1st Runner Up

41 3 7
                                    

Amyltary's Ang Kuweba sa Ilalim ng Ilog

Amyltary's Ang Kuweba sa Ilalim ng Ilog

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Judge 1

Wansapanataym talaga ang naisip ko nang mabasa ko ang entry mo. Magaan lang siya basahin. Naka-relate ako sa pinagdaanan ni Andoy kasi ganyan ang mga kuwento ng mga matatanda sa amin. Sa edad kong *toot*, hindi na ako matatakot sa ganito kung babasahin ko. Pero dahil maraming mas bata pa sa akin sa wattpad, puwede na siyang pumasa as horror story. Kasi kapag nangyari iyan sa iyo sa tunay na buhay, totoong nakakabaliw. At nagustuhan ko rin ang twist. Iyon lamang at sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat nang ganyang istilo. May kaunti lang error pero hindi siya masakit sa ulo basahin. Congrats! 😉

PS: Nagutom ako, seryoso.

Judge 2

Noong una, sa unahang parte ng kuwento, sa pakiramdam ko, kagaya siya ng isang local folklore na tumutukoy sa lumang kuwento tungkol sa mga engkanto.

Hindi ko lang talaga ma-imagine iyong tulay kasi kung ako iyon, hindi ako magmamatapang na lumangoy sa ganoong tubig kaoag hindi ko nakikita ang patutunguhan ko. Nakakatakot kasi ang mga bagay na hindi mo nakikita.

Anyway, sa teknikal ay wala na akong masyadong masasabi dahil malinis naman ang pagkakagawa, magaan sa mata basahin ang buong kuwento at maganda ang pagkakalahad at mga ginamit na salita.

Ang pinakanagustuhan ko rito, ay ang pinkahuling paragraph. Iyon kasi talaga ang nagdala sa buong kuwento na matapos ko siyang basahin, sandali akong natulalaa at napaisip tapos napangiti na lang nang ma-realized ko matapos balikan ang buong kuwento.

Ang galing lang. So iyon pala ang ending ni Andoy. Talagang natuluyan na siya, nakatakas man siya sa mga kumuha sa kanya pero nawala naman nang tuluyan ang katinuan niya.

Hindi totoo ang tatlong anak na kinikuwentuhan niya, parang embodiment lang sila ng mga dumukot sa kanya. Wow! Ang galing talaga.

Judge 3

Ang kwentong ito ay tungkol kay Andoy na isang normal na bata hanggang sa pamunta siya sa isang kweba at habang lumalangoy at nasagip ng isang engkanto.

May moral lesson ang kwento na ito although hindi masyado nakakatakot para sa mga matatanda. But this is a good story for youngsters maliban na lang sa huling parte ng kwento; yung twist. Yung mapapa-what the! ka talaga.

Anyway, maganda ang narration at magaan basahin at hindi mo mararamdaman na natapos mo na pala binasa. Minimal lang ang error at halatang may alam ang writer pagdating sa technicalities. So, thumbs up.

Judge 4

This story is like an old classic folklore with a childlike feel na maririnig mo lang sa mga baryo-baryo dati. Iyon bang story na tipong ipapanakot sa atin ng mga magulang natin kapag nagpasaway tayo at kung saan-saan tayo nasusuot.

Gusto ko iyong part na may lesson siya na kasama. I have read and watched similar stories pero ang difference lang ay iyong setting, magaan siya basahin at madaling intindihin.

HALLO-Win One-Shot Story Writing Contest (CLOSED)Where stories live. Discover now