas sa boses na nakarami na siya ng nainom dahil sa 'di maintindihang pagsasalita pero alam mo ng mga oras na iyon na hinahanap niya ang iyong ina.

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now