Tadhanang Hinintay

2 0 0
                                    

[🏡]
Napadpad ulit ako sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala,
Kung saan tayo unang nagmahalan,
Sa lugar na kung saan ka nawala,
Ay nilakad ng kusa ng aking mga paa para ika'y makita at mapagmasdan.

Pinagmasdan na masaya at kuntento sa kanya,
Sa kanya na kung saan mo nakita ang tunay na saya,
Ang saya na kailanma'y hindi mo naramdaman nung may tayo pa,
Nung may tayo pa, nung wala pa siya sa eksena ng ating pagkakaisa.

Oo, masakit, tiniis ko ang pait at pagkainggit ng nalaman kong may pumalit,
Nas mas higit sa pag-ibig na aking inihatid,
Na kahit noon ay naipit ay patuloy pa rin sa pagkapit,
Pagkapit sa pangakong di ko alam kung may silbi pa ba, sayo, o sa atin..

Kaya pinili kong palayain lahat ng meron tayo,
Lahat ng meron sa pagitan nating dalawa,
Pagmamahalan, pagkilala, pagsasakitan, lahat ay aking binitawan,
Lahat ay aking hinulog sa bangin kung saan ko nililibing ang lahat na alaalang masasakit,
Na aking mga natanggap habang nabubuhay ng puno ng pighati.

Dinala ako ng mga paa ko sa kung saan ako lang mag-isa,
Kung saan ko mabubuhos ang luhang ikaw ang dahilan,
Kung saan ko matatapon lahat ng problema,
Kung saan ko kayang wala ka, at tanggap kong wala ng pag-asa.

Ngunit sa aking pagmuni-muni, ay may nakita akong isang lalakeng hindi gaano kakisig,
Ma-ala kamatis na ang ilong sa patuloy-tuloy na pagtangis,
Nabigla ng ako'y tinawag, sinigaw ang aking pangalan.
Kahit alam kong hindi kita kilala, ay nilapitan pa rin kita dala ng pag-aalala.

Ika'y nagulat ng ako'y makita, may ningning sa mata na parang may bituin na tinitignan,
Ika'y napatanong na "Ito ba'y himala?" "Ito ba'y isang panaginip na naman?"
Nagtaka ako sa iyong mga kinilos na nagdulot para tanungin kung napaano ka,
At dun ko nalaman na ako pala ay iyong hinintay sapagkat sinabi mo sakin ng harap-harapan na "ikaw nga talaga ang isang dilag na aking pinapangarap."

Ika'y aking tinanggap, minahal, at inalagaan, sabay sa pagbitaw sa pighati na dulot ng nakaraan,
Ako'y nagpasalamat at ika'y nakilala, sapagkat ikaw ang naging tawiran upang makuha ko ang sinag ng pag-asa,
Ang pag-asang meron pa palang magmamahal sa tulad ko, tulad ko na walang kwenta,
Na iyong tinanggap at tinuring na prinsesa.

Ngayon ay tayo ng dalawa, ipinagkatiwala ka sakin ng Maykapal,
Ika'y aalagaan na higit pa sa sapat at mamahalin pa ng kusa at tapat,
Lahat na nakaraan ay aking nakalimutan, sapagkat dumating ka ang prinsipeng matagal kong hinintay,
Hinintay sa kung saan kita natagpuan at tinanggap ang pagmamahal mong inalay.

Kita'y magkalayo man ng landas, di ka man makita araw-araw pero ika'y aking pagkakatiwalaan, at sana ganun rin ang gagawin mo,
Sapagkat sa desisyon ko sana'y hindi magsisi, wala naman sanang magbabago,
Pero sa muli nating pagkikita, kahit ang mundo'y magkabaliktad man,
Aasahan mong nandun pa rin ako sa tagpuan nating dalawa kung saan natin binuo ang simula ng ating kasaysayan.

Exquisite PoetriesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ