Kakaibabe

0 0 0
                                    

[🏡]
Ilang mga sulat ang natanggap
Ilang mga harana na sakin ay nagpahirap,
Ngunit sayo parin ang aking mata nahagilap,
At ang puso ko'y iyong nabihag.

Isang simpleng babae na maraming kaartehan sa buhay,
Ay iyong tinanggap at sineryoso,
Kahit di man kita maidala sa bahay,
Basta tandaan mo na mahal kita ng buong puso.

Ika'y isang lalake na nagpabihag sakin,
Pagkatapos kong naloko ang sarili sa malaking pagkakamali,
Ngunit di mo ko binigo at nung puso ko'y iyong tiyakin,
Masasabi ko nalang ay "Hanep ka pre! Petmalu na dis!"

Mamahalin na kita at ayaw ng pakawalan,
Sapagkat ikaw na yata ang kakaibabe na matagal ko ng pinangarap.
Sana magkatulad rin tayo ng nararamdaman,
At sana'y pagmamahal ko ay iyong suklian.

Exquisite PoetriesWhere stories live. Discover now