May Magagawa Pa Ba?

2 0 0
                                    

[🏡]
Sa lahat ng araw na ating pinagsamahan,
Sa mga araw na kay saya.
Nagtataka pa rin ang puso,
Kung bakit bigla kang naglaho.

Ang tanga ko, ang tanga ko para hindi man lang nalaman na ako'y isang third party lamang,
Parang isang supporting character sa inyong istoryang kay saya,
Na sa panig ko ay ang mundo'y gumuguho na,
Mas pinili pa ring bumangon kahit sa malakas na pagkatumba.

Mas naging tanga ako dahil naniwala ako sa second choice is the best choice,
Dahil kung minahal mo rin naman siya sa umpisa, sana hindi mo na rin naman akong ginawang leisure toy.
Ako'y naging first choice mo man,
Pero ako pa rin ang iyong iniwan sa hulihan.

Pero mahal, dahil mahal kita ay handa aking magparaya,
Kahit masakit, mahal ko eh, may magagawa pa ba?
Mismong puso ko na ang nagdesisyong bumangon mag-isa,
Kahit hirap na hirap na ito sa pagtago lahat ng sakit na walang tumutulong na iba.

Exquisite PoetriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora