Entry No. 09

113 6 6
                                    

Ang Kuweba sa Ilalim ng Ilog

Amyltary

May sabi-sabi at kumakalat na kung ano-anong haka-haka at kuwento tungkol sa ilog Hollow-hollow, kung saan hilig ng karamihan sa mga bata sa baryong iyon, lumangoy at sumisid.

Papalubog na ang araw nang magpasiya ang mga kalaro ni Andoy na pumunta sa ilog Hollow-hollow. Ang ilog na iyon ay may napakalapad na tulay kung saan kailangan nila iyon lagpasan sa pamamagitan nang paglangoy sa ilalim nito. Palagi nila iyong ginagawa sa tuwing pupunta sila roon. Nagpapabilisan pa nga sila sa pagsisid para makaabot sa kabilang dulo ng tulay.

Pero, may kakaibang nangyari nang araw na iyon. Kahit sinoman ay hindi inasahang ang normal na laro ay magiging isang malagim na karanasan para sa isa sa kanila . . .

"Ano ? Game na tayo?" ani Joy, ang pinakabata sa magkakaibigan. Matapang din ito dahil sa lahat ng mga batang babae sa baryo nila, siya lang ang may lakas ng loob na sumisid sa ilalim ng nakapalapad na tulay, kasama ang mga batang lalaki. Kitang-kita pa ang kislap sa mga mata nito at ang malawak na ngiti sa mga labi—mukhang excited na ang bata na lumangoy.

Napatawa lang si Andoy at ang iba nilang kalaro sa inakto ni Joy.

"Sige, ready na ako!" ani Andoy na may ngiti sa labi. Tumango-tango naman ang iba at inihanda na ang mga sarili para sa karerahan sa pagsisid.

"Isa."

Itinaas ni Andoy ang kanyang hanggang tuhod na short.

"Dalawa."

Umupo siya.

"Tatlo."

Tumingin siya nang diretso sa ilog at inilagay na ang dalawang kamay sa lapag ng mabatong pangpang.

"Go!"

Nang marinig ang hudyat, kaniya-kaniya na silang sumisisid sa ilog.

**

Naunang nakapunta si Jon sa kabilang dulo ng tulay. Tuwang-tuwa pa ang bata dahil siya ang nauna sa karera. Ngunit agad na napawi ang ngiti sa labi niya nang makatanggap nang malakas na palo sa puwet.

"Ikaw na bata ka, ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na delikado ang ginagawa n'yo? Paano kung naubusan ka ng hangin sa ilalim ng tubig? Edi patay ka na?" bulyaw ng ina ni Jon sa kaniya.

"Sorry na, ma! Hindi na po mauulit. Huhu..."

"Talagang hindi na mauulit! Dahil hindi ka na makakapunta rito!" Kinaladkad si Jon ng kaniyang ina at umalis na sa lugar na iyon.

Gano'n din naman ang nangyari sa ibang bata. Sinalubong sila ng kani-kanilang mga nanay at pinagpapalo. Talaga namang delikado ang pagsisid sa ilalim ng malapad na tulay. Dahil kung maubusan sila ng hangin, at hindi pa sila nakararating sa kabilang dulo, maaari ngang mamatay sila. Kaya hindi masisisi ang magulang ng mga bata kung gano'n na lamang ang mga reaksyon nila.

Samantala, habang sumisisid si Andoy, nakaramdaman siya nang pananakit ng paa hanggang sa hindi niya na iyon maigalaw pa. Pilit niyang iwinawasiwas ang mga ito, pero hindi niya magawa. Sinubukan niya rin humingi ng tulong ngunit dahil nga nasa ilalim siya ng tubig, hindi niya nagawang makapagsalita.

Nauubusan na siya ng hangin. Nawawalan ng pag-asa. Akala ng batang si Andoy ay katapusan niya na nang mga oras na iyon. Ngunit nang masilayan ang mukha ng 'di kilalang babae, nabuhayan siya ng pag-asa.

Inabot niya ang kaniyang kamay rito. Laking pasasalamat niya nang tinanggap iyon ng babae at hinawakan ito nang mahigpit. Ilang sandali lang, naramdaman niya na ang unti-unti nilang paggalaw. Marahil ay nag-umpisa na itong sumisid.

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now